Chapter 19

298 18 4
                                    

[Maiya's POV]

Kakapasok pa lang namin sa bahay ni Marie.

"Mama, I'm home!" Sigaw ni Marie na kakapasok lang sa pintuan.

"Buti naman naisipan mo ring umuwi kang bata ka." Hiyaw ng kanyang ina na nanggaling sa kusina. Napatingin ang kanyang ina sa akin. "Oh andito ka pala Maiya! Nako sinama ka pa talaga ni Marie para hindi siya makatikim sa akin." Dugtong niya habang lumalapit sa amin.

"Hindi po tita Marianne. Ako po ang naki-usap kay Marie na mag-overnight po ako dito. Nababagot po kasi ako mag-isa sa kwarto ko." Nakangiting sagot ko.

"Ganon ba? Pero hindi ibig sabihin nun ay ligtas na sa parusa ang babaeng ito." Sagot ni tita Marianne sabay pingot sa tainga ni Marie.

"Aray! Aray! Aray! Aray! Ma ano ba!?" Mabilis na hiyaw ni Marie na napahawak ang dalawang kamay sa kamay ng kanyang ina at napatiptoe pa sa sakit ng pagpingot sa kanya.

"Diba sinabi ko sayo na magpapaalam ka kapag gabi ka na uuwi?"

"Ma wala akong load!"

"Aba! Yan pa ang irarason mo? Para saan pang binilhan kita ng cellphone?"

Kinurot ni tita Marianne si Marie sa may binti. Nanlaki ang mga mata at napaatras si Marie sa pagkurot sa kanya. "Hiiiiiihhhh!" Hiyaw niya.

"Tsaka tinatawagan kita kanina. Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong ni tita kaya Marie.

"Ma nakasilent ang phone ko! Bawal kasi sa school ang magring ang cellphone."

"May klase pa ba kayo ng alas sais?"

"Wala na po ma. Nakalimutan ko lang po ibalik ang ringtone."

"Sige, pagbibigyan kita ngayon. Pero sa susunod malilintikan ka na talaga sa akin."

"Ma naman! Ba't ang higpit niyo po sa akin pero kay kuya eh..."

"Iba naman ang kuya mo. College na siya, ikaw high school pa lang. Isa pa, babae ka! Alam mo naman na maraming nari-rape dito sa Pilipinas. Nag-aalala lang ako sa'yo."

"Ma, madalas din naman may balitang patayan dito sa Pilipinas. Hindi rin ligtas na pagala-gala siya sa gabi kahit lalake pa siya!"

"Alam ko. Pero iyong kuya mo mabisyo at mabarkada. Para ngang nagrerebelde kapag pinagsasabihan ko. Kaya pabayaan mo siya, matanda na siya. Huwag mong sabihin pati i

kaw hindi na rin makikinig sa akin?"

"Sorry po ma!"

"Oh siya. Sige, maliligo na ako at matutulog. Kayo din matulog na rin kayo ah."

"May mga assignments pa po kami. Gagawin pa po namin." Sagot ni Marie.

"Sige. Basta huwag kayong magpupuyat!"

"Opo!" Sagot naming dalawa." Umalis na si tita Ma
rianne at nagtungo sa banyo.

"Sorry Marie! Napagalitan ka pa tuloy dahil sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Huwag mong alalahanin yun, wala lang yun." Sagot niya at ngumiti sa akin.

Dumiretso kami sa kwarto ni Marie para gumawa ng assignments sa kanyang higaan.

Mag-aalas diyes na nung natapos kami gumawa ng mga takdang aralin.

May naririnig kaming kalampag ng paa mula sa may sala papalapit sa kwarto.

"Mukhang may tao." Ani ko.

"Si Kuya lang yun!" Napatingin si Marie sa oras sa kanyang cell phone. "Tingnan mo to, si kuya madalas umuuwi ng mag-aalas diyes na pero hindi man lang sinisita. Samantalang ako, kapag umuwi ako ng pasado 6:30 lagi akong pinapagalitan. Parang unfair diba?" Umiiling na wika ni Marie.

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon