KABANATA XXXI - EPILOGUE
"KAMUSTA na ang pakiramdam mo ngayon, Hulio?" Napatingin siya sa isang nars na nag-sasalita.
"Magkakaroon raw kayo ng Hypnotic Session ni Dr. Perez ngayon, ayos lang ba?" Tanong muli ng nars habang inaayos ang pagkain niya.
"Oo naman. Alam kong para sa ikagagaling ko iyan." Tugon niya habang nakangiti. "Pwedeng huwag niyo munang ligpitin ang pagkain ko? Ansarap po kasi ng nag-luto nito."
At matapos iyon ay lumabas na ang nars. Tumingin siya sa kanyang pagkain. Isang saging, kaunting kanin, karne at isang tasa ng tsaa. Inubos niya ito at nilagok ang napakasarap na tsaa. Masarap ang tsaa niya dahil kinokondisyon nito ang utak niya at nakakatulong itong makapag-isip ng maayos.
Ilang sandali lang ay pumasok si Dr. Perez sa kanyang kwarto. Suot nito ang karaniwan nitong pantalon at blusa na nababalutan ng puti nitong lab gown. Nakangiti itong pumasok sa kwarto niya.
"Hulio, we'll undergo you into Hypnosis. Alam kong nasubukan na natin itong gawin kaya madali na lamang ito. Okay?" Tanong ng doktora at kumuha ito ng upuan at umupo sa tapat niya.
Isang tango ang ang ginawa niya at umupo ng maayos.
"As I count from 1 to 10 you will fall into deep sleep and you will relax." Malumanay na sagot ng doktora na nagpapaantok sakanya. "1... 2... 3... You will fall into deep sleep. 8... 9... 10..."
At tuluyan na siyang nakatulog.
"Hulio? Gusto kong makausap si Concepcion. Nandiyan ba si Concepcion?" Tanong ng doktora.
"Ayaw niyang makipag-usap sa'yo." Tugon ni Hulio at biglang napadilat ang mata nito.
"Bakit naman? Hindi ko naman siya sasaktan. Nasa ligtas siyang lugar. Wala ng mananakita sakanya." Sagot ng doktora. "Concepcion? Gusto lang kitang kausapin."
"Ili-ili tulog anay, wala diri imong nanay, kadto tienda, bakal papay, ili-ili tulog anay," Pagkanta ni Hulio at napalitan ito ng mabangis na si Concepcion. "Anong kailangan mo?!"
"Gusto ko lang makipag-usap sa'yo." Tugon ng doktora.
"Hay nako Perez! Sinasayang mo lang ang oras ko! Gusto ko ng makalabas dito!" Sigaw ni Concepcion.
"Concepcion, alam mo bang hindi ka totoo? Isa ka lang imahinasyon ni Hulio." Tugon ni Dr. Perez.
"Imahinasyon? Imposible! Ako ito! Si Concepcion Lopez." Giit ni Concepcion.
"Ang mga diary ng inay mo ang nakapagkumbinse sa'yo na buhay pa si Concepcion ngunit patay na siya." Sambit ng doktora.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...