KABANATA 06

13 3 0
                                    

KABANATA 6

Kaagad akong napalingon sa aking likuran. Doon ko siya nakita. Eto nanaman, I really hate this feeling! Tuwing nakikita ko siya, may kakaiba akong nararamdaman sa loob ko!

Minsan ko na tong naramdaman kay lucas noon at pinagsisisihan ko yon. Pinagsisisihan kong nahulog at napamahal ako sa kaniya. Kaya ayokong maramdaman ulit tong nararamdaman ko dahil ayoko na uling mahulog pa.

Pero iba si marcus kay lucas. A small part of my mind said. Kaagad akong napailing. Hindi, hindi tama toh. Yes I know na magkaiba sila pero that doesn't mean na gusto ko uling umibig.

Ayoko na. Ayoko na talaga.

Tumayo ako saka siya tiningnan ng mabuti. "Tigilan mo ako." Tsaka ko siya tinalikuran pero nahawakan na niya ang braso ko kaya napatigil ulit ako sa paglalakad.

"What on earth is your problem?!" Asik ko.

Nakakainis! Hindi ba talaga siya marunong umintind--- "Ikaw. Ikaw ang problema ko."

Seryoso. Blangko. Malamig na tugon niya. Ako? Ako ang problem niya? Bakit? Eh hindi naman kami magka-kilala di'ba? Bakit ganito siya umasta sa harap ko?

"Stop." Saad ko saka ko binawi ang braso ko dahil medyo mahigpit ang hawak niya. Ayokong marinig ang walang kwenta niyang dahilan kung bakit ako raw ang problem niya.

"Kase gu-"

"Stop, just stop." Putol ko sa kaniya kahit nakatalikod na ako.

"Kase gustong gusto kita." Mahina pero rinig ko. I heard him right. Hindi ako tanga para hindi iyon bigyan ng pansin kaya lumingon ulit ako sa pangalawang pagkakataon.

"Di'ba sabi ko sayo akin ka na?" Dagdag pa niya.

"You don't. Hindi mo ako pagmamay-ari. Hindi mo pwedeng sabihin yan ng basta basta dahil hindi mo naman ako kilala."

"Una palang gusto na kita lia."

Ayan. Ayan nanaman siya. Bakit ba padalos dalos siya? Hindi ba siya marunong makiramdam? Hindi ba niya alam kung gaano ka- awkward ang mga sinasabi niya?

"Kaya hayaan mo ako na gustuhin ka kasi mababaliw ako kapag pinigilan mo ako."

Walang lumalabas na words galing sa bibig ko. Para akong tanga na nakatingin lang sa kaniya, pinapakinggan lahat ng salita na sinasabi niya.

Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sobrang awkward talaga. Nung nakaraan, nabunggo ko lang siya sa hallway tapos eto siya't sinasabing gusto niya ako? Sinong hindi magugulat?

Naalala ko si lucas. Naalala ko kung paano siya umamin sa akin. Ganito, ganitong ganito talaga. Kung paano niya ako pinakilig kahit biglaan ang pag amin niya. Kung paano ako naging tanga dahil he's my first love.

Hindi ako makaramdam kahit konting kilig sa mga sinasabi niya. Kahit small amount wala talaga. Inis, inis ang nararamdaman ko sa hindi malamang rason.

"Pwede bang hayaan mo ako na gustuhin ka lia?"

Katahimikan.

'You should find again the way back into love' Biglang nag-echo sa utak ko ang sinabi sa akin ni edel nung nakaraan.

Should I? Pero paano kung maulit? Natatakot lang kase ako. Ayoko nang masaktan ulit kase grabe yung sakit.... Pero hindi masamang subukam mo ulit. Traitor. Traydor ang utak ko dahil sa mga sinasabi nito.

Pero paano kung tama? Siguro nga hindi maling sumubok ulit diba? Tsaka sino ba naman ako para pigilan ang feelings niya?

I sighed heavily before I turn my gaze into him, this is! "Hindi ko naman kailangang patigilin ka dahil feelings mo yan. You're the one who's controlling it. Sino ba naman ako para pigilan ka diba?"

Parang walang kwenta ang lumalabas sa bibig ko pero pinag-patuloy ko pa'rin.

"You can like me kahit kailan mo gusto. Pero ayoko sanang... Maging dahilan kung isang araw, masaktan ka dahil sa akin. Huwag mo akong sisisihin dahil ikaw ang nakakaramdam niyan... Sorry in advance kung hindi ko masuklian yang feelings mo, hindi lang talaga ako handa, pa." I added bago ko siya tinalikuran ng tuluyan.

Pakiramdam ko naging bastos ako. But sinasabi ko lang naman ang dapat hindi ba? Wala siyang karapatang sisihin ako dahil siya ang may feelings sa akin. Wala akong kasalanan kung nasaktan or masaktan siya one day, dahil siya ang nakakaramdam non.

I'm just going with the flow. He can like me kahit kelan, but that doesn't mean na kailangang gustuhin ko narin siya di'ba? Ayokong ipilit ang sarili kong magustuhan siya dahil mas magiging rason yon para tumigil ako.

Kung magugustuhan ko man siya, hindi sapilitan o dahil sa ginusto ko lang. Magugustuhan ko siya dahil iyon ang nararamdaman ko.-- but hindi pa ako siguradong... Magugustuhan ko siya.

Ewan, nalilito ako.

Days have passed, mamaya na ang exam. Sobrang haggard ko na dahil puro aral ang ginagawa ko. Minsan, coffee nalang ang iniinom ko para manatili akong gising pero kahit anong pilit ko, nakakatulog parin ako.

Hindi rin tumitigil si marcus sakin. Tuwing lalabas ako ng room for lunch or break time, nakikita ko siya. May dalang food for me. Ayoko mang tanggapin, wala naman akong magawa. Ayokong mag inarte.

Puro dm naman si lucas sa akin kesyo ganyan, kesyo ganito raw. Blinock ko na siya but he have ways. Ayaw niya akong tigilan, ayaw niya tumigil kahit sinabi kong tama na.

Bakit ngayon siya babalik kung kailan wala na akong  pake sa kaniya? Pero kung wala akong pake... Bakit apektado parin ako diba? Shit. Stupid!

Bakit ba kase may mga ganong tao diba? Matapos nilang manakit, babalik sila na para bang walang nangyari. Ano bang akala nila? Niya? Na bato ako? Na manhid ako? Na okay lang na saktan ako?

Tangina niya kung ganon.

Lumabas ako ng room matapos kong sagutan ang last exam namin for this day. Nauna ako sa mga friends ko kaya nandoon pa sila, still answering the questioners. Kontento naman na ako sa mga nasagot ko because I studied well.

I'm on my way to the café dahil doon namin napag pasyahanng maghintayan nang may humarang sa harap ko. Mabuti nalang at hindi kailangang tumawid para pumunta sa café kaya wala masyadong sasakyan.

"Seriously, pati ba naman dito hindi mo parin ako titigilan?" Seryoso at blangkong saad ko sa kaniya.

I heard him sighed heavily. "Lia..."

"Just stop. I already told you to stop, didn't I?" I said frankly. "But I still love you..."

"I don't feel the same, lucas."

Mabilis ang tibok ng puso ko, parang gusto kong lamunin ng lupa ngayon., Ngayon na mismo.

"But I still have the chance to win your heart again diba?" He said, sincerely. Supistikada akong natawa dahil sa mga tinuran niya.

"Anong akala mo sakin, stupid?" Ang lakas ng loob niyang sabihin yan sa harap ko. Ang kapal ng mukha niya. Hindi ba siya nahihiya? Kahit hindi na sa'akin, Kahit para sa sarili niya nalang., "Please, single ka pa naman di'ba?., May pag asa pa ako dahil single ka pa naman ngayon..."

I stopped.

"Seriously? Ang tigas ng mukha mo para sabihin yan.." Hinga ng malalim. ---"Single man ako o hindi, wala ka nang babalikan, lucas." I said bago ko siya tinalikuran ng tuluyan.

Is this really happening to me? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako ang namomroblema ng ganito? Letseng love toh. Ayaw akong lubayan.

But... Siguro nga tama si edel..., Kailangan ko na ba talagang patulan si marcus para makalimutan yung isa?

--------
A/N;
The connection was very slow, sorry for a late update.

Way Back Into Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon