KABANATA XII - TREACHEROUS
"KIM! GUMISING KA NA!" Patuloy ang pagsigaw ni Letty habang labag sa kanyang kalooban ay sinasampal ang sariling anak na nag-dedeliiryo na nakahiga lamang sa kama sa kwarto nito.
"S-SI H-HUL... M-MAMATAY T-TAO... A-ALIS N-NA T-TAYO..." Patuloy ang pagsigaw ni Kim habang hinahabol ang sariling paghinga.
Biglang bumalik si Miko mula sa kusina na may dalang timba na naglalaman ng napakalamig na tubig at agad binuhusan si Kim. Agad napabalikwas ng bangon si Kim, takot na takot itong niyakap ang sariling ina.
"Umalis na tayo rito! Papatayin niya tayong lahat!" Sigaw ni Kim habang niyuyuyugyog ang sariling ina. "Ma! Halika na! Umalis na tayo rito! Ngayon na!" Sigaw niya sa sariling ina.
"Ano bang nangyayari sa'yo?!" Napalingon siya sa narinig na tinig at nakita niyang nakapameywang ang ama niya. Iritado ang ekspresyon nito doon lamang niya napagtantong pinalibutan na siya ng kanyang mga kaanak.
"S-Si Mang--" natigilan siya nang makita ang nakangiting si Hulio sa likod ni Caroline.
"Bakit po Mam Kim?" Nakangiti na naman ang ekspresyon nito. Tila minamanmanan si Kim. Nakatingin lamang ito ng diretso sakanya.
"A-Anong n-nangyari?" Tanong ni Kim pilit iniiba ang usapan umaasang hindi na siya kilabutan sa mga tingin ni Mang Hulio.
"Hindi mo na ba naaalala Mam Kim?" Sagot ni Hulio na may kakaibang ngiting nakapinta sa kanyang labi na parang sinasabing Ikaw na ang isusunod ko Kim! Humanda ka!
"You're over acting, bitch!" At narinig na lamang ni Kim ang pagsara ng pintuan, hudyat ng pag-alis ng kanyang mga kaanak.
"Nakita nalang kitang nakahiga sa may labas ng bahay ko. Agad kitang dinala rito para magamot ko. Malayo pa naman ang manggagamot sa baryong ito." Sagot ng nakangiting si Hulio.
"Hindi... Tinangka mo akong patayin!" Sigaw ni Kim habang susugurin sana si Hulio nang isang matigas na sampal ang humalik sa pisngi niya dahilan upang muli siyang mahiga sa kama. Hawak kamay niyang hinawakan ang mamulamulang pisngi at tiningnan kung sino ang may gawa nito. Nakita niya ang galit na ekspresyon ng kanyang amang si Tonio.
"KIMBERLY! TAMA NA!" Sigaw ng kanyang ama. Natitiyak niyang lahat ng ugat nito ay nakita niya sa kanyang leeg. "Kanina ka pa! Magtanda ka naman! Puro sakit ng ulo lang ang dala mo!" Muling sigaw ng kanyang ama.
Pinahid niya ang munting luhang tumulo sa kaliwang mata niya. Tumayo siya at hinarap ang kanyang ama. "WAG NA WAG MO AKONG SASAKTAN. BAKA NAKAKALIMUTAN MO'T AKO ANG NAGPAPALAMON SA MGA SIKMURA NIYO!" Isa-isa niyang tinuro ang ama at ina niya, pati na rin si Miko ay tinuro niya.
Napakawalang hiya naman nila. Paano nila ito nagawa sa kanya. Siya na nga ang muntikang patayin o halayin ng matandang iyon at siya pa ang pinagmumukhang baliw ng kanyang pamilya. Mabuti pang lumayas na lang siya sa bahay na ito. Mas mabuti pang wala ng anak sina Tonio at Letty, hindi rin naman rin siya importante para sa kanila. Ang lahat ng bagay na pinahahalagahan ng mga magulang niya ay perang kinikita niya. Perang isinusubo niya sa knyang mga magulang.
Dali-dali niyang kinuha ang telepono at ang bag niyang naglalaman ng kanyang pitaka at nilisan ang bahay na iyon. Bago pa man siya nakasakay ng kotse ay muli niyang tinignan ang bahay na sumira sa pamilya niya. Eto rin kaya ang naramdaman ng Pamilya Lopez bago sila namatay? Bago sila minassacre? Posible kayang minassacre sila? Nang madako ang kanyang paningin sa ikalawang palapag ng bahay ay nakita niya si Mang Huliong nakatingin lamang ng diretso sa kanya na para bang sinasabi, Sige lang. At di mo na makikita ang pamilya mo!
-----
NAPASAPO na lamang ng ulo si Letty nang habulin niya ang sariling anak. May balak na naman itong maglayas. Paano na lamang ang kakainin nila? Sino na ang susuporta sa gastusin nila sa bahay? Aaminin niyang malaking dahilan ang pera kung ba't ayaw niyang umalis si Kim ngunit hindi niya maiwasang maging malungkot. Wala na siyang anak na babae. Wala na siyang aayus-ayusan. Wala na siyang bibihis-bihisan. Kung kahit kelan nagawa ba niya iyon kay Kim? Nagawa ba niyang sumipot sa mga patimpalak na sinalihan ni Kim? O mas naging abala siya sa kanyang asawa-- si Tonio. Mas naging mapagmasid siya sa kung sino ang kinakausap ni Tonio. Mas naging abala siya sa pag-aasikaso sa aswa. Mas gjnaganahan siya tuwing nakikita si Tonio.
"KIM!" Sigaw niya at sakto namang naisalo niya ang braso ni Kim na papatakbo.
"Ma, stop it! Wala naman kayong kailangan diba?!" Singhal niya rito. Nagmamadali niyang kinuha ang tseke sa kanyang bag at nilagyan ito ng halagang sampung libong piso. Nagmamadali niyang pinunit ang pahinang kanyang nasulatan at iwinawagayway ito sa mata ng kanyang ina. "ETO LANG NAMAN NG KAILANGAN NIYO DIBA?!" Isinampal niya ito sa kanyang lumuluhang ina.
Nakita na lamang ni Letty ang papaalis niyang anak na si Kim. Nakita niya ang tseke at tinignan niya ito. Nalulungkot siya habang pinulot ang kamunting piraso ng papel sa sahig. Kahit kailan ba ay hindi naramdaman ni Kim na mahal niya ito? Mahal niya ang pamilya niya at gagawin niya ang lahat upang mabuo itong muli. Kahit na ano man ang kapalit. Tinignan niya ang papel na basang basa dahil sa luhang tumutulo sa magkabila niyang mata. Pupunitin sana niya ito nang marinig niya ang tinig ng kanyang asawa, ang kanyang mahal, si Tonio. "Letty. Akin na yan! Pera na nga yan, itatapon mo pa!" Singhal niya sa umiiyak na si Letty.
-----
NAPANGITI na lamang si Tonio habang iwinawagayway ang tsekeng kanyang nakuha mula kay Letty. Nabigla naman siya sa mga brasong pumulupot sa matigas niyang katawan. Si Letty kaya ito? Ba't bigla itong naging malambing sa kanya?
Tumingin siya sa likod niya at nakita si Loraine. Isang nakangiting si Loraine. Hindi niya talaga alam kung anong gusto ni Loraine. Noong huli kasi silang nagtalik sa basement ay tumatanggi ito sa perang kanyang inalok. Gusto sana niyang sukluian ang serbisyo at ligayang ibinigay nito sa kanya ngunit tumanggi ito. Nagkakagusto na nga ba ito sa kanya? Ito na ba ang epekto niya sa mga babae? Napangiti siya sa naiisip.
"Mukhang may masaya ngayon ah!" Bulong ni Loraine sa kanyang tenga na nag-bigay ng kakaibang init sa kaloob-looban ni Tonio. Mas lalo pa siyang nanigas noong kagatin ni Loraine ang tenga nito.
"Nakakuha kasi ako ng pera mula sa anak ko," bulong ni Tonio habang natuwa siya sa pagkabigla ni Loraine noong binigyan niya ito ng isang mainit na halik. "Sigurado ka bang ayaw mo ng pera? Sabihin mo lang..." Dugtong ni Tonio.
"Ikaw lang naman ang hinahanap hanap ko.." at mas ginanahan si Tonio nang simulang hubarin ni Loraine ang maikli nitong shorts.
Mainit nilang pinagsasaluhan ang isa't-isang katawan nila nang lingid sa kaalaman nila ay may taong nag-mamasid sa kanila sa bintana ng kwarto ni Tonio. Nanggagalaiti ito sa galit habang mahigpit na hinahawakan ang isang matulis na palakol.
=======×=======
PAMBAWI SA MATAGAL na update. Di na masyado makakaupdate ngayon kasi wala na kaming internet. Nasa bahay na kasi kaming lola ko. May sakit siya, eh.. :/
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...