Sorry at di masyado nakakapag-update aside sa pagiging busy, eh nagbabasa rin po ako ng Pretty Little Liars book series, nasa book 10 na po ako at 16 books all. Diba anlayo ko pa -_- Here's Kabanata 10!
=======×=======
KABANATA X - SINS, REVEALED!
SANDALING naging tahimik ang paligid nang aminin ni Letty na walang Concepcion ang nakatira sa bahay.
Biglang napako ang tingin ni Marion sa mga kaanak. Isa ba rito sa kanila ang nagpapanggap bilang Concepcion?! Isa ba rito sa kanila ang nakakita kay Concepcion?! Alam niyang totoo si Concepcion at alam niyang nahawakan niya ito nang mabangga niya ito sa hagdan noon.
"This reunion is pointless!" Sagot ni Diana habang iwinawagayway niya ang kanyang malalaking hikaw. "Wala namang patutunguhan ang Reuniong eto eh. Why are we here anyway?!" Tanong niya. Wala na siyang maisip na dahilan kung ba't nandito pa siya. Tinatamad siyang makita ang mga kaanak niya. Tinatamad siyang mag-isip. Gusto na niyang mag-pahinga.
"Para mag-enjoy!" Sagot ni Rey ngunit kahit siya mismo ay hindi kumbinsido sa kanyang mga sinasabi. Bakit nga ba siya nandito? Upang imbestigahan ang Lopez Case? Bakit ba sila isa-isang inimbitahan ni Tonio at Letty sa isang reunion? Ano ba ang dahilan? Bilang isang detective, ugali na niyang mag-isip kung ano ba ang pakay ng mga tao sa paligid niya. Kung makakabuti ba ang mga dahilan nito o makakasama? Tila nakokonsiyensiya na rin siya sa asawang si Christina hindi pa rin kasi niya alam na trabaho ang pinunta ni Rey sa reunion at hindi para magsaya. Nag-sisinungaling na ba siya sa asawa niya?
"Narito tayo para mag-saya!" Pambungad ni Letty. Ngunit nakakaramdam nga kaya siya ng saya tuwing nakikita niya si Stella? Nakakaramdam kaya siya ng saya tuwing nabibighani ang asawa niyang si Tonio kay Stella?
Napaupo ng maayos si Stella at nagsalita, "Tama si Rey at Letty. Kailangan tayong mag-saya dahil pamilya tayo!" Napatingin siya sa gawi ni Marion. Kelan nga ba nito sasabihin ang kanyang nalalaman sa nakaraan ni Stella. Sino ba siya? Ano ba ang misteryo sa peklat balat niya?
"This reunion is pointless!!!" Sigaw ni Marion sabay hampas sa mesa. Alam niyang isa siyang kagalang galang na senador at masama ang inaasal niya ngayon pero wala siyang pakialam?! Ano pang silbi ng pagiging mabait at pagiging anghel kung ang mga kaanak niya mismo ang umuudyok sa kanyang maging demonyo?! Kung mismong asawa ng kapatid niyang si Allan na isang hamak na binata ang makakatalo sa kanya?!
Unti-unting nakita ni Tonio ang pag-alis ng mga kaanak sa mesa. Wala silang mga asal, bulong niya sa sarili. Hindi naman ganito ang pamamalakad at pagpapalaki nila ni Anton sa kanyang mga kapatid. Mga asal hayop ang mga kapatid niya! Mga demonyo! Di niya namalayang unti-unti na palang nabali ang tinidor niya. Naramdaman na lamang niya ang malambot na kamay ni Letty. Nabitawan niya ang tinidor na gumawa ng nakakangilong tunog.
"Kakain pa po kayo!" Napatingin siya sa matandang si Hulio na unti-unting lumalapit sa kanya, ramdam niya ang pag-amoy ng matanda sa kanya. Napangiti siya, kahit siguro mga lalaki ay nahuhumaling na sa kakisigan niya. Iniling nalang niya ang ulo niyang nagpapahiwatig na di na siya kakain.
-----
"DAD, what's goin' on?" Tanong ni Caroline sa Papa niyang umiinom na naman ng beer. Alam niyang nagkasagutan na naman ang mga kaanak niya sa Dining Area kanina. Dinig na dinig nilang lahat ang mga sagutan.
"Caroline... He's been through a lot." Sagot ni Stella habang hinahawakan siya sa balikat niya. Agad niyang ibinalikwas ito. Ano bang pakialam niya?! Kinupkop lang naman siya ng Daddy Marion niya?! Inalagaan at binihisan at ngayon aasta siyang parang ina?!
"Would please stop the innocence?! Binihisan ka lang at inalagaan, umaasta ka ng ina ko! Stop it!" Sigaw ni Caroline.
"CAROLINE?! HINDI KITA PINALAKING BASTOS! GALANGIN MO ANG MOMMY STELLA MO!" Sigaw ni Marion.
Napangiti si Caroline, hinding-hindi siya magpapatalo sa mga talunan. "Ganyan ka naman talaga dad eh! Gusto mo lang ang nasusunod! Bakit? Pinalaki mo ba kami?! Simula ng namatay si Mommy ganyan ka na!" Sigaw ni Caroline at isang malutong na sampal ang ginawad sa kanya ni Marion.
Nagagalit siya. Naiinis siya kay Stella. 'Walang hiyang babaeng yun!' bulong niya sa sarili. Kung pwede lang pumatay, gagawin niya para masolo lang niya ang Daddy niya. Ang pagmamahal at ang pag-aaruga ng kanyang ama.
-----
"MA! Ba't nag-aaway na naman kayo?" Sigaw ni Kim dahil tila hindi siya naririnig ng ina niyang nagbabasa lamang ng dyaryo. "Ma!!!" Muli siyang sumigaw, ngayon ay tumingala ang mama niya. Walang mga ekspresyon ang mga mata nito, "Wala ka na dun. Pang-matandang usapan lamang iyon."
"Pang-matanda?!" Sandali siyang tumawa at muling nag-salita, "Ako ang bumubuhay sa inyo! Ako ang nagpapalamon sa mga bunganga niyo at ngayon sasabihin mong tamad?! FUCK YOU!" Naisampal niya ang sariling ina at tumakbo papalabas ng kanilang kwarto.
Habang papalabas siya ay nakasalubong niya si Emielyn, may ngiti sa labi nito. "Hoy Kim. Balita ko nag-away ang mga kaanak! Yes, may bago na akong storya!" Sagot nito at idinikit ang tenga sa pinto ng mga kwarto.
Napabuntong hininga si Kim, hanggang ngayon ay gagawin pa rin niya ang lahat makuha lamang ang gusto niya. Gagawin ang lahat upang makagawa ng ikasisikat ng career niya bilang isang manunulat.
-----
"CHRISTINA," Napalingon si Christina sa asawang si Rey. Kasalukuyan siyang nag-iimpake ng mga gamit niya. Hinding-hindi niya mapapatawad si Rey sa pagsisinungaling nito sa kanya. Ayaw na niyang mag-tagal pa sa lugar kung saan walang ginawa ang mga kaanak kundi ang mag-bangayan at magkasagutan.
"Please, Let me explain!" Sagot ni Rey habang sinalo ang kanang braso niya. Iwinasiwas niya ito at hinarap ang asawa, "Napapagod na ako sa mga kasinungalingan mo Rey! I'm full and tired of your lies! You are impossible!" Sigaw niya rito. Mas mabuti pang maghiwalay na lamang sila. Bahala na si Emielyn, wala na siyang pakialam sa suwail niyang anak.
"Christina, Please...." Muling sagot ni Marion. Hindi niya ito hinarap at nag-patuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa nakarating siya sa kotse nilang mag-asawa. Doon niya hinarap ang asawa, "Tandaan mo Rey! Magsisisi rin kayo sa mga KASALANAN ng pamilya mo!"
Naiwang nakatunganga si Rey habang pinagmamasdan ang rumaragasang sasakyang papalayo. Nanatili lamang siya roon habang umuulit sa kanyang isipan ang sinabi ni Christina, 'Tandaan mo Rey! Magsisisi rin kayo sa mga KASALANAN ng pamilya mo!' Tila binigyang diin ni Christina ang salitang KASALANAN na para bang may alam siya tungkol sa kasaysayan ng Pamilya niya.
=======×=======
WOAH! TINAASAN ko na po iyan ha? Sorry for the delayed updated. Oha! Sana nakilala niyo na ang mga main characters. ^_^V
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...