KABANATA II - DUBIOUS GRINS
TAHIMIK ang paligid. Pinapakiramdaman ni Kim kung ano bang meron kay Hulio at bigla niyang nabanggit ang kanyang Tito Anton nang makita si Tonio.
"Kilala niyo po ang kapatid ko?" tanong ni Tonio kay Hulio.
Nabigla naman si Hulio sa tinuran ni Tonio. Hindi siya si Anton? Pero ba't magkaparehong magkapareho ang mukha nila? "K-kapatid? Ah... Eh... Pagpasensyahan mo na ako at medyo nakakakita lang ako ng mga bagay bagay." Mga bagay na binaon na sa hukay.
"Opo, Kambal po kasi kami ni Anton. Identical twins po ang tawag sa amin kaya magkamukhang magkamukha kami." nakangiting turan ni Tonio. Mga ngiting nakakapagpatunaw ng tuhod. Napansin ni Hulio ang pagtulo ng pawis ni Tonio mula sa buhok nito patungo sa kanyang mala-Adonis na katawan. Basang-basa ito sa pawis.
"Mang Hulio?" natigilan si Hulio nang nag-wika si Letty. "Ayos lang ba kayo? Para kasi kayong namumula?"
"Ahh... Eh... Wala ito..." nauutal niyang sabi mahirap kasing magsalita lalong lalo na't bakat na bakat ang makisig na katawan ni Tonio sa pawisan nitong damit. "Mam Letty, may maliit naman akong bahay diyan sa tabi. Puntahan niyo nalang ako diyan pag may ipag-uutos kayo."
-----
INILAGA ni Kim ang kanyang mga mata sa kanyang kwarto. Kahanga hanga ang disenyo nito. Tila mala-Vintage ang estilo ng bahay pati ang mga kwarto. May sarili siyang banyo rito ngunit ang nakakapagtaka ay ang halaman sa kwarto niya ay malanta at parang nabubulok na. Siguro, baka matagal nang hindi nadidiligan.
In-on niya ang telebisyon. Nagpalipatlipat siya ng istasyon ngunit wala siyang makitang matinong palabas.
"MA! WALA BA TAYONG CABLE?!" sigaw ni Kim mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad naman niyang nakita ang kanyang ina na nag-bubuhat ng kanilang mga maleta.
"Wala pa tayong Cable, Nak! Pero, may WiFi namang dinala ang Tatay mo. Mag-internet ka nalang!" tugon nito.
Bumalik siya sa pagkakahiga, kailangan niyang i-update ang kanyang fans sa Twitter, Facebook at Instagram.
"Hey guys. Will be filing a leave for my vacation with my family." -@KimDelaVega
Natigilan siya nang may narinig siyang balita sa telebisyon.
"Limang taon na ang nakakalipas nang mawala ang pamilya Lopez at ang mga taong nag-ngangalang Anton Dela Vega, Ronald Cruz, Jules Fontellar at ang kanilang mg anak. Patuloy pa rin ang search operation ng SOCO at FBI sa kasong ito. Kasalukuyang humahawak sa kaso ay si Detective Rey Dela Vega na kapatid ng nawawalang si Anton Dela Vega. Napabalitaang nasa iisang Family Reunion lamang sila at tumira sa--"
"Nanonood ka pala ng balita." nakangiting bati sa kanya ni Hulio. Agad niyang napatay ang telebisyon sa pagkagulat.
Tinaas niya ang kanyang kilay, "Wala ng mapanood eh!"
Nakangiti ulit si Hulio, "Wg kang maniniwala sa mga bali-balita. Ang iba sa kanila ay niloloko ka lang. Gaya sa tao. Wag kang basta-basta maniniwala sa mga tao, ang iba diyan ay handang saksakin ka kapag ika'y nakatalikod."
Muling kinilabutan si Kim sa mga pinagsasabi ni Mang Hulio. Ngunit alam niyang wala siyang makukuhang sagot sa mga lihim nitong ngiti kung magiging mahina siya. Kailangan niyang makuha ang tiwala ni Hulio. "Eh ikaw, mapapagkatiwalaan ba kita?"
Ngumiti ito at nagwika, "Mahirap na tanong iyan." Palakad ito sa pinto at papalabas na ngunit bago ito makalabas ay muli itong ngumiti, "Kinukuha mo lang ba ang tiwala ko? Pwes, nababasa ko ang utak mo!"
=======×=======
UWAAAA! Di ko alam na Mind reader na si Mang Hulio! Hihihi, sa mga nag-tataka po, 5 years pa ang nakalipas bago lumipat sila Kim sa bahay. Sana nahabaan kayo dito na Chapter ^_^ Abangan ang mga susunod. Siyanga pala, ang ironic ko no? Tagalog ang aking story pero English ang mga words. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...