8. Evil Thine In

1.8K 61 7
                                    

KABANATA VIII - EVIL THINE IN

"SIGURADO ka bang hindi magagalit si Mam?" Mas lalong ginanahan si Tonio nang marinig niya ang mahihinang ungol ni Loraine habang sila'y naghahalikan.

"Wala masyadong gumagawi rito. Kaya umungol ka pa ng malakas!" Sagot ni Tonio na dahilan upang mas lakasan pa ni Loraine ang mga ungol niya.

Nasa basement silang dalawa, wala silang kahit anong makita kaya mas ginaganahan sila. Iba kasi ang pakiramdam kapag hindi mo nakikita ang humahaplos sa katawan mo. Tila iba't-ibang babae ang kasiping ni Tonio.

Sa gilid ng mata ni Loraine ay may nakita siyang kumislap. Agad itong nawala at tila bigla niyang naalala kung bakit siya nandito.

-----

NAPABALIKWAS ng bangon si Stella. Tila parang kumukulo ang sikmura niya. Napagawi ang tingin niya sa relo, Alas-Kwarto Y Kinse na pala ng umaga. Hindi pa siya kumakain ng hapunan.

Bumaba siya ng hagdanan upang matignan kung ano ang pwedeng makain nang may marinig siyang malamig na boses na kumakanta.

"Ili-Ili tulog anay

Wala diri, imong nanay

Kadto tienda

bakal papai

Ili-Ili tulog anay"

Ayan na naman ang boses na iyon. Naalala niyang muli ang matandang si Concepcion. Tila isang misteryosong nilalang ang babaeng iyon.

Pumunta siya sa kusina at nakitang naroon si Concepcion. Kumakanta ito na nakatalikod lamang sa gawi niya. May hinuhugasan itong kung ano man. Hindi na lamang niya ito pinansin at dumiretso papuntang refrigerator. Hinalungkay niya ang mga pagkain sa loob. Nakita niya ang isang sopas. Dumiretso siya sa oven upang initin ito. Habang naririnig niya ang tila bombang tunog ng oven ay nagulat siya nang padabog na binitawan ni Concepcion ang hinuhugasan niya at humarap sa kanya.

"Hija alam mo bang matanda at nagugulat ako. Wag mo sana akong gulatin!" Sagot ng nakangiting si Concepcion.

"Sorry po manang--"

"Concepcion. Kilala mo na ako diba?!" May lakas at tapang sa tinig nito. Tila isang metal na padabog na binitawan sa sahig.

"Concepcion," Sagot ni Stella habang nakatingin lamang sa oven. Hindi pa ito naluluto. Ayaw niyang tumingin kay Concepcion dahil tila natatakot siya rito. Parang halos kilalang kilala siya nito.

"Kamusta ka na Hija?" Sagot ni Concepcion.

"Maayos naman po ako! Kayo po?" Tanong niya rito.

"Hindi ako ang pinag-uusapan natin rito. Ikaw. Ikaw at ang mga makamundo mong pagnanasa." Sandaling huminto si Concepcion at parang may kinalikot sa maiitim at bulok nitong ngipin. "Hindi ka pa nakuntento sa pang-aagaw ng asawa, nang-agaw ka pa ng isa." Sagot nito.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito? Anong ibig nitong sabihin? Yung kay Tonio ba? At bakit may isa pa? Tila sumasakit na naman ang ulo niya.

"Alam mo bang isang pamilya ang namalagi dati rito." Pagpapatuloy ni Concepcion. "Kung tutuusin hindi sila dapat parusahan ngunit tila napuno rin ng pagnanasa sa kayaman ang isipan nila. Naging bulag-buagan sila sa sikretong matagal na nilang binaon sa limot. Ang sikreto ko."

Ang Pamilya Lopez ba ang tinutukoy nito? Talaga bang dito namatay ang kapatid ni Marion? Si Anton. Mas lalong sumakit ang ulo niya nang maisip si Anton.

"Hija. Mag-ingat ka. Ang mga kasalanan niyo ay mahirap baguhin. Baka, Baka ito pa ang magdadala sa inyo sa hukay." Nakangiting tugon ni Concepcion.

 Naiwan siyang nakatulala roon. Ilang minuto ang lumipas at narinig niya ang nakakangilong tunog ng oven. Hudyat na mainit na ang sopas na ininit niya kanina.

 "Sandali lamang at maiwan na kita..." Nakangiti pa rin si Concepcion at gaya ng dati, narinig niya ang papahinang boses ni Concepcion.

 "Ili-Ili tulog anay

Wala diri, imong nanay

Kadto tienda

bakal papai

Ili-Ili tulog anay"

Habang kumakain ng sopas si Stella ay hindi niya pa rin maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Concepcion. Ang mga kasalanan nila ang pwedeng mag-dala sa kanila sa hukay. Ang Pamilya Dela Vega ba ang tinutukoy ni Concepcion? Mamamatay rin ba sila?

Matapos niyang kumain ay gusto na niyang bumalik ng tulog. Hindi na lamang niya papansinin ang mga sinabi at sasabihin pa ni Concepcion. Papunta siya sa lababo upang maghugas ngunit laking gulat niya ng makita niya ang isang bagay na nakahiga lamang sa lababo.

Ito siguro ang hinuhugasan ni Concepcion. Tila lahat ng mga kinain niya ay parang gustong lumabas ngunit alam niyang hindi dahil sa sopas. Sa kulay na iyon ay parang kakagamit lamang nito. Kanina pa niya kinakausap si Concepcion ngunit ngayon lang niya nawari'ng isang palang palakol ang hinuhugasan ni Concepcion.

-----

NAGLALARO noon ng bola si Miko. Alam niyang madaling araw na at nakakabulabog ang paghampas ng bola sa kahoy na sahig ngunit sino ba sila upang gambalain siya sa paglalaro? At tsaka, madaling araw na, dapat gising na ang mga tao ngayon.

Hinahampas niya ang bola pababa ng hagdanan, nagpadausdos ang bola sa Living Area, nakita niya ang malaking flat screen na TV. Hindi siya dapat mag-laro dito, baka makabasag pa siya. Kaya pumunta siya sa Kusina at nakitang nakatayo lamang ang Tita Stella niya sa may lababo. Hindi pala Tita niya. Ang kwento kasi ng Mama Letty niya ay hindi niya dapat tawaging Tita si Stella dahil kabit lamang iyon ng Tito Marion niya. May totoong asawa si Marion ngunit pinalitan lamang ito ng isang malanding si Stella.

"Stella?" Halatang nabigla si Stella sa boses na sumalubong sa kanya sa gitna ng gabi.

"M-Miko? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa batang may hawak ng bola. Tila may naalala siya, ang anak niya. May anak nga ba siya? Agad niyang hinilot ang sentido niya dahil sumasakit na naman ito.

"Eh, anong ginagawa mo..." Napatingin si Miko sa lababo at nabigla siya sa nakitang palakol na may mapupula pang marka ng dugo. "I-Ikaw?!" Muling naalala ni Miko ang bilin sa kanya ng ina niya... Mapanganib si Stella kaya dapat siyang layuan.

Napangiti si Stella ng ubod ng tamis kay Miko, "Oo ako nga Miko at pag di mo naitikom yang bibig mo, hahalik ito sa'yo!" At mas nabigla si Miko ng walang kahirap hirap na binuhat ni Stella ang palakol.

=======×=======

UWAAAA!!! Sana magustuhan niyo kahit mej late na talaga. Talagang ilang days nawala! >_< Prelim exams na namin next week kaya di pa siguro makakapag-update at sa mga readers ng FAMILY REUNION, mag-aral muna bago mag-basa ha? Baka ako ang dahilan bakit may bagsak kayo!!! (^_^)v

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon