EPILOGO

16 3 0
                                    

Epilogo

Tinatanaw ko ang asul na dagat mula sa veranda ng maramdaman kong may pumulupot na mga braso saaking bewang. Ilang taon na 'nga ba ang lumipas? Siyam? Sampu? Hindi ko na maalala sa sobrang tagal.

Sino na ba ako ngayon? Ako parin ba si lianna noon o nagbago na? Hindi ko na alam. Wala na akong matandaan dahil sobra sobra na ang kaligayahan na nararamdaman ko ngayon. Malayo sa mga bagay na hindi ko naman ikakasaya.

"You smell so good." He said.

Natawa agad ako tsaka lumingon. Nasa loob ako ng mga braso niyang nakapatong sa magkabilang gilid ko. "I know, right." Tsaka ako kumindat. 

"Mommy!!!" Sigaw ng maliit at matinis na boses kaya sabay kaming napatingin ni marcus sa pinanggalingan ng boses na iyon. It was lili. My 6 years old daughter.

Lili, Short for Lilianna Krishna. Tinupad ko ang sinabi ni lily noon na isunod ko sa pangalan niya ang magiging anak ko, lalaki 'man o babae. 

She's wearing a pink bodysuit. 

"Yes baby?"

"I want to swim!" saad niya tsaka tumakbo pabalik sa loob. Nagkatinginan kami ni marcus tsaka sabay na natawa.

Hindi na ako bumalik sa manila. Napagplanuhan namin ni marcus na dito na sa batangas manirahan. Pero bumibisita pa'rin ako lalo na sa bahay aruga dahil sa mga batang iniwanan ko doon. Maraming gustong umampon sa kanila pero ayaw nila kaya palagi ko silang binibisita.

"Daddy catch me!!!" Bungisngis ni lili habang tumatakbo sa buhanginan, nagpapahabol sa tatay niya habang ako, nandito sa isang hammock masaya silang pinagmamasdan.

Naramdaman kong may nakadagan saakin ng magising ako. It was lili,  natutulog sa ibabaw ko. Agad kong hinaplos ang mahaba niyang buhok tsaka hinanap ng tingin si marcus. Nasa taas ko siya, tulog rin.

Noon, pangarap ko lang maging masaya. Yung totoong saya. Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari saakin dahil sobra sobrang kaligayahan ang binigay saakin. Sobra sobra. Kung may hihilingin pa ako? Wala na. 

Sabi nila, ang buhay mahirap. Maraming pagsubok, problema pero kapag nalagpasan mo naman 'yon, sobra sobrang kasiyahan ang kapalit. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Sa sobrang daming nangyari sa buhay ko, akala ko hindi na ako sasaya pa. 

Pero hindi. 

Simula ng bigyan ko si marcus ng second chance, hindi na niya ako binigo pa. Pinatunayan niyang he deserve a second chance. 

Sa mga araw na lumipas, hindi niya ako hinayaan. Kahit na pakiramdam ko, parang ang oa oa na niya, hinayaan ko nalang dahil doon naman siya masaya.

At kung papipiliin ako?

Siya at siya parin.

Siya parin ang pipiliin ko sa araw araw.

WAKAS.


All rights reserved.

Way Back Into Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon