23. Inducement

1.4K 43 0
                                    

KABANATA XXIII - INDUCEMENT

"HINDI MAARI ITO!" Sigaw ni Letty habang nakasabunot ito sa kanyang buhok. Napailing siya sa mga katagang kanilang binasa. Paulit-ulit niya itong binasa na halos maging banyagang wika na ito sa pandinig niya.

"Kailangan nating mag-ingat..." Sagot ni Stella at inilayo niya ang kanyang telepono na animo'y bomba. 

"Ngayon, naniniwala na kayo?!" Tugon ni Christina. Ramdam naman ni Letty ang sinseridad sa mga mata ni Christina ngunit may mali. Kahit na kakaunting araw lamang sila nag-sama ni Diana ay kilalang kilala niya ito. Hinding-hindi iyon magagawa ng kaanak niya.

"Stella, i-lock mo ang pinto at mag-bantay ka dito. Baka darating na maya-maya sina Tonio." Malumanay na sagot ni Letty. Kailangan niyang maging ilaw ng tahanan ngayon at sisimulan niya sa pag-poprotekta sa pamilya niya. "Christina, samahan mo ako sa kwarto ni Diana."

"Ano?! Ano namang gagawin natin do'n?" Tanong ni Christina habang nakahalukipkip ang magkabila nitong braso.

"Mag-iimbestiga tayo."

-----

"CAROLINE, PARANG AWA MO NA!!!" Sigaw ni Diana. Nakahiga siya sa gitna ng talahiban habang nakasampa sa itaas niya si Caroline. Hindi niya alam kung ba't niya iyon nasabi. Kusang lumabas na lamang ang mga katagang iyon sa kanyang bibig.

"Wala na si Tito Marion. Hindi ka na niya maililigtas!" Sigaw ni Caroline habang nag-pupumiglas na hinawakan ang magkabila niyang braso.

"Caroline... Please!" Sigaw ni Diana. "Hindi ko s-sinasasya!" Hindi niya magawang sabihin kay Caroline na hindi niya sinasadya ang pagkakakidnap kay Kim dahil sa ilang gabi siya nitong hindi pinatulog.

"Let me explain..." Malumanay na sagot ni Diana. Nabigla siya nang bitawan siya ni Caroline at umupo ito sa tabi niya. 

"5 minutes!" Tugon naman nito.

Isang tango lang ang kanyang itinugon sa pamangkin at kusang bumalik ang kanyang alaala sa panahong iyon. 

Lunes ng hapon ay nakaupo lamang siya sa kanyang kama habang nag-babasa ng libro. Hindi niya mapigilang mainggit sa mga larawan ni Stella sa isang magazine. Maganda kasi ang mga ngiti nito, puting-puti ang mga ngipin nito at kung ngumiti naman ito'y parang masayang masaya talaga ito. 

Natigilan siya sa pag-babasa nang lumabas si Allan sa banyo nila. 

"Hi Hon," Sagot ni Allan. "Labas muna ako. Tutulong lang ako sa pamilya mo. Para dagdag pogi points." 

Natawa naman siya sa sinabi ng kanyang kasintahan. Hangang-hanga siya sa kanyang nobyo. Kahit na pinagkakaisahan sila ng kanyang mga kaanak ay hindi pa rin ito sumusuko at pinupursige pa rin nito ang pagmamahalan nilang dalawa.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon