KABANATA 30

13 3 0
                                    

Kabanata 30

Nagising ako ng umagang iyon dahil naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Ramdam ko ang hapdi sa aking mata dahil sa pag iyak ko buong gabi.

Lumingon ako at doon ko nakita si mom na nakasalamin habang ipinapalibot ang tingin sa buong kwarto ng kapatid ko.

I thought everything was just a dream. Pero the fact na nandito ako ngayon at hawak ang litrato ng kapatid ko ay masasabi ko talagang totoo. Nabaling ang atensyon namin ni mom sa pinto ng may pumasok na maid doon kasama ang tatlong bodyguards. Ang akala ko ay kaya sila nandito ay para samahan si mom pero nanlaki ang mata ko ng simulan nilang kunin ang mga gamit ni lily.

"What the hell are you doing?!" I shouted but I didn't receive any response.

Lumapit si mom tsaka hinagod ang likod ko. Ilalabas na sana nila ang gamit ni lily nang tumayo ako tsaka ko sila tinulak lahat palabas kasama na si mom. Alam kong bastos ang ginawa ko pero sa nararamdaman ko ngayon? Hindi ko na alam.

Rinig ko ang katok ni mom galing sa labas pero hindi ko iyon pinansin. Nanatili ako sa kwarto ng kapatid ko hanggang sa magdilim ulit. May mga kumakatok sa labas pero wala akong lakas para buksan iyon.

Tumingin ako sa paligid. Her brown room na ako mismo ang nagsuggest ng kulay, mga paintings na nasa wall na sabay naming ginawa and our family picture.

Ang sakit. Taon narin ang lumipas simula nung huli kaming magkita at sa hindi ko inaasahan.... Ito ang sasalubong saakin. Buong araw ako hindi umiyak. Gustong gusto ko nang ilabas ang mga luha ko tulad ng kahapon pero wala na talaga.

She is my first best friend. My first diary. My first enemy. My first favourite. She's my first. Forever will be.  

Pakiramdam ko, sobrang nagiisa ako ngayon. Wala akong mapaglabasan ng galit, poot at sakit. Hindi ko maintindihan. I heard my phone rang at nang tingnan ko iyon, it was a unregistered number. Hinayaan ko iyon pero ring parin ng ring kaya tumayo na ako tsaka ko iyon sinagot.

"H-hello?.."

I heard a sigh.

"It's me, marcus. Labas ka." I froze for a moment pero right after niyang sabihin iyon, tumayo kaagad ako tsaka lumabas.

May pagkain akong naabutan sa labas ng pinto ko pero wala akong pakealam. Tumakbo ako nang hindi iniisip ang itsura ko. Mabuti nalang at nakapag palit ako nang pang itaas kanina.

May mga nagkalat na tao sa labas ng bahay namin at lahat sila, napatingin saakin. Well, ano pa 'nga bang ineexpect ko? My parents are famous as hell, dami daming friends kaya hindi na ako magtataka kung madadagdagan pa sila. Ang bilis kumalat ng balita, nakakaloka.

As soon as I stepped on the road, may kamay na agad pumulupot sa likod ko and by his scent, alam ko na agad kung sino ito. Medyo malayo kami sa gate at malayo rin ang mga tao kaya I'm 100 percent sure na walang nakakakita saamin.

Pero isang tanong ang nasa utak ko ngayon...

"Bakit ka nandito?" tanong ko. I don't know why he's here and why he's hugging me. Parang nung mga nakaraang araw lang ay ini-ignore niya ako and he can't even look at me straight. Tapos ngayon, he got the guts to hug me ng biglaan? Pathetic.

"Your mom called me." he answered, still hugging me from my back. I can feel his breath touching my skin that makes me tickle a bit.

"Why are you hugging me?"

I swear to god, my voice was cold as ice but how can I  wonder kung bakit ako ganito? Kayo kaya mamatayan.

I felt him froze then started to move dahilan para mapapikit ako. Ang akala ko ay bibitaw na siya pero hinarap niya ako sa kanya tsaka ako yinakap.

His arms that encircling around my body made me cry for no reason. Bigla nalang talaga bumagsak ang luha ko tsaka ako kusang napayakap sa kanya. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya tsaka doon umiyak ng umiyak.

Ang mga luhang ayaw lumabas kanina ay bumuhos na parang ulan sa lakas ngayon.

"I'm sorry." he whispered.

"F-for?"

He sighed.

"Nothing."

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap tsaka pinunasan ang mga luhang patuloy sa pag agos. I know he wants to say something but I can understand why he chose to say nothing even na mayroon talaga siyang gustong sabihin.

Huminga ako ng malalim, maraming beses umaasang mababawasan non ang bigat na nasa dibdib ko ngayon pero hindi ako nagtagumpay.

"Tara?" biglang aya niya na ikiakunot ng noo ko.

"Saan?"

"Batangas."

Nasa byahe na kami ngayon. Bigla nalang akong napa oo kanina ng hindi manlang gumagawa ng desisyon. Wala akong cellphone na dala, wallet or anything. I just have my self and this man sitting next to me. Nakatingin lang ako sa dinaraanan namin. Mas pinili ko  ring pabuksan lang ang bintana dahil gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. 

"Can you stop?" I asked. Nasa gitna kami ng kawalan ngayon. Mapuno at madilim, walang ilaw at napaka lamig. Sa isang gilid kami pumarada at nang huminto ang makina ng sasakyan, napahinga ako ng malalim. 

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak kong patigilin siya sa pagmamaneho. Napalingon ako sa pwesto niya ng gumalaw siya tsaka binuksan ang pinto at lumabas matapos niyang ialagay susi sa driver's seat. Sinundan ko ang bawat galaw niya hanggang tumigil siya at sumandal sa harapan ng kanyang sasakyan.

Iginala ko ang paningin ko sa buong sasakyan. Hindi ako sanay na makita siyang gumagamit ng car dahil before, motor ang ginagamit nam- niya. Ginagamit niya. He's car was so simple, wala namang makikitang nakaka interisado. 

Napabuntong hininga ako tsaka pinagmasdan ang bulto niya. Hindi ko alam kung bakit niya toh ngayon ginagawa. Hindi ko alam kung bakit sa panahon ngayon, siya ang kasama ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako inaya. Maraming bakit sa utak ko ngayon na kahit anong gawin kong paghanap ng sagot, wala akong makuha.

Napasalpak ako sa upuan tsaka huminga ng malalim, paulit ulit hanggang matuon ang aking tingin sa driver's seat kung saan nakalagay ang susi. Napansin kong may maliit na keychain na kasama iyon. Hindi ko sana papansinin pero huli na, huli na ng mapagtanto kong hawak ko na iyon.

At ng mabasa ko ang nakasaad sa keychain, maraming pumasok sa isipan ko. Lahat ng memorya namin, lahat lahat matapos kong mabasa iyon. Kung paano kami nagkakilala, kung paano ko siya nagustuhan, kung paano naging kami at kung paano kami natapos. Sa totoo lang, wala akong matandaan na nakipag hiwalay ako.... Sana pala ang sinabi ko nalang 'non ay kailangan namin ng pahinga. Pero ang tanga ko. Sobrang stupid ko, I'm such a fool. 

Napatingin ulit ako sa hawak ko. Kulay green iyon at hugis puso iyon na may design na pipino.

Pero hindi iyon ang kumuha ng pansin ko....

Hindi iyon ang nagpa iyak saakin at nagpabalik ng ala ala namin...

"Pipiliin ka sa araw araw" Basa ko ulit pero sa pagakataong iyon, may boses na.

Way Back Into Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon