30. You're Crazier

1.5K 36 0
                                    

UNANG-UNA SA LAHAT SALAMAT. Sana po magustuhan niyo ang ending na ginawa ko. Hindi pa po ito ang last chapter. Kaya may bonus na epilogue pa ;) At sana po masagot na ang mga tanong niyo.

=======×=======

KABANATA XXX - YOU'RE CRAZIER

NAGISING si Letty sa isang puting kwarto. Biglang bumilis ang takbo ng pag-iisip niya at agad bumangon. Lumingon-lingon siya sa paligid at narinig ang pag-pihit ng seradura. Agad niyang inilibot ang mata sa paligid at nakita ang isang ballpen. Ito na lamang ang pwede niyang gamiting sandata. Mahigpit niya itong kinuha at nag-takbo sa tabi ng pinto. Nang bumukas ang pinto ay hinigit niya ang taong pumasok at idiniin ang ballpen sa leeg nito.

"M-Ma'am Letty... Kaibigan po ako." Panimula ng babaeng kanyang hawak sa leeg. Gusto niyang tanungin kung nasa'n siya at kung ba't siya nandito ngunit nagtataka siya kung ba't di niya magawa.

 

"Aaahh... Uhhh..." Iyon lamang ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Kahit anong pilit niyang mag-salita'y hindi niya magawa.

Tumingin siyang muli sa paligid niya at napagtantong nasa ospital siya. Naroon ang mga salitang Carla Cristobal. Biglang nabalot ng takot ang buo niyang katawan. Hindi siya pwedeng mabuhay bilang Carla Cristobal dahil baka pinaghahanap pa siya nina Sophia at Marie Dela Vega.

"Letty?" Halos mapatalon siya sa tuwa nang makita si Rey na pumasok sa pinto. "Bitawan mo ang nurse."

Binitawan niya ang nurse at hinagkan si Rey. Hinimas-himas nito ang likod niya. Napaiyak na lamang siya. Hindi niya alam kung anong nangyayari at wala siyang naaalalang kahit ano.

"Letty..." Sagot ni Rey at hinawakan siya sa mukha nito. "Ikukwento ko sa'yo ang lahat."

-----

"MASYADO pong mabilis ang mga nangyari pero opo tama po kayo, si Hulio at Santana, sila ang dalawang may kasalanan sa pag-massacre sa'min at sa pamilya Lopez." Napahingal si Marion nang matapos siyang mag-salita. Nasa presinto siya't hinihingan siya ng statement ng mga pulis. Hanggang ngayo'y hindi pa rin siya makapaniwalang ligtas na sila sa bangungot na kanilang naranasan sa bahay nina Letty.

 

"Santana?" Tugon ng pulis.

"Oo, si Santana. Yung babaeng pumapatay!" Sigaw niya at kinuha ang kapeng nasa harapan niya't nilagok ito.

 

"Wala po kaming nahuling Santana sa crime scene." Tugon ng pulis na kaharap niya. Agad nabalot ng takot ang buo niyang katawan. Hindi pupwedeng makatakas ito. "Isang matandang lalaki lamang po ang nahuli namin na nag-ngangalang Hulio. At ipinadala na po namin siya sa Brooks Sanitarium."

Hindi maari ito. Paulit-ulit niyang tugon. Ang huli niyang naaalala'y natagpuan siya ng mga pulis na nakatali sa isang upuan kasama si Letty na nakahandusay sa sahig.

 

"Boss, asan po ba matatagpuan ang Brooks Sanitarium?" Tanong niya sa hepe. Ibinigay naman nito ang direksyon ng naturang ospital. Nag-biro pa nga ito na lahat ng nakatira doon ay mga taong may nakikitang bagay bagay. Pumara siya ng taxi at ibinigay ang direksyon patungong Brooks Sanitarium.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon