KABANATA III - HORRID TRUTH
PUMARADA ang kotse ni Rey sa bahay. Eto na nga, magaganap na ang reunion.
"Rey," naramdaman ni Rey ang paghawak ng kanyang asawang si Christina sa kamay niya. "Wala munang trabaho ha? Mag-relax tayo sa reunion. Okey?"
Ngumiti si Rey. Kailangan niya rin ng bakasyon mula sa napakahabang trabaho. Mahirap maging isang Detective. Isang mali mo lang sa ebidensya ay maari ng masira ang kaso. Isang maling tanong sa suspect at maari na itong makalusot. Isang maling teorya at pupwedeng masira ang buong kaso.
"Dad," natigilan siya nang mag-salita ang kanyang unica hija, si Emielyn, isang labing-walong taong gulang na mahilig magsulat. Bata pa lamang ito ngunit nailathala na ang kanyang mga likha. "Tara na sa loob!" anyaya niya rito.
Kinuha ni Rey ang mga maleta mula sa sasakyan. Hawak-hawak niya ang kanyang mag-ina at tinahak ang bagong bahay nina Tonio.
-----
PAWISAN si Letty nang matapos siya sa pag-luluto. Umaalingasaw ang mahalimuyak na amoy ng Turkey sa buong bahay. Humiram muna siya ng pera kay Kim bago sila nag-tungo sa bagong bahay at bumili ng karne.
Tatawagin na sana ni Letty ang pamilya nang tumunog ang doorbell. Napangiti siya, narito na siguro ang pamilya ni Tonio.
Tinungo niya ang napakalaking sala at binuksan ang pinto. Nakita niya sina Rey.
"Oh kayo pala! Tuloy kayo! Tamang tama kakakaluto ko lang ng Turkey." pambati ni Letty sakanila. Tinawag niya si Hulio upang tulungan sila sa kanilang bagahe.
"Eto na ba ang bahay na minana niyo kay Anton? Ang laki ah!" sagot ni Rey habang iginagala niya ang kanyang paningin sa buong bahay.
Sandaling nagkamustahan ang dalawang pamilya habang kumakain. Matapos kumain ay pumunta si Emielyn sa kwarto ni Kim.
"Kim!" sigaw ni Emielyn at tumakbo sa pinsan upang makapagyakapan. "Kamusta na? May bago bang teleserye?"
"Wala pa nga eh! Hinihintay ko pa yung tawag ni Direk! Eh ikaw, kamusta?" tanong ni Kim. Sabik na sabik siya sa kanyang pinsan. Matagal rin silang di nagkikita kaya ganoon nalang sila kung magkamustahan.
Ilang segundo lamang ay bumukas ang pinto.
"CAROLINE!!!" tili ni Emielyn sa babaeng kakapasok lamang. "Kelan pa ang dating niyo?!"
"Kanina lang. Natraffic kami eh! Nandun na rin si Papa at Mama." ngiti ni Caroline. Isang masayahing dalaga si Caroline. Sa edad niyang labing-walong taong gulang ay malaporselana na ang kutis nito. Mapupula ang mga labi at bilog na mata. At sa pagdadalaga nito, mas lalo pang gumanda ang hubog ng katawan.
"Uy guys! Hindi pa daw natatagpuan ang bangkay nina Tito Anton at yung iba!" panimula ni Emielyn.
"Ano ba naman yang topic mo! Baka multuhin ka ni Tito Anton niyan!" sigaw ni Kim habang maya't maya ay tinitignan ang iPhone niya.
"Mag-ala detective kaya tayo! Alamin natin kung sino ang pumatay kay Tito Anton?!" suhestiyon ni Caroline na nakakuha ng interes sa dalawa.
"Eh di naman natin alam kung sa'n ba sila pinatay o ano!" tugon ni Kim na nakapagpabigla sa dalawa niyang pinsan. Iba ang binigay nilang tingin kay Kim, tila di sila makapaniwala sa kanyang sinabi. Muli siyang nag-wika, "Bakit?!"
"Hindi ka ba nanonood ng balita?!" sagot ni Emielyn na tila niyuyugyog ang kanyang balikat. "Dito sa bahay na ito sila huling namataan!" at kinilabutan si Kim sa tinuran ng kanyang pinsan.
=======×=======
Konti pa!!! Gusto umabot ng 2 pages or more ang mga chapters pero wala ng tumatakbo sa isipan ko! Help!
Siya nga pala, sina Rey, Emielyn, Kim, Tonio at Letty ay mga totoong tao. Si Emielyn (@emielyn) at Rey (Rey_tardedDreamer) ay mga writers din ng wattpad. Basahin niyo mga stories nila. Si Kim naman ay classmate kong feeling artista. Sina Tonio at Letty ay nickname ng Tito at Tita ko! ^_^
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...