KABANATA XX - SWORN TO SECRECY
"Wala ka namang kasama diba?" Narinig ni Caroline ang boses ng Tito Marion niya habang nag-tatago siya sa mga talahiban. Hindi niya alam ang gagawin niya. Nang makarating siya rito'y naabutan na lamang niya ang Tita Diana at Tito Marion niyang nag-uusap. O di kaya'y nag-paplano tungkol sa pinsan niyang si Kim. Napailing siya sa mga naiisip niya at ipinagpaliban ang mga namumuong imahe sa kanyang isipan.
"K-Kuya b-baka may nakarinig..." Tugon naman ng Tita Diana niya. Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Nababalot ang buo niyang katawan ng takot. Takot para sa pinsan niyang si Kim at para sa kanya. Doon lamang niya nakumpirma ang mga hinala niya. Totoo ang mga hinala niya. May kinalaman ang Tito Marion at Tita Diana niya sa pagkawala ni Kim. At sa mga mensaheng natatanggap ng pamilya niya. Hindi niya aakalaing makakayang gawin iyon ng Tita Diana at Tito Marion niya.
"M-May tao ba d-diyan?" Nauutal na tugon ng Tita Diana niya. Hindi na niya mapigilan ang sarili niya. Kumukulo na ang dugo niya sa galit. Hindi na niya papayagan pang makapanakit sila ng taong malapit sa kanya. Kailangan na niyang tapusin ang kalokohan nila. Hindi na niya mapapalampas na may makasira pa sa Pamilya Dela Vega. Napabuntong hininga niyang hinawakan ang kanyang kutsilyo at sumigaw.
-----
"ITO na ba ang huli?" Tanong ni Rey habang bitbit ang isang sako ng bigas sa kanyang van. Aaminin niyang halos pagod na pagod n siya sa kakabitbit ng mga sako. Pagod na pagod na sila ni Tonio at tila pawis na pawis sila sa malamig na panahon. Hindi rin naman din nila pwedeng pagkargahin si Hulio, bukod sa mahina ito ay umuubo pa ito sa sobrang lamig ng panahon.
"Mang Hulio, pwede bang bumili ka nalang ng mg gamot. Yung pwede sa ubo, sipon, lagnat, sakit ng tiyan. Kakailanganin natin iyon!" Giit ni Tonio at inabutan ito ng dalawang libong piso. Namumula man ang pisngi'y inabot ng matanda ang papel na pera.
Nang makaalis ang mtanda ay nagsalita si Rey, "Mukhang malakas ang tama niyang Hulio sa'yo ah!" Sagot niya at binatukan si Tonio sa balikat.
"Langya ka Tol! Nandidiri na nga ako diyan eh!" Natatawang tugon ni Tonio. Napansin naman ni Rey ang tahimik na si Allan habang nakasandal lamang ito sa labas ng kotse.
"Hoy Allan! Ba't ang tahimik mo? Nag-seselos ka ba?!" Panimula ni Rey at binatukan si Allan.
Tila natauhan naman ang Senador at napabalikwas siya sa kanyang pagkakatayo. Sandali nitong tiningnan si Rey at Tonio. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga ito na para bang di siya makapaniwala sa mga nakikitang hugis.
"Hoy Allan! Wag kang mag-baliw baliwan diyan!" Sigaw ni Tonio habang paatras siya kay Allan.
"Kailangan nating mag-ingat," Tugon ni Allan at tumingin sa salamin na nakikita ang kanilang mg sarili. "Pare-pareho tayong walang ulo."
-----
NAKATALI sa madilim na lugar si Kim habang pilit na nagpupumiglas sa kanyang upuan. Hindi niya mawari kung nasa'n siya. Ang natatandaan lamang niya ay may batang babaeng lumapit sa kanya at hiningi ang tulong niya. Kusang lumakbay ang isipan niya sa pangyayaring iyon.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]
Mystery / Thriller[WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ BOOK I!] BOOK 1: http://www.wattpad.com/myworks/13392577-deadly-reunion-finished Masayang buhay ang inaasahan ng Pamilyang Tonio at Letty sa kanilang bagong bahay. Inimbitahan rin nila ang kanilang mga...