KABANATA XXV - THINE EYE
NAGISING si Tonio nang makaramdam siya ng mahapding kirot sa ibaba niya. Napamulat ang mga matang nakatingin sa ibaba at nagimbal siya sa kanyang nakita. Nakita niyang hubo't hubad siyang nakahiga sa isang mahabang mesa. Nakatali ang parehong paa't kamay niya sa apat na poste. Napaiyak siya habang nakatingin sa ibaba. Nakita niya ang kanyang nakatiwangwang na ari habang kinakain ng mga maiitim at malalaking daga. Nakabitay ito na animo'y kaunting balat na lamang ang sumusporta rito.
"TULONG!!! TULUNGAN NIYO AKO!" Sigaw niya habang iniiwasang gumalaw dahil baka mapunit ang laman niya.
"Gising ka na pala!" Napabalikwas siya at nakita ang isang babae sa paanan niya.
"I-Ikaw?" Nauutal niyang tugon at napasigaw siya nang makitang kinitkit na ng malaking daga ang balat na nakalawit sakanyang ari. Paiyak-iyak siya habang pinagmamasdan ang mapupulang laman na nagkalat sa ibaba niya.
"Magkahawig nga kayo ni Anton," Panimulang tugon ng babae habang palakad lakad paikot sakanya. "Pareho kayong matipuno, matikas, maginoo? Hindi!" At dinuraan siya nito sa nakabukang laman sa gitna ng kanyang mga hita. Napasigaw siya sa hapdi na dulot ng malapot nitong laway na tila humahalo sa dugo at laman sakanyang katawan.
"Anong kailangan mo?!" Nanggigigil niyang sigaw. Hindi niya mapigilang magalit sa babaeng kausap niya ngayon. Hindi niya aakalaing magagawa niya ang bagay na ito sakanya. "Ikaw rin ang pumatay kay Allan diba?!"
Napahalakhak ang babae. "Hindi ako nag-enjoy sa pagpatay kay Allan! Masyado siyang mahina! Hindi marunong lumaban!"
Napalunok si Tonio sa kaba. Alam niyang mas malala pa ang hapdi at sakit na aabutin niya mula sa babaeng ito. Ngunit hindi niya pa rin lubos maisip kung ba't nito pinahihirapan ang pamilya niya. "B-Ba't mo'to g-ginagawa?" Halos pabulong niyang tanong. Natatakot siya sa pwedeng isagot ng babae.
"Hmm, let's say nag-eenjoy akong pinahihirapan ko kayo!" Hagikhik nitong tugon.
"Nasa'n na yung Samanthang kilala ko?" Tanong niya habang tinititigan ang mata ng batang babae. Pinipilit niyang inaalala ang mga pangyayaring nakasama niya ang batang si Samantha na anak nina Anton at Marie habang tinitingnan ang mata ng babae. Ngunit kahit isang pangyayari'y walang pumapasok sakanyang isipan.
"Samantha? Si Samantha ba?" Muli itong napatawa at naglakad palapit sa kaliwang parte ng Tonio at yumuko ito upang magkapantay ang labi nito sa tenga ni Tonio. "Patay na si Samantha."
Bagama't hindi siya nakatingin sa batang babae ay nararamdaman niya ang pag-ngiti ng demonyong kausap niya.
"S-Sino ang pumatay sakanya? A-At s-sino k-ka? B-ba't k-kayo m-magkamukha?!" Nauutal niyang tugon habang pilit na iniyuyogyog ang tali sa kanang kamay niya.
"Gusto mo ba talagang malaman Tonio? Delikado ang kapalit ng mga impormasyong hinihingi mo!" Giit ng babae at nanggigigil na kumuha ng malaking piraso ng mapula't madugong laman ni Tonio at isinubsob iyon sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...