HELL NO! [14]
[ IYAH'S POV ]
Lumipas ang isang buong linggo na hindi ko pinansin si John AYY, Daniel pala.
Kahit labag man sa kalooban ko na wag siyang pansinin, kahit hirap na hirap na akong dedmahin siya, kahit sa bawat pag-iwas ko, nadudurog ang puso ko, kelangan kong gawin.
Hindi ko alam kung sadyang mapride akong tao o ano. Nasaktan ako eh. Enough reason naman na siguro yun para may right akong mag-act ng ganito.
Alam mo yung feeling na palagi kong naiisip ang future. Yung kelangan ng umalis ni Dj kasi hindi siya dito nararapat. Dun siya sa Manila, sa magulong buhay ng showbiz.
Feeling ko hindi ko kaya.
Hindi ko kaya na wala siya.
Nadudurog ang puso ko.
Napapikit ako.
Hindi ko namalayan, may kumawalang mainit na tubig galing sa nakapikit kong mata.
LUHA.
Biglang nagflashback ang utak ko.
Sa panahon na una kaming nagkita sa National Bookstore.
Nung super nakadisguise siya.
Yung nainis ako sakanya.
Yung niyaya niya ako na kumain. Sa Mcdo ang sinabi ko.
Yung trineat niya ako.
Yung nakituloy siya dito samin.
Yung tinuruan niya akong magluto.
Yung pinuri niya luto ko gamit ang note.
Yung reason kung bakit hindi ko na mahal si Gino.
Kapag kasama ko siya feeling ko well-secured ako.
Yung walang mangyayaring masama sakin.
Kapag kasama ko siya ang saya-saya ko kahit nakakainis siya kung minsan.
Hayy.
~~
Umaga na nung magising ako. Nakatulog pala ako kagabi.
Nag-ayos na ako't lahat lahat at umalis na ng bahay. Hindi na ko sumabay pa kay John. Mas nahuli siya kaysa sakin.
Maaga pa naman ako at konti palang ang tao sa classroom. Naisipan ko munang matulog saglit.
~~
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."
"Hindi kaya. Hahahahahaha."
"Oo eh. WAHAHAHAHAHAHA."
"So obvious, bakla siya. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."
"Lalaki, wag ka. WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."
Bakit ang ingay?
Nakamulat na ako ng mga mata ko.
Nung makita ko kung sino ang nagtatawanan, si Dj lang naman at ang classmate kong maharot na babae.
Bigla akong nakafeel ng inis.
Ako dapat ang kasama ni Dj na tumatawa.
Ako LANG dapat.
Habang pinagmamasdan ko silang tumatawa, may kirot sa puso ko.
Nasasaktan ako.
Ayokong may makitang kasamang iba si Dj.
Gusto ko ako LANG.
Ano ba tong pinagsasabi ko?
Parang nagseselos ako but NO! I'm not jealous. Over my dead hot sexy body. Sa maharot na babae na siya. WALA AKONG PAKE.
Bigla akong napatayo ng padabog na siyang dahilan kung bakit sila biglang napatigil sa pagtatawanan at napatingin sakin.
Lumabas ako ng classroom at nakita ko si Dar.
Bigla ko siyang yinakap ng mahigpit.
"Bakit?"
Concerned na concerned na tanong niya sakin.
Bigla akong napaiyak.
"Bakit ganun? Bakit ang sakit?"
"Anong masakit?"
"Ang sakit para sakin na makitang may kasamang ibang babae si John."
"Wait. Bakit? Kayo ba na ba ni John? Ohmygash, bakit hindi mo sinabi samin. Akala pa naman namin walang sikre---"
"HINDI KAMI."
"Hindi kayo pero nasasaktan ka, ganun yun?"
"Oo."
"Alam ko na sis. Nagseselos ka."
"Ako? Nagseselos? Patawa ka teh."
Napabitaw na ako sa yakap. Pinunasan ko ang luha ko.
"Mahal mo na si John no?"
Tanong sakin ni Dar.
Feeling ko hindi ko naintindihan yung tanong ni Dar.
Ano daw?
Ako? Mahal si John?
Patawa talaga!
Pero bakit hindi ako makasagot?
Part of me gustong sabihing "OO," the other part gustong sabihing "HINDI."
Ano ba talaga?
"Suss. Hindi makasagot. Mahal mo na, aminin."
Putakte. Bakit ba kasi hindi ko masabing HINDI?
Feeling ko nag-aaway ang puso't isipan ko.
Yung parang alam ko sa puso ko, mahal ko si Dj.
Pero sa isipan ko, naiinis ako sakanya at hindi ko siya mahal.
Deym.
Mahal ko na ba kasi si Dj?
HELL NO! >______<
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Novela Juvenil[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3