16. Forbidden Fruit

1.7K 38 1
                                    

KABANATA XVI - FORBIDDEN FRUIT

TAHIMIK ang paligid. Nakahiga lamang si Letty patalikod kay Tonio habang ito nama'y nakaupo lamang sa kama. Walang kahit na sino sa kanila ang umiimik.

"Tonio," Malumanay na tawag niya sa asawa. Alam niyang marami silang naging tampuhan simula noong tumira sila sa bahay na ito. "Nasa'n na kaya si Kim? Nasa maayos kaya itong kalagayan? " Tanong niya rito.

"Letty, malaki na ang anak mo! Atsaka kulang pa nga ang binigay niyang pera para sa'tin!" Singhal nito.
Napapikit na lamang si Letty habang kagat kagat ang labing umiiyak. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa anak niya. Kim, nasa'n ka na ba?

"Tonio--"

"ANO NA NAMAN BA?!" Sigaw ni Tonio at marahas na hinawakan sa balikat si Letty upang iharap ito sakanya.

"M-May pinaggagastusan ka b-ba?" Nauutal na tanong ni Letty. Nito kasing mga huling araw ay madalas itong wala sa kwarto nila at napapansin niyang nag-aamoy babae ang mga damit nito. "S-Si S-Stella ba?"

"Ano bang pakialam mo?" Malumanay na tugon ni Tonio.

May kabit nga ang asawa niya. Sa tono ng pananalita nito ay natitiyak niyang may kinakalantari itong babae. Mabilis niyang pinahid ang magkabilang mata upang alisin ang sunod-sunod na luhang pumapatak sa kanyang mga mata.

"Tonio, sabihin mo lang... Gagawin ko ang lahat. Mapasaakin ka lang." Pag-mamakaawa ni Letty habang hawak hawak ang kuwelyo ng kamiseta ni Tonio.

"LETTY, ANO BA?!" Sigaw nito at di sinasadyang maitulak ito. Tumilapon patihaya si Letty sa gilid ng kwarto.

Tila manhid namang tumayo si Letty mula sa pagkakatumba at paika-ikang lumapit kay Tonio. "Tonio, sabihin mo lang. Kahit pag-sabayin mo kaming dalawa. Okey lang? Basta ba't dito ka lang sa pamilyang ito. Tonio please..." Muling hinila ni Letty ang magkabilang kuwelyo sa kamiseta ni Tonio na animo'y pulubing namamalimus ng awa.

"Letty, ano ba?!" Sagot ni Tonio. Mahina niya itong tinulak na nagpaupo sa ginang. "Hindi si Stella."

Biglang nabuhayan ng loob si Letty. Kahit sino papayag siya, huwag lang si Stella. Huwag lang ang ahas na iyon. Nakahinga siya ng maluwag.

Nakatingin lamang sa baba si Tonio nang sabihin niya ang mga katagang, "Si Loraine."

-----

NAKATUNGANGA lamang si Diana habang pinagmamasdan ang family picture nilang magkakapatid. Ipinasada niya ang kanyang mga daliri sa imahe ng dalawang magkamukhang magkamukhang batang sina Anton at Tonio. Napaluha siya.

"Kung narito ka lang Kuya Anton..." Bulong niya sa imahe, na animo'y inaasahang sumagot ito.

Nakita niyang nakatingin lamang sa kanya ang limang nakangiting bata sa harap ng isang malaking mansyon. Ang mansyon ng Pamilya Dela Vega. Isang napakalaking bahay na may apat na palapag. Napapalibutan ng rosas ang labas ng bahay, isang malaking pintuan, magagandang bintana. Bigla siyang natigilan ng may nakita siyang imahe ng isang ginang sa ikaapat na bintana ng bahay. Inilapit niya pa ang imahe sa kanyang mukha, inaasam na makilala ang ginang na nasa larawan ngunit hindi niya ito namumukhaan. Ang pagkakaalam niya'y mula noong mamatay ang kanyang mga magulang ay umalis ang lahat ng katulong at trabahador nila sapagka't nalugi ang kompanya nila.

"Diana?" Nabigla siya nang pumasok ang Kuya Marion niya sa kanyang silid. Agad niyang pinahid ang luhang kanina pa umaagos at dali-daling tinago ang larawang kanyang hawak hawak ngunit huli na't nakita ni Marion at agad itong inagaw mula sa kanya.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon