15. My Bad

1.7K 45 0
                                    

KABANATA XV - MY BAD

ISANG nakakabinging sigaw ang namutawi sa hapunan nina Diana at ang mga kaanak nito. Napadako ang mata ni Diana sa itaas na palapag ng bahay. Malamang ay nanggagaling ito mula sa kwarto nina Stella at Marion. Agad naman silang umakyat at ipinagpaliban muna ang pagkain. Dali-dali silang umakyat ng hagdan at binuksan ang silid. Nabigla sila sa nakita. Nakita nilang nag-kikisay na sa sahig si Stella, nakalawit ang dila nito, nasa itaas lamang ang maitim na bahagi ng mata nito kaya puro puti nalang ang nakikita nila sa mata nito. Nag-sisigaw ito na animo'y sinasapian ng masamang espiritu.

Agad nilang pinuntahan si Stella at ginising ito. Halos sampalin na nila si Stella dahil hindi ito nagigising.

Napako ang mga paa ni Diana sa kanyang kinatatayuan. Ngayon lamang niya nakita si Stella ng ganito. Napatanong siya sa sarili kung sino nga ba si Stella? Saan nga ba ito nanggaling?

"Marion! A-Ang a-asawa m-mo!" Kahit ayaw niyang pag-tuunan ng pansin si Stella ngunit hindi niya mapigilan ang sariling maawa rito.

Isang ngiti lamang ang ipinakita ni Marion, "Hindi ba kayo masaya?"

Nabigla ang lahat sa sinabi ni Marion. Napatingin silang lahat kay Marion. Hindi makapaniwala si Diana sa ipinapakita ni Marion. Ipinaglalaban kasi ni Marion si Stella sa kanila. Hindi niya mapigilang mag-taka kung bakit nagkaganito si Marion. Sandaling natahimik ang lahat, maliban na lamang sa nakakangilong sigaw ni Stella.

Ilang sandali pa ay natahimik si Stella. Halos nalulunod na ito dahil hindi ito makapag-salita. Nakita na lamang nila si Stella na bumubula ang bibig.

"K-Kuya M-Marion," sagot ni Diana. "I-Ikaw ba ang may gawa nito?"

"Patawad..." Narinig na lamang nila ang munting tinig ni Rey na nakaluhod at nakatingin sa tahimik na katawan ni Stella. Pinahid nito ang munting luha sa kaliwang mata nito. "M-May nangyari sa'min ni Stella..."

Napanganga si Diana sa isiniwalat ni Rey. Ang karespetadong Detective ay may kabit?

"What?!" Narinig na lamang nila ang malakas na sampal na iginawad ni Christina kay Rey. "Hayop ka! Ano bang ginawa ko para ganituhin mo?! Ano bang ginawa ko't sinasaktan mo ako! Kulang pa ba?! Kulang pa?!" Pinaulanan ni Christina si Rey ng suntok at sampal.

"Huwag kayong mag-alala," sagot ni Marion. Malumanay ang tinig nito't natigilan ang lahat. "Kahit gusto ko mang lasunin siya'y hindi ko magawa." Mahigpit nitong pinipiga ang pantalon nito. Halos sunod-sunod ang pag-patak ng mga luha nito. Marahas nitong pinahid ang balde-baldeng luha na kusang umaagos sa magkabilang mata nito. "Nagkaroon lang siya ng mild epilepsy. Matatauhan rin siya maya-maya, kapag gumising na siya."

Sandaling ninamnam ni Diana ang mga pangyayari. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag ang dalawang kuya niya ay mag-papatayan dahil sa isang baliw na napulot ng Kuya niya. "Baliw!" Padabog siyang umalis ngunit may kamay na nakakabit sa kanyang braso dahilan upang lingunin niya kung sino ito. "Diana, please..."

Kilala niya ang kamay na ito. Ang malaking kamay, na may singsing sa hintuturo nito. Malalapad na mga daliri at magaspang na palad. Tumingala siya at nakita si Allan.

"Can you atleast stay for your sister-in-law?" Biglang nanlaki ang mga mata ni Diana. Sister-in-law? Ang buong akala niya ay kakampi niya si Allan. Ang buong akala niya'y pareho nilang ayaw kay Stella?

"Ano bang pinapalabas mo?! Na ako na ngayon ang masama?! Ako ang may kontra sa relasyon nila?! Ganun naman talaga eh! Ako! Ako! Ako nalang! Fine! I'm the bitch who tried to ruin their relationship!!!" Sigaw ni Diana. Napatingala ang lahat sa mga sinabi niya.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon