26. Past Persona

1.4K 39 1
                                    

KABANATA XXVI - PAST PERSONA

NAKATINGIN lamang si Letty sa magkabilang sulok ng kwarto. Hindi ito maari. Iyon ang mga salitang paulit ulit niyang sinasabi sa isipan niya. Hindi maaring binabantayan sila ng mamamatay tao. Hindi maaring palaging may plano ang mamamatay tao sakanila. Hindi maaring kinokontrol sila ng mamamatay tao. Kailangan na nilang makaalis sa lugar na ito? Ngunit paano? Paano sila makakaalis kung nasa bahay nila mismo ang mamamatay tao.

"Ilang minuto lang ay mahahanap na tayo ng taong iyon!" Panimula ni Christina habang hinihinaan ang boses niya.

"Huwag kayong maingay! Pakinggan niyo!" Tugon ni Stella at bigla silang natahimik. Nakarinig sila ng yabag ng sapatos sa itaas na palapag ng bahay, ang ikatlong palapag. "Naririnig niyo ba yun?"

Muli silang natahimik at pinakiramdaman ang yabag ng sapatos sa ikatlong palapag ng bahay. Masyadong maingay sa itaas na para bang maraming tao ang naglalakad.

"Hindi kaya?" Hindi na naitapos ni Stella ang kanyang sasabihin nang makarinig sila ng malakas na kalabog mula sa ikatlong palapag ng bahay. "May hinahanap kaya sila?" Muling tanong ni Stella habang dahan-dahang lumalayo sa natatapat na mga CCTV camera sa apat na sulok ng kwarto.

 

"Hindi pwedeng magtagal pa tayo dito! Kailangan nating sugurin ang mamamatay tao!" Tugon ni Letty at tiningnan niya ang dalawang kaanak na nakaupo lamang sa kama.

 

"Are you insane?! Killer yan, Letty! Baka ikaw pa ang una niyang patayin!" Pabulong na sigaw ni Christina sa kanya. Napatingin naman si Letty sa mga batang kasama nila. Yakap yakap ni Stella sina Toby at Miko habang nakaupo lamang sa sulok si Emielyn.

"Hindi tayo pwedeng tumunganga nalang dito! Mahahanap at mahahanap nila tayo! Sinong sasama sa'kin?" Giit ni Letty habang mahigpit na hinahawakan ang bestida niya.

Noong una'y akala niya'y walang balak sumama sakanya ngunit nabigla siya nang mag-salita si Christina. "Sasama ako."

"Ako rin!" Halos mabuhayan siya ng loob nang mag-presinta rin si Stella. Inutusan nila ang mga batang i-lock ang pinto at mag-tago sa cabinet. Kahit wala sa sarili'y, sumunod pa rin si Emielyn nang makita ang maamong mata ni Christina.

Dahan-dahan silang umakyat sa ikatlong palapag ng bahay. Isa-isa silang may dalang panangga, dala ni Letty ay isang palakol, si Christina naman ay isang mataas na kahoy, at si Stella ay may dalang martilyo. Dahan-dahan nilang hinahakbang ang mataas na hagdanan na nag-uugnay sa ikalawa't ikatlong palapag ng bahay. Tinahak nila ang iisang kwarto na naroon at nakarinig sila ng mga taong nag-uusap.

"Anong klaseng kwarto ito?!" Sigaw ng isang babae.

Isang tango ang ginawa ni Letty at patakbo silang tatlo upang hampasin ang killer ngunit bago pa man nila magawa iyon, nabigla sila sa mga taong nasa kwarto. Nakita niya sina Marion, Diana, Kim, Caroline at Loraine.

-----

"MAMAMATAY TAO KA!!!" Sigaw ni Letty at patakbong sinugod si Diana. Halos nabigla naman si Diana sa ginawang pag-sugod ni Letty sa kanya na may hawak na malaking palakol. Napaatras siya at napapikit ngunit ilang sandali ang nagdaan ay wala siyang nararamdamang kahit na anong sugat sa katawan niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at tumingin sa paligid. Nakita niyang hawak hawak ni Marion si Letty sa magkabila nitong bisig at pinipigilan itong makapanakit.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon