KABANATA 23

6 4 0
                                    

Kabanata 23

Alam kong ako yung lumayo
Walang karapatang magreklamo
Ngunit bumabalik pa rin
Ang nakaraang parang kahapon
Paumanhin
'Di ko sinadya
Na lumisan na lang

Hindi ko alintana ang dami ng alak na nainom ko. Kanina lang ay nakipag hiwalay ako sakanya tapos eto ako ngayon, mas apektado pa.

Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
"Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin

Kakatwang gusto kong bumalik sa kanya at sabihing hindi totoo yung mga sinabi ko. Na nadala lang ako ng sakit na nararamdaman ko.

Alam kong nagkulang sa iyo
Sana patawarin kung natakot
Paano magpakalayo
Kung ang pag-ibig ko'y 'di maitago
Paumanhin
'Di ko magawang
Kalimutan na nalang

Pero hindi. Hindi na pwede.

Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Kita ko pa sa'yong mga mata
May pag-asa pa tayong dalawa
At kung sa huli, 'di rin maibalik
Patawarin sana

Nasabi ko na ang lahat.

Kung papayagan mong ikaw ay mahalin
Mula sa tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin
Kahit sa paalam, ikaw pa rin

Parang ang kapal ng mukha kong bumalik, eh ako naman yung nang iwan.

"Makikipag break ka sa jowa mo tapos iiyak iyak ka diyan?" Asik ni edel matapos niya akong abutan sa unit kong umiiyak.

Masisisi niya ba ako? Alangan namang magpa party pa ako diba?. Lumipas na ang birthday ko't lahat lahat, eto parin ako. Hindi ako nagcelebrate. Walang party, wala ring ganap. Uminom lang kami ni edel buong gabi. Wala ako sa mood, tinatamad akong mag invite at magpa party dahil sa nararamdaman ko.

Lumipas pa ang mga buwan, parang wala namang naging espesyal. Parang wala namang nangyari. Ni hindi ko nga namalayan na lumilipas pa pala ang araw dahil para bang nawalan ako nang pakialam sa lahat.

Nawala ang kasiyahan ko. Nawala ang lalaking mahal ko. Wala na siya dito sa tabi ko. Nandoon na ata sa tabi ng KAPATID ko.

Wala narin akong natanggap na balita sa kanila, lalo na kay marcus. Hindi ko narin siya nakikita sa university. Si lily naman, iniiwasan ako.

"Hoy! Tatlong buwan na ang lumipas, iniiyakan mo parin yon? Grabe ka naman magmahal!" Edel shouted. Ganyan lang yan pero never niya akong iniwan kahit may gig siya.

Anong magagawa ko? Nasaktan ako eh. Normal naman ata toh. I rolled my eyes before taking my last shot. Tumayo ako tsaka dumeretso sa banyo.

Natigilan ako sa paghuhubad ng damit ko nang may mapansin ako. Soot ko pa pala yung necklace na binigay niya. Hinawakan ko iyon pero wala pa man, tumulo nanaman ang mga taksil kong luha.

Dapat hindi na ako umiiyak. Dapat hindi na ako nagmu-mukmok dahil ako ang nakipag hiwalay. Ako ang nagsabing tama na. Pero kahit ang dali daling sabihin non sa harap niya, ang hirap hirap naman ng kapalit.

Naalala ko nanaman siya. I still love him... So much. Hindi naman yon nawala. Hindi nawala yung pagmamahal ko sa kaniya. Ni hindi nga rin nabawasan eh. Pero yung sakit? Imbes na mabawasan, patuloy na nadarag-dagan.

Way Back Into Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon