KABANATA 17

10 3 0
                                    

Kabanata 17

God knows how much I badly want to tell him na mahal ko na rin siya. Pero mas inuunahan ako ng takot. Takot na wala namang maitutulong saakin.

Ramdam kong natigilan siya.

"H-huh?" He said, stuttering. Agad naman akong natawa matapos ko iyong marinig.

Sa haba ng panahon na magkasama kaming dalawa, hindi siya nagbago. As in wala. Sa itsura oo pero sa ugali? Siya parin. Ugaling naging dahilan para magustuhan ko siya at para mahalin ko siya.

"I love you." Ulit ko.

"H-huh?"

"Hotdog." Pang aasar ko.

"Ano nga?" He pouted.

Imbes na sumagot, yumakap nalang ako sa kaniya. His body was making me feel comfortable. Parang ang sarap yumakap lagi.

"Hey." Rinig ko ang pagka seryoso ng tinig niya pero tumawa lang ako. "Lianna."

I didn't answer.

"Lianna." Tawag pa niya pero mas sumiksik lang ako sa kaniya.

"Baby."

There, hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Sabi ko, mahal kita."

Katahimikan. Matagal na katahimikan ang namayani saaming dalawa. Tanging tunog lang ng aircon ang nagbibigay ingay sa tahimik na sandali.

Maya maya pa, naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa aking noo.

"I can hear your heartbeat." Saad ko sa kaniya habang nakapatong ang ulo ko sa kaniyang dibdib na para bang sinasadya niyang iparinig saakin iyon.

Katamtaman ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Pakiramdam ko ay musika iyon sa aking tenga. Ang sarap pakinggan.

Noon, nung mga panahon na hindi pa kami ni lucas, lagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam ma inlove. Kung masarap ba? Kung puro saya lang ba?

Kaya ayon,. Nung niligawan ako ni lucas ay sinagot ko agad siya dahil gustong gusto ko nang mainlove. Hindi ako nagkamali non. Masarap mainlove. Masarap magmahal. Pero hindi ko inaasahang sobrang sakit rin yung kapalit non.

But here I am, nagmamahal ulit.

Itinayo ako ni marcus tsaka pinakatitigan. "Tayo na?" He asked, seriously. Agad naman akong tumango ng walang paga alinlangan.

Maya maya pa, naramdaman ko na ang labi niya saakin.

"I don't want to lose you. Please don't leave." He said, still kissing me. After hearing those words, bumilis ang tibok ng aking puso.

Walang dahilan para iwan kita. I mentally said.

"Ano sasama ka ba?" I asked edel. Day's have passed, it's already summer. Today is Saturday, ngayon din kami pupunta sa baguio.

Belinda told me that she can't go with us. Nalungkot ako oo, pero wala eh. May importante daw siyang gagawin. [Oo, kelan ba alis?] Tugon niya mula sa kabilang linya. Parang kakagising lang dahil rinig ko pa ang hikab niya.

"Today,"

Nailayo ko sa tenga ko ang telepono dahil sa lakas ng mura niya. Ikinatawa ko naman iyon. Sanay na ako sa ugali niya.

[Hoy, tangina seryoso?!] She shouted, naiinis.

I laughed. "Yes, pero wala pa naman si marcus, baka maya maya pa. Maghanda ka na, daanan ka namin." Tsaka ko pinutol ang linya.

I was in the middle of preparing my things when I heard the doorbell rang. Agad akong tumayo para tingnan iyon. Imposibleng si marcus iyon dahil mamaya pa siya dahil kumuha siya ng gamit sa Batangas.

Way Back Into Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon