KABANATA XXI - WASH MY SINS
ISANG sigaw ang biglang bumasag sa katahimikan ng gabi nina Marion at Diana sa kakahuyan. Narinig nila ang sigaw mula sa gumagalaw na talahiban. Unti-unting lumapit si Marion sa matataas na dahon nang hinigit siya ni Diana sa kanyang malaking braso.
"K-Kuya, baka..." Naputol ang kanyang sasabihin nang biglang lumabas si Caroline sa kanyang kinatatayuan. Nanlilisik ang mga mata nito habang hawak hawak nito ang isang matalim na kutsilyo.
"Aaaaaarrrrrgggghhhh!!!" Isang sigaw lamang ang lumabas sa bibig ni Diana nang sugurin ng kanyang pamangkin si Marion.
Tila mabilis namang nailagan ni Marion ang galaw ni Caroline at napatihaya ito patalikod sa nakatayong dalaga.
"CAROLINE, TAMA NA!!!" Sigaw ni Diana ngunit tila bingi ang dalaga dahil nang mabitawan ni Diana ang mga katagang iyon ay isang saksak ang ginawa ni Caroline kay Marion. Sinaksak niya ito sa kaliwang binti nito.
"Caroline. Hindi siya ang kaaway!" Sigaw ni Diana. Tila natigilan naman ang dalaga at hinarap siya. Nanlilisik ang mga mata nito habang mahigpit nitong hinahawakan ang matalim na kutsilyo sa kanyang kanang kamay.
"Kayo ang kumidnap kay Kim hindi ba!?" Sigaw ng dalaga. Nag-tataka namang tiningnan ni Diana ang kanyang pamangkin. Sa pagkakaalam niya'y nag-layas si Kim dahil nag-away sila ng Papa Tonio niya. "Sumagot ka!!!"
"Hindi..." Tugon ni Diana. "Si Letty!!!"
"Sinungaling!!!" Muling sumigaw si Catoline at sinaksak na naman ang kanang binti ni Marion.
"Caroline stop it!" Sigaw ni Diana. Tumigil naman ito at hinarap siya. Nauutal man siya'y tiningnan niya pa rin ang nanlilisik na mata ni Caroline. "O-Oo, a-ako a-ang k-kumidnap k-kay Kim."
-----
"NABABALIW KA NA BA ALLAN?!" Sigaw ni Rey habang tumatawa. "Eh kitang-kita ng dalawang mata kong kumpleto pa ang ulo ko!"
"Hindi niyo ba nakikita?" Tanong ni Allan dalawa niyang kaanak. Hindi niya alam ang gagawin niya nang makita sa salamin na wala siyang ulo. Tila kinabahan siya. Alam niyang masamang pangitain ito.
Alalang-alala pa niya ang parating bilin sa kanya ng mga magulang niya. 'Mag-iingat ka kapag nakita mong wala kang ulo dahil may mamamatay.' Iyon ang palaging bilin sakanya ng kanyang ina't ama. Kaya noong mga panahong nag-bibigay siya ng mga plataporma para sa makalikom ng mga boto ay tinitiyak niyang habang tumitingin siya sa salamin at may ulo pa siya.
"Allan ano ba?! Nagugutom ka lamang siguro!" Sigaw ni Tonio at binatukan siya. Napahawak na lamang siya sa ulo niya. Sanay na siyang pinagkakaisahan siya ng mga taong nasa paligid niya. Ang sinasabi kasi nito sakanila'y weird siya. Iyon ang palagi niyang naririnig tuwing nakikihalubilo siya sa mga tao ngunit hindi si Diana. Noong mga panahong pinagkakaisahan siya at ilang beses na siyang nabigong maging Senador ay naroon parati si Diana sa tabi niya. At nang naging magkasintahan sila ni Diana ay tila naging maganda ang takbo ng buhay niya. Mas naging swerte siya sa napiling karera. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakita ayaw niyang pakawalan si Diana.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...