The Big Revelation. Part 2 [13.2]

1.1K 14 4
                                    

THE BIG REVELATION. PART 2 [13.2]

[ IYAH'S POV ]

Pumasok na sa classroom si Khalil at John.

Naupo lang naman ako sa shed. Hihintayin ko si John. Sabay kaming uuwi eh.

Dahil sa medyo nasa may malapitan lang ako, may konti akong naririnig pero hindi ko lubos maintindihan hanggang sa sigaw na ni Khalil ang naririnig ko at galit na galit.

Papasok na sana ako para tignan kung nagkakagulo na pero hindi ko nalang tinuloy ang pagpasok.

Instead, nakinig nalang ako. Chismosa eh. xD

"Ano pang silbi ng mga private investigators? Utak Dj please. Tsaka nandito ako para kamustahin ka. Gusto kong makita ang lagay mo. Alalang-alala sila sayo. Tsaka matutuwa na sana ako sa pagkawala mo eh. Pero mas ikaw parin ang tinutuunan ng pansin. Ikaw padin ang bukambibig ng lahat. Ano to Dj? Gimik mo para mas sumikat? PAKSHET lang! Ano bang meron sayo? Bakit palagi nalang ikaw? Ano hah? SAGOT!"

 Dinig kong sigaw ni Khalil.

Ano ba yang sinasabi nila? Hindi ko masyadong maintindihan.

Tumawa lang naman si John.

"Masakit ba Khalil? Ang maging pangalawa lang? Well, sorry. Wala akong magagawa dun. Tsaka hindi ko naman to gimik para mas sumikat. Gusto ko lang lumayas sa magulong mundo ng showbiz."

Seriously? Ano tong sinasabi ni John? Anong magulong mundo ng showbiz?

"Gago ka. Makikita mo. Babagsak ka din, DANIEL PADILLA."

O_________________O

Tama ba ang narinig ko?

Si Khalil tinawag na Daniel Padilla si John Ford?

Teka, baka mali lang talaga pandinig ko.

PERO ..

Nung nasa Mcdo kami, nasabi kong kamukha niya si Daniel Padilla.

Nung nagpafollow ako sakanya, may nagfollow sakin na @imdanielpadilla

Tinatawag ni Khalil si John ng Dj eh nickname yun ni Daniel Padilla.

WAIT.

SO SI JOHN FORD NGA AY SI DANIEL PADILLA?

Sa sobrang tagal ng pag-iisip ko, hindi ko namalayan na lumabas na si Khalil.

Sumunod naman si John, I mean Daniel.

"Tara na Iyah."

Sabi sakin ni John. Ayy Daniel.

"Ikaw si Daniel Padilla?"

Hindi ko napigilang itanong.

"Narinig mo?"

Napaface palm siya.

"Alam ko isa kang hater ko pero Iyah, magkaibigan tayo. Tsaka sana wag mong ipagsabi-sabi ang mga nalaman mo. May pinagsamahan din naman tayo kahit papano diba?"

Hinawakan niya ang mga balikat ko.

Tama. Siya nga si Daniel Padilla.

Isa akong hater niya.

"Yun nga eh. May pinagsamahan tayo John. I mean Daniel. Eh bakit hindi mo sinabi sakin na ikaw pala si Daniel Padilla? Diba nga magkaibigan tayo? Wala ka bang tiwala sakin? Dahil ba sa sinabi kong hater ako ni Daniel Padilla kaya hindi mo na sinabi sakin yun? Grabe naman oh."

Hindi ko alam kung kukuha ba ako ng papel tas magpapa-autograph ako. Tas ibebenta ko. Madaming DJsters. Tiba-tiba ako.

Hindi ko alam kung sasabihin ko, "Uyy, si Daniel Padilla nasa bahay namin!" 

Hindi ko alam kung pipicture'an ko siya. Tas ibebenta ulit.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mafeel.

Kung ano ang dapat kong ireact.

Ang dapat kong sabihin pa.

Tas the fact na hindi niya inamin sakin yung totoo, yun yung masakit.

Hindi ko alam kung bakit ganito.

Siguro dahil sa feeling ko hindi niya ako pinagkakatiwalaan.

Hindi ko din alam kung dahil lang doon sa hindi niya pagsasabi sakin ng katotohanan ang kinasasakit ng loob ko.

Kasi ang naiisip ko  ..

Baka bumalik na siya sa kung dapat nasaan siya ngayon at iiwan niya ako.

At ang alam ko lang ..

Ayoko siyang malayo sakin.

The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon