ANG BALITA KAY DANIEL PADILLA AT ANG MISTERYOSONG JOHN FORD [1]
Iyah Mae Santos. 15. 4th Year High School.
Dati akong super fan ni Daniel Padilla.
Bakit ako naging hater?
Gosh! Sinungaling. Magaling pang gumimik.
Ang alam ko lang naman eh ginagamit niya si Kathryn para mas sumikat siya.
Tignan mo naman. Nung sa Gimik 2010. Si Julia Montes palang ang partner niya nun. Ang sabi na naman niya nun eh ultimate crush niya si Julia.
Napabalita ring nanligaw si Daniel kay Julia.
Tas ngayon na naman. Liligawan na daw si Kath. Na may gusto na daw siya kay Kath.
Hayy naku. Ang daming alam. Namajor turn off na nga ako eh. Tsk.
Pero kapag nanunuod ako ng mga palabas kung saan nandun si Daniel Padilla eh hindi ko mapigilan na humanga parin sakanya. Bakit ba kasi ang gwapo? Ang angas? Nakakainlove!
Pero syempre. Hindi na pwedeng hangaan kung ganun lang din naman ang ugali.
SUMMER VACATION
Pumunta ako sa National Book Store. Bibili lang naman ako ng favorite kong CandyMag. Teehee. x))
Habang nasa Magazine Section ako, may nakahagip sa paningin ko.
Isang dyaryo.
Teka? Kelan pa may newspaper dito sa Magazine Section?
Ang headline?
THE MISSING DANIEL PADILLA
Ang isa sa pinakasikat na aktor sa henerasyong ito na si Daniel Padilla at nawawala! Ang sabi ni Karla Estrada, nanay ni Daniel Padilla, huling namataan daw ang aktor sa isang bus station. Hindi daw nila alam kung bakit nandun ang aktor na dapat ay nasa taping ng Princess and I. Si Kathryn Bernardo naman, ang on-screen partner ni Daniel Padilla ay tumulong na rin sa paghahanap sakanya. Sa isang inteview, sinabi ni Mr. Rommel Padilla na papabuyaan niya ng kalahating milyon ang kung sino mang makakapagsabi kung nasaan ang kanilang anak at kung sino ang makakapagharap sakanila si Daniel Padilla. Tawagan lang ang numerong ito kung sakaling nakita niyo ang aktor. 09876543211.
Tsk. Ano na naman kaya ang gimik nun?
Nung binalik ko na yung newspaper, may kumuha naman yun sakin.
Nakabaseball cap, shades at scarf pa! Winter lang ang peg? Ang init kaya. -____-
"Excuse me?"
Mataray kong sabi dun sa lalaki. Ang ayoko kasi eh nang-aagaw ng gamit. Di man lang niya hinintay na maibalik ko yung newspaper. Tss. Fan siguro ni Daniel to. Pero lalaki eh. Baka bakla.
Hindi naman siya umimik.
“Kuya, hinintay niyo naman sana na binalik ko yung newspaper bago niyo kinuha sakin no?”
Baka naman pipi lang talaga to?
Hayy naku. Makakuha na nga lang ng CandyMag. Baka lalo pang uminit ang dugo ko pag tinuunan ko pa ng pansin tong taong to.
Nasa pinakamataas ng part yung CandyMag at nahirapan akong kunin yun. Wala bang pwedeng umassist sakin dito? Psh.
"Ako na."
Nagulat naman ako nung nagsalita na si Mr. Pipi at nagpresenta pa na siya na daw kukuha sa magazine.
"Thank you"
Yun nalang ang sinabi ko nung inabot niya sakin yung mag. Grabeee. Ang tangkad ni Mr. Pipi! Basketball player kaya to? Pero payat eh.
"Taga-dito ka ba?"
Tanong naman niya sakin. Feeling close lang to ha.
"Hah? Sa susunod na bayan kami. Vigan kasi dito eh. Matanong nga kita. Tourista ka ba?"
Sagot ko naman.
"Oo. Pwede ba akong sumama sayo?"
Holdaper? Snatcher? Kidnapper?
Saang -er kaya siya?
Nakuuu! If I know, pera lang ang habol sakin niyan. Tignan mo naman ang itsura. Nakadisguise pa talaga.
"Naku. Hindi pwede."
Hindi pwede kasi hindi naman kita kilala. Tsk.
"Ako pala si . .... John. John Ford. Friends?"
Nag-offer pa siya na makipagshake hands. Mamaya niyan pag hinawakan ko yung kamay eh tsaka gagawin yung modus niya.
"Friends?"
Yung nalang ang nasabi ko. Este natanong pabalik pala. xD
"Don’t worry, hindi ako masamang tao. Wala akong balak na masama sayo. Kung gusto mo ako magbabayad dyan sa Mag tsaka treat kita. Then we will get to know each other. Deal?"
Deal or No Deal?
"DEAL."
Napasubo na. >______<
Tsaka sayang din naman ang libre. Hahahahaha.
Wow lang. Naisip ko pa ang salitang ‘libre’ sa sitwasyon kong to. Hanep lang talaga ang utak na meron ako. xD
![](https://img.wattpad.com/cover/1340117-288-k622266.jpg)
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3