KABANATA VII – CURIOSITY KILLS THE CAT
NAKAUPO na ang mga kaanak sa Dining Area. Magkakatabi ang magkakapatid na Dela Vega sa kanang parte ng mesa. Nasa tapat naman nila ang kanilang mga asawa pwera na lamang kay Stella na nasa kwarto at nag-pupumilit na mamaya nalang siya kakain.
"Kamusta ang takbo ng kaso?" Tanong ni Marion sa kanyang Kuyang si Rey... Si Detective Rey Dela Vega.
"Maayos naman. Hanggang sangayon wala pa kaming nakukuhang lead o kaya man lang mga ebidensiya. Nakakalungkot nga at hindi pa nahahanap ang bangkay ni Anton." Anton. Sumeryoso ang lahat nang banggitin ni Rey ang pangalang iyon. Biglang tumahimik ang paligid. Tanging pagtakbo lamang ng orasan ang kanilang naririnig.
"Uhhh," Nagsalita si Marion. "Allan... Balita ko tatakbo ka raw ngayong eleksyon. Maghaharap na naman pala tayo." Sagot ni Marion. Nakatuon ang kanyang mata kay Allan na nakatuon lamang sa kanyang pagkain.
"Ahh, Oo Kuya. May the best man win." Sagot nito. Hindi niya mapigilang mailang. Nasa pamilya Dela Vega siya at natalo niya ang nakakatandang Senator Marion noong nakaraang eleksyon. Siya lamang ang nakatalo sa isang Senator Marion na ilang taong nagsisilbi sa Pilipinas.
"May the best man win. Eh nandadaya ka naman noong nakaraang eleksyon!" Sigaw ni Marion habang galit ang ekspresyon nito. Nanggigigil siya. Hindi siya makakapayag na isang bata lang ang makakatalo sa kanya. Sinuwerte lang siya kaya niya natalo si Marion.
Hinampas ni Diana ang dalawang kamay sa dulo ng mesa at tumayo, "Kuya! Stop it! We played safe. Tanggapin mo na kasi na oras mo na."
Oras na niya? Anong ibig sabihin ni Diana sa oras na niya? Mamamatay na ba siya? Pinagbabantaan ba siya nito?
"Diana. Mag-hiwalay na kayo. Walang maidudulot na maganda iyang lalaking iyan. At may kabit siya!" Sigaw ni Marion na nakapagpanganga sa lahat. Lahat ng mga mata ay nakatingin kay Allan, nag-hihintay ng sagot. Nag-hihintay ng paliwanag. Mali ba ang desisyon nilang payagan si Diana'ng magpakasal kay Allan?
"Hindi totoo iyan! Sinabi sa akin ni Allan na mahal niya ako at hindi niya ako pagtataksilan!" Pagtatanggol ni Diana sa asawa. Kahit nasasaktan na siya ay pinipilit pa rin niyang huwag umiyak sa harapan ng kanyang mga Kuya. Ayaw niyang isipin ng mga ito na mali ang desisyon nilang pinayagan nila si Diana'ng magpakasal.
"Bakit ba ikaw ang nag-tatanggol diyan sa Allan na iyan. Hayaan mong siya ang mag-tanggol sa sarili niya." Anito ni Tonio. Bilang nakakatanda, silang dalawa ni Anton ang naging tagapagpayo ng pamilya. Silang dalawa ang gumagawa ng desisyon at mga hakbang upang mapanatili ang bilin sa kanila ng kanilang mga magulang--maging maganda ang pangalang Pamilya Dela Vega.
Natigilan ang lahat sa pag-sulpot ng isang maganda at maputing babae. Dinala ito ni Mang Hulio sa Dining Area.
"Ako nga po pala si Loraine. Yung kasambahay." Sagot ng nakangiting babae. Napakaputi ng ngipin nito. Makinis at walang kahit anong galos sa balat nito.
"Mabuti naman at nandito ka na Hija... Pwede bang pakilabas yung juice na ginawa ko, nasa ref lang iyon." Sagot ni Letty. Pinandilatan niya si Tonio at nagpatuloy ng pagkain. Mula noong eksena sa kwarto ay iniiwasan niyang makausap ang asawa. Napakasama kasi nito. Paano niya ito nagawa sa kanya? Kulang pa ba Tonio?
"Kamusta naman si Kim? May bago ba siyang pelikula? Balita ko kakapusin na naman daw kayo kasi wala pa siyang shows." Nakangiting bati ni Diana.
"Ano ba Diana?! Wag ka ngang bastos! Alam mo namang mahirap na sina Tonio, babastusin mo pa!" Sagot ni Marion na tumatawa.
Tahimik lamang na nakikinig ang nakakatandang si Tonio sa kanyang mga kapatid. Nanggagalaiti siya. Naturingan siyang Ama ng Pamilya Lopez, sila ni Anton ngunit wala siyang magawa. Kasalanan ba niyang maging dukha? Kasalanan ba niyang hindi siya iniwanan ng mana ng kanyang ama. Ama. Muli niyang naalala si Carlos, ang kanyang ama. Ang amang iniwan na lamng silang lahat. Siya ang nag-taguyod ng pamilya, sila ni Anton.
Natahimik silang lahat sa pagdating ni Loraine, ang magandang babaeng nagdadala ng juice. Nilalagyan niya ang lahat ng juice. Isa pa itong nakakapagpabagabag kay Tonio. Ba't ang ganda-ganda ng katulong nila. Hindi siya makapag-isip ng maayos sa hapit na suot ng dalagita. Nasisilayan kasi niya ang makikinis at mapuputing hita ni Loraine na nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Bigla siyang nabigla nang habang binubuhusan ni Loraine ang baso niya ay napakindat ito sa kanya at mas lalo siyang nagulat nang haplusin nito ang hita niya sa ilalim ng mesa.
Hindi niya alam ang gagawin ngunit isa lang ang natitiyak niya. Matataksilan na naman niya ang asawa niya.
-----
ALAS-Tres na ng umaga at napagdesisyunan ni Kim na bisitahin sina Caroline at Emielyn. Sana nakaalis na sila. Tinahak niya ang madalim na hagdan pababa ng basement floor.
"CAROLINE?! EMIELYN?!" Sigaw ni Kim habang tinatahak ang madilim na basement, may hawak siyang flashlight sa kanan niyang kamay. Kung tutuusin wala naman siyang pakialam kung mamatay sina Caroline at Emielyn sa basement ngunit hindi niya mapapatawad ang sarili niya pag nagalit sa kanya ang Tito Marion at Tito Rey niya. Lalong lalo na ang Tito Marion niya.
"Kim?! Ikaw ba yan?!" Narinig niya ang pabulong na tinig ni Emielyn. Agad niyang tinunton ang pinanggalingan ng boses. Nakita niyang nakatali si Emielyn sa isang upuan. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
"S-Sinong may gawa niyan sa'yo?!" Nauutal siya. Hindi niya alam ang gagawin? At nasaan si Caroline? Sinong walang hiyang parte ng pamilya niya ang gagawa nito? T-Teka, parte nga ba ng pamilya ang may gawa nito? O ang nakangiting matandang si Hulio?
"Kim, bilisan mo. Andyan na siya?!! Pakawalan mo na ako rito! Bilisan mo!!!" Napako pa rin ang paa niya sa kinatatayuan niya. Kahit anong gawin niya ay tila may sarili itong buhay na ayaw gumalaw.
May bigla nabasag. Doon lamang siya natauhan at napalingon ito sa likod niya. Nakita niya ang isang anino ng babae, papalapit ito at may hawak na palakol sa kanang kamay. Papalapit ito sakanya at nakita niya... Ang pinsan niyang si Caroline na nakangiti, "Sayang di na maaaninag ng fans mo ang mukhang iyan dahil hindi ka na sisinagan ng araw."
=======×=======
ATLAST! NATAPOS ko na rin tong chapter na ito. Sarap talaga kasing tumambay sa Lib namin na may 20+ aircons at pwede pang humiga higa. Sarap talagang matulog. Sorry delayed masyado ^_^
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...