Kabanata 5
"N-nagjo-j-joke k-ka lang di-diba?" I stuttered. Ayaw mag process sa utak ko yung sinabi niya. No, he's just joking right? Ano't sinabi niya yon eh hindi naman niya ako kilala..
But thanks for him. Kung hindi siya dumating kanina, baka napano na ako. Baliw talaga yung lucas na yon. Pati ako na nananahimik na, ginugulo pa.
"No, I'm not." Aniya pa bago ako inakay pabalik sa floor namin. "Bakit mo ba 'toh ginagawa?" Bulong ko matapos niya akong maihatid sa unit ko.
"Lianna." Tawag saakin ni edel habang nandito kami sa bar na pagmamay-ari ng cousin niya.
Nagpasundo ako sa kaniya kanina para may mapagsabihan ako don sa mga tinuran ni fortune nitong mga nakaraang araw. Araw na ang lumipas pero eto ako, pinoproseso parin ang nangyari.
It's bothering me.
"Ano magkwe kwento ka ba?" Supistikadang tanong niya. Ininom ko muna ang natitirang wine ko saka bumaling sa kaniya.
"Bumalik si lucas." Saad ko. Kaagad na bumalantay sa mukha niya ang gulat pero matapos ang ilang segundo, kumalma ulit iyon. Siya lamang ang nakakagawa non.
"Ano ginawa mo?" Tanong niya kaya ikinuwento ko naman ang nangyari.
"Tapos I told him that I don't love him anymore." Rinig ko ang malalim na paghinga niya saka uminom ng wine.
"Hindi na nga ba?"
Natigilan ulit ako sa sinabi niya. Sa lahat nang pwede niyang itanong ay bakit yon pa?
"Alam ko sa sarili kong hindi na."
"Hindi ka sigurado. Oo, nasasabi mong hindi pero sa loob loob mo, eh mahal mo parin pala." Umiling lang ako saka nagsalin ulit ng wine.
"If you can lie to others, you can't lie to yourself." She said pa na ikinatahimik ko lalo.
Sabi ko sa sarili ko noon, hindi ko na siya mahal at napanindigan ko yon. Sa mahabang panahon na nawala siya sa life ko, nawala narin ang pagmamahal na yon.
Pero bakit nang makita ko siya ulit... Parang bumilis ang heartbeat ko? Walang nagbago sa itsura niya, gwapo parin. Matangkad at sakto lang ang katawan. But when I saw him... Parang bumalik ang lahat... Lahat lahat.
Kung paano kami magsaya noon. Kung paano kami pumunta sa iba't ibang lugar. Kung paano niya ako ituring... At kung gaano namin kamahal ang isa't isa.
Nakakainis lang dahil... Hanggang ngayon, may nararamdaman parin ako kapag iniisip ko lahat. Ang daya lang noon dahil ako, mahal na mahal ko siya tapos malalaman kong may minamahal rin pala siyang iba.
Totoo nga ang sinabi sakin ni dad noon. Na ang love ay parang ulam raw. Maraming sangkap, maraming proseso na pagdadaanan para makamtan niyo ang sarap.
Akala ko, kompleto na ang sangkap na yon samin ni lucas. Pero nagkamali ako. Para bang sa adobo, hindi nalagyan ng seasonings kaya pangit ang kinalabasan. Yung akala mo okay na pero hindi pala.
But this is life.
"Anong gagawin mo kay fortune? Diba sabi mo, may gusto raw siya sayo." Aniya.
"Ewan, nalilito ako."
"Alam mo kung ako sayo, papatusin ko na yang fortune na yan. Minsan lang dumating ang ganyang mukha. Grasya na yan, hindi tulad sakin puro disgrasya. Tsaka baka palagi akong madiligan, joke. But sadly, hindi ako ikaw. So, it's your decision parin."
"Pero ayokong gamitin yung tao na 'yon para lang maka- move on."
Totoo yon. Hindi ko talaga kaya. Siya na gagamitin ko lang para makalimutan yung isa? Ano ako, stupid? Tsk.
"Lianna, Hindi mali na umibig ulit. Hindi ko rin naman sinabi na gagamitin mo si fortune para maka move-on ka. Hindi habang buhay single ka, babae. Baka katandaan mo yan. You should find again the way back into love."
Nagising ako ng napaka aga dahil sa katok mula sa pinto ko. Medyo sumakit pa ang ulo ko dahil naparami ang inom namin kagabi ni edel.
"Kanino galing toh?" Kunot noong tanong ko nang may makita akong paper bag sa harap ng unit ko. I just put it on the kitchen tsaka ako naghanda para sa pagpasok ko. I just wore a pair of white tank top and a button down skirt. White shoes and my tote bag.
Papalabas na ako nang maalala ko ang paper bag sa kusina. Binalikan ko iyon saka dinala sa kotse para doon na buksan. It was a light blue Tupperware. May bread, sausages, ham and eggs sa loob tsaka cucumbers. May maliit rin na container ng tubig doon.
"Sino ba kase nagbigay nito?" Nagugulumihanang tanong ko. Umaasang may sasagot pero umiling nalang ako dahil ako lang naman mag isa sa kotse ko.
"Shit!" Sigaw ko nang may biglang dumaan sa harap ng kotse ko. "STUPID!" I shouted.
Nakarating ako sa university. Kinuha ko ang gamit ko shotgun seat nang may mapansin akong yellow card sa baba.
Enjoy your breakfast prettiest, puntahan kita later.
- Marcus A.K.A FORTUNE ;-)I froze. Kay fortune galing toh? And fuck... Pupuntahan niya ako? For what reason? Bakit niya rin ako binigyan nito?
Siguro stalker ko siya kaya nalaman niya na cucumber ang paborito kong food? And geez, alam niya rin na ayaw kong nilalagyan yon ng vinegar and everything! Yung letter na binigay niya kanina, nasa akin parin. Sobrang ganda rin ng penmanship niya! Daig pa ang akin..
Nandito ako ngayon sa room habang nilalantakan yung pagkain na binigay niya dahil wala pa naman ang professor. Edel was busy writing something while bel was here, eating my food.
"Kanino galing toh?" She asked while wiping her mouth. "Fortune." I answered.
Kaagad nanlaki ang mata niya saka ako kinurot sa tagiliran.
"Impakta ka! Bakit hindi mo sinabi?! Eh for you lang pala yan! Enjoy pa naman ako kanina dahil I thought you're the one who prepared this!" Asik niya.
Natawa naman ako saka iniligpit ang kinainan namin. Dumating narin ang professor kaya hindi na kami nakapag usap pa ni bel pero hindi yon reason para tigilan niya ako dahil magkatabi lang naman kami.
"Ikaw haa, type ka pala niyang si fortune?" Bulong niya. Bigla kong naalala na may a.k.a doon sa letter.. Bakit naman niya lalagyan ng a.k.a yon eh surname niya ang fortune. Or...Baka mali ako?! OMG... Marcus pala ang first name niya? It suits him.
"Paano mo naman nasabi?" Tugon ko pero nandon sa professor ang tingin. Hindi niya kami napapansin dahil nakatalikod siya, nagsusulat habang nagdi discuss.
"Hindi ka naman niya bibigyan nito kung hindi ka type non."
Akin ka na
Akin ka na
Akin ka na
Akin ka na
Kusa iyong nag echo sa isipan ko. Kaagad akong napatayo, sanhi para pagtinginan ako pero wala akong pake alam. Nag- paalam ako sa prof ko na magba banyo lang.
Sa park ng school ako dumeretso dahil walang tao doon. Umupo ako sa isang bench saka tumingin sa kawalan.
"Why are you doing this?!" Mahinang sigaw ko.
Naiinis ako sa sarili ko dahil naapektuhan ako! Simple lang naman ang gusto ko.. Ang kalimutan si lucas pero ano't nandito si for- MARCUS na pinagugulo pa lalo ang nararamdaman ko?
"Bwiset! Pinapagulo mo ang nararamdaman ko! Naiinis ako! Bakit mo ba kase ginagawa toh? HA MARCUS?! Impakto ka!" Sigaw ko pa. Wala rin namang makaka rinig sa akin kahit tumili tili pa ako dito.
"Because I like you?" Ani ng boses mula sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (COMPLETED)
Teen FictionLianna Annaliese don't want to fall in love again because of her past. She spent her time focusing on her studies, family, dream and friends but she never thought that a guy she just hit accidentally on the hallway will make her find again the way b...