REBOUND [22]
GINO’S POV
At eto, nagbabalik na naman ang walang kwenta kong POV. xD
Eto, hindi ko alam kung matutuwa ako o ano dahil wala na si John. Ayy, Daniel Padilla pala.
Solong-solo ko na kasi si Iyah eh. Wahahahaha. *halakhak ng tagumpay*
Pero yung nakikita ko si Iyah na parang zombie?
Yung totoo? Nagdrudrugs siya?
Kidding aside. Ang sakit sakit sakin na makita si Iyah na ganyan. Parang namatayan. Nagmumukha na siyang zombie. Pero magandang zombie.
Lalim ng eyebags niya. Mas malalim pa sa pinakamalalim na trench sa mundo.
Palaging mugto ang mga mata.
Nangangayayat na nga eh. Hindi na yata nakakakain. Pero sexy padin siya.
Ang baho na nga eh. Di na naliligo. Tss.
JOKE.
Pero buti nalang naliligo padin siya.
Alam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Kahit magmukha akong tanga, ayos lang. Basta para kay Iyah.
Pinagtatabuyan man niya ako, hindi ako aalis sa tabi niya.
“Iyah, kain ka oh. Favorite mong lasagna. Sa Greenwich ko yan binili. Alam ko naman lasagna ng Greenwich ang gustong-gusto mo eh.”
Sabay abot ko sakanya ng styro.
Nung una, tinignan lang niya ito. Akala ko nga eh irerejct na naman niya. Pero nagulat nalang ako nung kunin niya ito sakin tsaka ngumiti.
“Gino, salamat.”
Sabi niya.
“Ayos lang. Sige, kain ka na. Para naman bumalik na sa dati ang katawan mo. Tignan mo nga oh, ang payat payat mo na masyado. Naover sexy na yang katawan mo. Tss.”
Sabi ko naman sakanya.
Tumawa naman siya.
Feeling ko tumawa din ang puso ko. Kasi napatawa niya si Iyah.
Ang saya ko. Grabe. Malaking achievement na sakin ang mapatawa si Iyah sa ganyang lagay niya.
“Baliw ka Gino. Hahaha. Pero thank you. Super thank you kasi nandyan ka. Kahit pinagtabuyan kita’t lahat lahat, nandyan ka padin para sakin. Thank you.”
“Ano ka ba Iyah, mahal kita eh. Masakit para sakin na nagkakaganyan ka dahil lang sa Daniel Padilla na yun.”
Ayy gagong ako.
Biglang nawala ang ngiti ni Iyah.
Badtripp. Bakit ko pa ba kasi binanggit ang pangalan ni Daniel? Tsss.
“Gino, sana wag mo ng babanggitin ang pangalang yun. Pretend nalang tayo na walang taong ganun na nag-eexist. Walang taong ganun na naging parte ng buhay natin.”
At naiiyak na naman si Iyah habang sinasabi niya yun.
Nasasaktan padin siya.
Ayoko ng ganyan.
Pinunasan ko naman ang luhang tumulo na.
“Tahan na. Sige, hindi ko na babanggitin. Iyah naman, ayokong nakikita kang ganyan.”
Pagcocomfort ko naman sakanya.
“Gino, favor.”
Sabi naman niya sakin.
“Kahit ano Iyah, basta kaya ko.”
Nagbuntong hininga siya.
“Please make me fall for you again.”
“Yes Iyah. I will do anything, everything para mahalin mo ako ulit.”
Sa favor na yun, nasabi ko nalang sa sarili ko na kahit REBOUND lang ako, ayos lang. Basta para kay Iyah. Mahal ko siya eh.
I’m willing to be her rebound pero hoping na sana mamahalin din niya ako pabalik someday, somehow.
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3
![The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]](https://img.wattpad.com/cover/1340117-64-k622266.jpg)