KABANATA XXVIII - THE GUILT IN ME
"KILALA na natin kung sino ang mamamatay tao na pumatay kay Allan." Panimula ni Diana. "Ano pang hinihintay natin? Isumbong na natin siya sa mga pulis."
"Teka," Nabigla ang lahat ng mag-salita si Stella. "Hindi gumagana ang telepono..." Habang muli nitong sinubukang pindutin ang mga numerong 9-1-1 sa telepono nina Letty.
"Aaaarrrrgggghhhh!" Nabigla ang lahat sa pag-sigaw ni Christina habang napatingin ito sa telepono niya. Nakita ni Diana ang malaking pag-buka ng bibig nito at tila takot na takot na nabitawan ang sariling telepono.
"B-Bakit?" Tanong niya at lumapit kay Christina na napapalibutan ng kanyang mga kaanak.
"S-Si... T-Tonio..." Nauutal na tugon ni Christina habang nanginginig na itinuro ang teleponong nasa sahig. "P-patay..."
Yumuko si Diana upang makuha ang telepono at nang iharap niya ito sa kanya ay halos mawala ang lahat ng kulay sa kanyang mukha. Nakita niya ang katawan ni Tonio'ng nakahiga sa isang mahabang mesa. May nagkalat na laman sa ibabang bahagi ng katawan nito. Nakadilat ang mga mata nito habang may nakasubong malaking daga sa bibig nito.
"TONIO!!!" Sigaw ni Letty at napaluhod ito habang palahaw itong umiiyak. Yumuko naman si Marion at niyakap ang kawawang kaanak habang bumubuhos ang mga luha sa magkabila nitong mata.
"Kailangan na nating makaalis dito!" Sigaw ni Diana habang sinasabunutan niya ang sarili. "Hindi na tayo pwedeng mag-tagal. Iniisa-isa na tayo ni Hulio at ng babaeng si Santana! Kailangan na nating makahingi ng tulong!"
"Delikado po Ma'am Diana!" Tugon ni Loraine habang nakayuko pa rin ito.
Isang matalim na tingin lang ang iginawad niya sa katulong nina Letty'ng si Loraine. Hindi niya aakalaing ngayon lamang nito naisipang umamin ng totoo, na isa itong Lopez at matagal na itong nakatira sa isang mamatay taong pamilya.
"Carla, kailangan na nating umalis rito!" Muli niyang binalikan si Letty na tila manhid ng nakatingin sa kawalan habang malugod naman niyang pinahid ang mga luha sa pisngi nito.
"Wala na akong dahilan pang umalis rito. Bahay ko ito. Babalik ang asawa ko. Kailangan nandito ako kasama niya." Walang emosyon nitong tugon. Napailing na lamang si Diana. Sa dinami-daming hirap na dinanas ni Carla ay bilib siya sa tatag nito ngunit ito na siguro ang panahon upang bumasag ang kanyang tapang.
"Carla magiging ayos ang lahat? Ibabalik natin ang buhay mo! Kailangan na talaga nating umalis rito! Marion, sang-ayon ka naman diba?" Giit ni Diana at tiningnan ang kanyang Kuya at isang tango lamang ang isinagot nito.
"DEMONYOO!!! DEMONYO KA!!!" Bigla silang nabahiran ng kakaibang takot nang marinig ang munting sigaw ni Emielyn mula sa ibaba. Napamura si Stella at dali-dali itong tumakbo patungo sa ikalawang palapag. Bagama't nahihirapan man sila ay binuhat nila si Carla at sinundan si Stella. Nang mabuksan nila ang pintuan ay nagulat sila sa nakita. Nakita nila si Emielyn habang karga karga ito ng isang babae, si Santana. May nakatutok na matulis na bagay sa leeg ni Emielyn.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...