A/N: May nagbabasa pala neto? Hahaha. Salamat! :)))
BUKING [15]
Panibagong araw na naman. Tuloy padin ang "Ignoring Daniel Padilla 101."Pumasok ako ng maaga. Ayoko talagang makasabay ang ewan na yun.
Pagkapasok ko sa school, madami akong security guard na nakita.
WOW. Yaman na siguro ng paaralan namin para maghire ng karagdagang guards.
Nadaanan ko naman ang stage namin.
Eh? Tutugtog ba banda ng paaralan namin? Baka may program na naman.
Pero bakit ganun? May decoration pa sa stage. Ngayon lang to hah.
Pinabongga na siguro kasi may artista.
Papadami ng papadami din ang mga estudyanteng nagpupunta sa field ground. Doon ang flagcem namin eh.
Daming maaga ngayon eh.
Kadalasan naman nagpapalate ang mga students dito lalo kung alam namay program.
May group of girls din na may hawak ng tarp na ang nakalagay, "Khalil Ramos Fans"
Dinedma ko nalang.
Hanggang sa nakarating nadin ako sa wakas sa classroom at binaba ang bag ko. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko at sumama sakanila.
"Tara na sa field. Mukhang tutugtog ang banda natin eh. Crush ko pa naman yung drummer dun."
Sabi ni Khei samin.
Binatukan naman siya ni Jovi.
"Ikaw talaga. May kaMU pero madaming crush. Ewan ko sayo."
Tinawanan nalang namin sila.
"Tara na nga."
Sabi ni Yhana.
At ayun, pumunta na kami sa field.
Nakita ko naman si DJ na papunta palang sa classroom.
Aba, deadma! Taas kilay, chin up pa ako.
Nakarating na kami sa field.
Ang daming tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/1340117-288-k622266.jpg)
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3