24. Judas' Kiss

1.5K 39 2
                                    

KABANATA XXIV - JUDAS' KISS

NAKAHINGA ng maluwag si Diana nang makita si Kim. Hindi niya aakalaing ang ilang gabing bangungot niya ay mapapalitan ng tuwa ngayong nakikita niyang buhay at nasa maayos na kalagayan ito. Napansin niyang pumayat ito at may maiitim itong anino sa magkabila nitong mata ngunit masaya siyang makita si Kim.

Tumayo siya at pinagpag ang sarili at tumakbo upang yakapin si Kim. Alam niyang nabigla si Kim sa ginagawa niya ngunit wala siyang pakialam masaya siyang makita ang pamangkin.

"Kim," Sagot ni Diana habang hinahaplos ang magkabilang pisngi ng dalaga. "Pasensiya ka na! Masyado akong naging makasarili. Nagpadala ako sa galit ko kay Allan at sa mga kapatid ko. Sorry na!" Sambit niya at di na niya napigilan ang sarili at napaluhod na siya habang humahagulgol.

"Tita," Nabigla siya nang marinig ang matamis na tinig ni Kim. Ang tinig na bumabangungot sakanya gabi-gabi. "Pinapatawad na kita. Ginawa mo lang ang tama! Kung ako ang nasa puwesto mo, gagawin ko rin iyon."

"T-Talaga?" Nauutal na tugon niya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng dalaga. Hinarap niya si Caroline at tiningnan ito. "C-Caroline, ba't mo kami biglang sinugod?"

Tumingin si Caroline sa paligid at nakayuko ito. Marahil ay matinding lungkot ang nararamdaman nito ngayong nalaman niyang nasaksak niya ang inosente niyang Tiyuhin.

"M-May natanggap akong text," Sagot ni Caroline habang hindi pa rin tumitingin sakanya. "Ang nakalagay sa text ay nakidnap daw si Kim at p-papatayin d-daw s-siya! A-akala k-ko kayo ni T-Tito Marion ang may kasalanan."

Sandali itong tumayo at maharas nitong tinapon ang kutsilyo kanyang hawak-hawak. Galit na galit nitong sinabunutan ang sariling buhok at sumigaw. "KASALANAN KO TO! MASYADO AKONG TANGA! KASALANAN KO TO! AKO DAPAT ANG NASUGATAN NG KUTSILYO! SORRY TITO MARION! KASALANAN KO TO!" At galit na galit nitong pinagsasampal ang sarili.

"Caroline!" Sigaw ni Diana at pinigilan ang dalaga habang nag-pupumiglas ito sa pagkakahawak niya. "Wala kang kasalanan! Ang may kasalanan dito ay ang taong kumokontrol sa'tin!"

"May kilala ba kayo kung sino ang may pwedeng gumawa sa'tin nito?" Bagama't nanghihina ay nagawa pa ring mag-salita ni Marion. Nakita ni Diana ang nakabendang kamiseta sa magkabila nitong hita. Tila naawa siya sa kapatid. Hindi niya aakalaing ang pagkikita nila ngayong gabi sa gubat ay aabot sa gulo.

 

"Kim, sino ang may gawa nito. Sabihin mo!" Seryosong sambit ni Diana. Desidido na siyang malaman ang katotohanan, desidido na siyang makilala kung sino ang gumugulo sa pamilya niya at isinisiguro niyang mag-babayad ang kung sino man ang may pakana nito.

-----

ABALA si Letty habang naghahalungkay siya sa libu-libong damit ni Diana sa isa nitong aparador. Apat na aparador pa ang kailangan nilang halungkayin upang makita ang hinahanap nila.

"Ano bang hinahanap natin?" Tanong ni Christina habang halos malunod na sa nakatambak sakanyang daan-daang palda.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon