I'll Fight [26]

742 9 4
                                    

I’LL FIGHT [26]

DJ’S POV

Panira naman oh. Okay na okay na okay na kami ni Iyah. Sa katunayan, sobrang saya ko. Mahal ko siya, mahal niya ako. May mas sasaya pa ba? Kung bakit ba kasi kelangan ko pang bumalik pa sa Manila. Tss.

Ayy oo, mas sasaya pa kung matatanggap na ni Mommy si Iyah.

Nakauwi na sila Seth, kami nalang ni JC ang natira. Pauwi na. At sobrang ninenerbyos ako. Fck. Sigurado akong armalite na naman ang bibig ni Mommy mamaya dahil sa hindi ko pagsipot sa press con ko. Tss.

Nakarating na kami sa bahay.

Nakapagtataka dahil naka-off ang ilaw sa sala.

“Tulog na yata sila Kuya? O baka nagpunta sila sa Vigan?”

Sabi ni JC.

Pero masama ang kutob ko.

“Pasok na tayo.”

Sabi ko naman.

Binuksan ko ang door knob. Hindi siya nakalock.

Binuksan naman ni JC ang ilaw.

“Nandito na pala kayo. JC, akyat ka na sa kwarto mo, DJ, halika dito, mag-usap tayo.”

Alam kong si Mommy yun.

Nakaupo siya sa isang sofa sa nakatalikod samin.

Patay na talaga ako neto. >______<

“Akyat na po ako Ma. Good night.”

At umakyat na nga si JC.

“Yo Ma, ano yun?”

Cool ko pang sinabi. Pampatanggal nerbyos lang eh.

“Yo? At parang ang saya saya mo pa DJ. Bakit? Ano bang magandang nangyari sa araw na to?”

Hindi parin ako hinaharap ni Mommy.

Alam ko. Galit na galit siya.

“Wala naman po.”

Pinilit kong maging calm.

“Wala? Hindi ba’t kayo na nung babae mo sa Ilocos Sur?”

Nagulat ako. Alam ni Mommy? Paano?

“Opo.”

Hinarap na niya ako ngayon.

“DJ, alam mo ba yang mga pinaggagagawa mo? Hindi mo sinipot ang presscon at pinuntahan mo yung babae mong walang kwenta dun sa Senior’s Ball nila. Sabihin mo nga DJ, ganun ba siya kaimportante sayo at kaya mong balewalain lahat ng pinaghirapan mo sa showbiz?”

Galit si Mommy at the same time malungkot din.

“Ma, hindi po walang kwenta si Iyah. Masaya po ako sakanya. Mahal ko po siya. At siguro nga po kaya kong iwan ang lahat para sa pagmamahal ko sakanya.”

“Mas mahal mo ba yung babaeng yun kaysa sakin anak?”

“Ma, pareho ko kayong mahal.”

“Mamili ka. Ako o yung babaeng yun?”

“Ma, wag mo akong pagpiliin please.”

“AKO O YUNG BABAE MO? SAGOT!”

“Ma naman.”

“DJ, yang pagmamahal mo sinasabi mo para sa babae na yun, kalimutan mo na. Siya ang sisira sa lahat ng pangarap natin. Anak, diba eto ang gusto natin? Para maging proud sayo ang Daddy mo? Anak, iniwan niya tayo. Pinagpalit sa ibang babae. Kelangan nating ipakita na mas angat tayo sakanila.”

“Alam mo Ma, nung una akala ko tama kayo. Oo, iniwan tayo ni Dad, may ibang pamilya na siya ngayon. Gusto kong maging proud siya sakin. Nagsumikap ako. Pero ngayon, mali pala ang dahilan ng pagsikat ko Ma. Ipakitang mas angat tayo sakanila? Ma naman. Ano ba yan. Bitter kayo? Kung iniwan man tayo ni Dad, hindi ba dahil yun sa inyo? Tas ngayong may iba na siya kung anu-ano ang pinagsasabi niyo tungkol sa pamilya nila. Mababait sila. At etong pagmamahal ko kay Iyah, eto nalang po ang hinihingi ko. Kahit ito nalang po. Please Ma.”

Umiiyak na ako.

Kahit itakwil na ako ni Mommy. I’ll fight for Iyah. Ganun ko siya kamahal.

“Sige Ma, akyat na po ako.”

Tumalikod na ako kay Mommy.

Bahala na.

The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon