KABANATA XXIV - TORTURED SINNERS
NAKATALI ang parehong kamay ni Diana nang siya'y magising. Pinilit niyang makawala rito ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali sakanya. Nanlaki ang mata niya nang pagdilat niya ng mata ay may malaking ahas sa tabi niya. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang hindi pinakain ng isang buwan. Ilang dipa lamang ang layo nila dahil nakatali ang ahas. Ngunit napansin niyang sa sobrang likot at pagbalikwas ng dilaw na ahas ay mapuputol na ang tali.
"Aaaarrrrrgggghhhh!!! Help! Help me!" Sigaw niya at mas binilisan ang pag-tanggal ng tali. Inilibot niya ang kanyang mata upang makahanap ng anumang gamit na pwedeng pang-putol sa tali sa kamay niya.
Agad umandar ang utak niya at may nakita siyang isang chainsaw na nakasandal lamang sa dulo. Bagama't nahihirapan ay patalon talon siya at sumandal sa chainsaw. Mabilis ang paggalaw niya at ikiniskis ang kanyang magkabilang kamay sa chainsaw. Ilang sandali lang ay bigla siya nakaamoy ng usok. Napatingin siya at nakitang umaandar ang chainsaw. Mas nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakangiting si Hulio na may hawak ng chainsaw. Wala naman siyang nakitang tao kanina, papaanong? Napamura siya. Hindi ito oras para mag-isip, ang kailangan niya'y makatakas. Napasigaw siya nang maramdamang humahalik ang umaandar na chainsaw sa balat niya na tila ginigiling ang laman niya.
"Masyado na kayong maraming nalalaman!" Sigaw ni Hulio. Huli na para makaiwas si Diana dahil naramdaman niyang iginigiling na ng umaandar na chainsaw ang likod niya. Halos mapasigaw siya nang malaglag ang laman niya habang siya'y papatakbo.
Nadapa siya at nakita ang ahas na dilaw sa ulo niya. Napasigaw na lamang siya ng tuklawin siya nito sa dila niya. Napaatras siya dahilan upang maunat ang dila niya. Napansin rin niyang hindi binibitawan ng ahas ang dila niya. Naisip niyang hindi siya mamamatay ng walang laban kaya nanlilisik ang mga mata niyang umtras. Masakit at mahapdi ang nararamdaman niya nang maramdamang unti-unting umuunat ang dila niya at nakarinig siya ng isang nakakangilong tunog. Napadilat siya at nakitang pumipitik-pitik na ang dila niya sa sahig. Napasuka na lamang siya ng dugo at pinilit tumayo kahit na nahihirapan.
"MAMILI KA DIANA? ANG AHAS O AKO?!" Sigaw ni Hulio at ipinaandar ulit ang chainsaw.
Isang impit na sigaw ang ginawa ni Diana't sinipa niya sa ari si Hulio dahilan upang mabagsak nito ang chainsaw. Iyon na ang pagkakataon niya kaya lumapit siya sa chainsaw at mabilisang ikiniskis ang tali sa kamay niya. Naputol ang tali at dali-dali niyang kinalagan ang tali sa paa ngunit agad nakabangon si Hulio. Sumigaw ito at pinulot ang chainsaw at ipinasada ito sa bewang ni Diana. Napasigaw si Diana nang maramdaman ang chainsaw sa bewang niya habang unti-unting lumalabas ang pumipitik pitik niyang laman loob. Napahiga siya at muling tumingin sa ahas na inilulunok ang mga lamang loob niya. Napatingin siya kay Hulio, may ngiting nakapinta sa mga labi nito. Bago pa man siya mawalan ng buhay ay nabigkas niya ang salitang matagal na niya gustong sabihin sa kapatid niyang si Jules. Kinakapos man sa hininga ay nagawa niyang bigkasin ang salitang, "Patawad."
-----
NAGISING si Kim sa isang kwarto. Bakante ito at madilim. Wala siyang makita kaya panay ang kapa niya sa dingding sa tabi niya. May naramdaman siyang isang hibla kaya hinila niya ito at agad nabalot ng dilaw na ilaw ang buong paligid. Panandalian siyang nabulag sa liwanag na dala ng bumbilya. Nang makakita na siyang muli ay nakita niya sina Loraine, Caroline at siya na parehong nakatali ang kaliwang paa sa sulok ng kwarto. Napansin niyang may isang baril sa gitna ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...