KABANATA XVIII - NIGHT PLANS
NAPASIGAW na lamang si Stella nang sugurin siya ng matandang babae, ang psychiatrist niya. Sinabunutan siya nito. Hinila nito ang buhok niya at ramdam niya ang halos maliliit na tulo ng dugo sa kanyang anit. Ramdam rin niya ang sugat ng kanyang mga braso habang pinaliguan siya ng kalmot ng kanyang psychiatrist. Isang impit na sigaw ang kanyang pinakawalan nang maramdaman niya ang maiitim at matutulis na kuko ng kanyang psychiatrist sa kanyang balat. Napapikit siya sa sakit. Bakit kaya niya ito nararanasan? Ano bang nagawa niya noon at pinarurusahan siya ng ganito? Ito na ba ang kanyang katapusan? Sa huling sandali ay minulat niya ang kanyang mata at nakita na lamang niya ang papalayong matanda sa kakahuyan, ang kanyang psychiatrist. At yun ang huling larawang kanyang nakita nang mapapikit siyang muli.
-----
NAKAUPO lamang si Marion sa kama. Nag-iisip.u Bakit ba niya pinilit si Stella? Asawa niya si Stella, kailangan niya itong paniwalaan, kahit... Kahit, nagdududa siya rito.
Bakit ba siya nagdududa? Siguro marahil ay ilang beses na siyang niloko nito. Mag-mula noong nagkaroon siya ng isang personal psychiatrist ay naging malihim na ito. Puro makamundo at pinansyal na pantasya na lamang ang pinapakita ni Stella. Napabuntong hininga siya nang maalala ang nangyari kina Rey at Stella. Halos makatalon siya sa gulat nang tumunog ang telepono ni Stella. Tinignan niya ito at ang pangalang nakalagay ay 'Psychiatrist'.
Pinindot niya ang 'Answer' at itinapat ang telepono sa tenga niya.
"Patawad Stella, kinailangan ko iyong gawin..." Sandali itong tumigil habang hinahabol ang sariling hininga. "Wag na wag mong sasabihin kay Marion ang nangyari sa inyo ni Tonio dahil mas lalong gugulo ang pamilya niyo."
Halos nabuhusan siya ng tubig nang marinig ang mga sinabi ng taong nasa linya. Hinawakan niya ng mahigpit ang telepono ni Stella na parang dudurugin ito. Huminga siya ng malalim upang pigilan ang sarili.
"Sino ka?" Tanong ni Marion. Ramdam niya ang pagkagulat ng tao sa kabilang linya.
Nabigla naman siya ng makarinig ng tawa mula sa taong kausap. "Nasa malapit lang ako, nakamasid, handang umatake sa inyong mga kakagat sa pain!" At pinatay na nito ang linya.
Sino kaya ang taong iyon? Tanong niya sa sarili ngunit kahit na anong pag-iisip ang ginagawa niya'y wala siyang makuhang sagot. Isa lang ang natitiyak niya, kailangan niyang makausap si Stella.
"Marion," nabigla siya sa pagdating ni Letty. "Pare-pareho kayong busy kaya nakalimutan niyong mag-hapunan. Tingnan niyo nga ang orasan?!"
Napatingin naman siya sa orasan at nabigla siya nang makitang alas-otso na pala ng gabi. Hindi niya namalayan ang takbo ng oras.
"Halina't kakain na tayo ng tanghalian..." sagot ni Letty. "Siyanga pala, nasa'n si Stella!"
Tingin niya'y kailangan niya talagang hanapin si Stella. Kailangan niyang humingi ng tawad sa asawa niya. Pinuntahan muna niya ang anak niya sa kabilang silid ngunit pag-bukas niya'y walang tao rito. Nakakapagtaka. Hindi naman ito umaalis ng kwarto niya. Napabuntong hininga na lamang siya at hinanap si Stella.
Palabas na siya ng kwarto nang makasalubong niya si Tonio. "Marion! Si Stella!"
Biglang nanginig ang buo niyang katawan. Nasa panganib ba si Stella? Ito kaya yung taong nag-tetext sa kanila? Agad niyang sinundan ang tumatakbong si Tonio pababa. Mas mabilis pa ang takbo ng kanyang puso sa pag-takbo niya pababa.
Nakita na lamang niya si Stella'ng nakahiga sa sahig, wala itong malay at may mga sugat ito sa katawan.
Agad niyang kinandong ang walang malay niyang asawa sa kanyang hita.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...