17. All Seeing Eye

1.6K 43 3
                                    

KABANATA XVII - ALL SEEING EYE

EKSAKTONG Alas-Dose ng tanghali ang tanghalian. Abala sa pag-hahanda si Letty habang inutusan naman niya ang matandang si Hulio'ng mag-sibak ng kahoy. Kadalasan, si Tonio ang nag-sisibak ng kahoy ngunit nang maalala ni Letty ang pag-uusap nila kanina... Hindi. Mali. Ayaw na niyang maalala ang lahat ng kanilang pinag-usapan.

Napatingin siya sa likod niya at nakita si Loraine habang nag-hihiwa ng sibuyas upang gagamitin sa putaheng kanyang ihahanda.

"Ako na riyan!" Sagot niya at inagaw ang kutsilyo kay Loraine. Mahigpit niyang hinawakan ang kutsilyo at nanggigigil na tinadtad ang sibuyas.

"Ate--"

"Arghhhh!!!"

Natigilan si Letty sa pag-hihiwa nang mapansin niyang may mataas siyang hiwa sa kanyang daliri. Agad niya itong pinunasan gamit ang damit niya.

"Ako na ri--" Hindi naitapos ni Loraine ang sasabihin nang mabilis na inagaw ni Letty ang kutsilyo at itinuro ito sakanya.

"Ako ang amo rito diba?!" Singhal niya. "Mamalengke ka nalang! Kukulangin yata ang ulam para bukas!" Sagot niya.

"P-pera po?" Nauutal na tugon ni Loraine habang bukas ang kanyang palad.

Gustong-gusto na niyang patayin si Loraine sa mga oras na ito at alam niyang kayang kaya niya itong gawin sa pamamagitan ng matulis na kutsilyong hawak niya ngunit para bang may nakamasid sa kanya't sinasabing huwag niyang ituloy ang binabalak niya.

"Humingi ka kay Tonio?!" Padabog niyang tinapon ang kutsilyo sa lababo at tinapon ang mamula mulang sibuyas na may halo ng kanyang dugo. Sinilip niya ang papalayong si Loraine at bago pa man ito makaakyat ng hagdan bigla siyang nag-wika, "May mga tao talagang PABIGAT!!!"

-----

KINAKABAHANG palakad lakad si Rey sa kanyang kama. Kailangan niyang makuha si Stella. Kailangang mapasakanya si Stella. Ito lamang ang tanging babaeng nakapagpatibok sa kanyang puso. Ito lamang ang babaeng marunong magpaligaya sa kanya at alam ang lahat ng pangangailangan niyang pisikal. Habang nag-iisip siya ng paraan ay tumunog ang kanyang telepono. Tiningnan niya ang tumatawag at nakita ang hepe ng pulisya.

"Chief, good morning!" Maligayang sagot niya. Hindi niya alam kung mahahalata ba ng hepe niya ang kabang kanyang nararamdaman ngayon.

"Detective Rey," panimula ng kanyang hepe. Agad niyang alam na ito talaga si Chief Ernesto Santos dahil sa malalim nitong boses. "Kamusta ang takbo ng imbestigasyon."

Bigla siyang kinabahan. Sa dami ng nangyari nitong mga huling araw ay nakalimutan na niya ang tanging pakay niya kung bakit siya sumama sa reunion. Ang mag-imbestiga sa pagkawala ng Pamilya Lopez.

"Mabuti naman po," tugon niya. "Everything is under control."

"Siguraduhin mo Dela Vega! May natanggap nga pala kaming mensahe kanina. Divorce na kayo ni Christina?" Tanong ni Chief Ernesto sa kanya. Napakunot ang noo niya. Hindi naman sila nag-hiwalay ni Christina ah. Oo galit parin ang mag-ina niya sakanya ngunit hindi pa sila nag-hihiwalay.

"Hindi naman po Chief." Tugon niya.

"Siguraduhin mong mali itong nakuha naming larawan dahil pag nakumpirma naming ikaw ito, mapapatalsik ka sa trabaho." Sagot ni Chief na nakapagpakaba sa kanya. Siya, paaalisin sa trabaho? Ilang taon niyang hinintay ang maging isang respetadong detective at may larawan lang na sisira sa kanya. Hindi niya sinasadyang hawakan ng mahigpit ang telepono.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon