HER CONFESSION [21]
KATH’S POV
Naiinis na talaga ko kay Dj. Hayy.
Umalis na nga siya ng walang paalam sakin. Halos namatay na ako kakaalala sakanya tas makikita ko siya may kasamang ibang babae tas sasabihin pa niyang girlfriend niya.
Srsly?
Sarap patayin ng babaeng yun. Ano bang pangalan? Vannah? Rica? Oh, Iyah. Tss. Parang YAYA lang. Pangalang cheap. Kasing cheap ng Iyah na nun.
Well, mahal ko si Dj. Mula nung Growing Up pa. No, wait. Nalove at first sight talaga ako sakanya. Sa gwapo niyang yun? Grabee. Walang back out pag siya ang loveteam. Kahit magkissing scene pa kagad agad, okay na okay sakin. Walang kaso. Hahahahaha.
Naaalala ko pa nga nung una kaming magkita.
FLASHBACK
Nakatayo lang ako. Waiting for the next na mag-aaudition. Nabuwag kasi ang KathBie. Loveteam namin ni Albie. Nasangkot sa issue eh.
Sobrang inis ko na kasi ang papangit ng mga gustong maging “Patrick Rivero.”
Like duh?! Kung sila lang din, WAG NA. I’d rather go shopping! Chin up at taas kilay pa.
Until,
“This is taking too long. Kailangan na nating makahanap. Call Daniel Padilla, maybe he will fit the role.”
Narinig kong sabi nila.
Daniel Padilla?
Who the hell is that? Galing ba yan sa Padilla clan? Kasing astig pa ni Robin Padilla? O baka naman BB Gandanghari lang?
THE NEXT DAY
Tumatakbo ako sa hallway ng building ng ABS-CBN. Paano ba naman kasi yan, late na ako. Ayoko namang makarinig ng kung anu-ano kay Mr. M.
Habang nagmamadali,
*BLAGGG*
MAY NAGBANGGAANG KOTSE SA LABAS NG BUILDING! DUGUAN!
Dejoke.
May nakabangga ako. Dyahe lang eh.
“Ano ba yan. Nagmamadali na a---“
Hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko.
*U*
Ang gwapooooooo!
Matangkad. Moreno pero ayos lang. Astig ng dating. Nakaleather jacket. Matangos ang ilong. Kissable lips. What more?
“Sorry miss. Nagmamadali kasi ako eh. Sige.”
Sabi nga tsaka nagmadaling umalis.
Natigilan ako bigla. Eh sa kinikilig pa ako. Wait lang. Ahihihihihi.
Ngiting-ngiti naman ako pagdating ko sa set.
“Kathryn naman. Ikaw pa ang late. Tss.”
Sabi ni Mr. M sakin.
“Sorry po.”
Sabi ko naman pero nakangiti padin.
“Anyway, please meet Daniel Padilla.”
At biglang lumabas ang isang lalake sa isang malaking box tsaka nagsexy dance. Nakaboxer lang ito at nakabow tie.
Pero joke lang.
Bigla namang mas lumapad pa ang ngiti ko nung makita ko yung lalake.
Siya ba? Siya ba si Daniel Padilla?
Tell me, ang swerteeee ko. ^______^
Okayy. Pinagtabi na kami.
Tinignan nilang mabuti kung may Chemistry kami.
Nakuu. Hindi lang kaya Chemistry ang meron kami. Physics, Biology, Biotechnology, Earth Science. Ahihihihihi.
“Okay. Ikaw na Daniel Padilla ang gaganap sa role ni “Patrick Rivero.””
Lumaki ng tuluyan ang tenga ko.
WHUTTTT?
Siya ang Patrick Rivero ko?
Ako na. Ako na talaga. ^__________^
Unexpected naman ang pagclick ng loveteam namin.
KathNiel.
Kinikilig naman daw ako sa mga scenes namin ni Dj.
Tsaka syempre nainstruct kami na kung pwede, maging sweet kami sa isa’t isa sa offcam, paniwalain ang mga fans namin na parang may nabubuong BABY kapag offcam.
Hindi pala BABY ang nabubuo. Nabubuong pag-ibig. Hihi. Ang landi ko na yata masyado. Flashback lang to eh grabe na sa kalandian. Hahahaha.
Eh ayun, bibisita si Dj sa bahay.
Pero ang nakakainis, bibisita siya pero ang gagawin niya sa bahay, magwi-fi. Makikilaptop pa samin. Yun lang.
Kapag reregaluhan naman niya ako ng mahal, syempre dapat mamahalin ang ibigay ni Dj sakin na malalaman ng publiko.
Tatanungin muna niya ako kung anong gusto ko. Kilig kilig naman daw ako. Eh sasabihin ko naman. Pero akalain mong sisingilin sakin yung pambili? Siya nalang daw ang bibili, ibibigay sakin tas kunwari regalo. -.-
Okayy. Nakakainis na. End of flashback na.
Pero kahit ganun pa man, mahal ko padin si Dj.
At eto, hinalikan ko siya sa labi. Para iparealize lang naman sakanya na ako ang mahal niya. Dapat ako ang mahalin niya kasi ako ang nararapat sakanya.
Pero tinulak niya ako at gulat na gulat siya sa ginawa ko.
Alam ko, first kiss kasi niya yun. First kiss ko din naman yun eh. Hihi.
“B-bakit mo ginawa yun?”
Tanong niya.
Ngumiti lang naman ako.
Sigh.
Okayy. Aamin na ako.
“Dj, hindi ko alam kung manhid ka o ano pero mahal kita.”
Seryoso kong sabi sakanya.
Mas lalo namang lumaki mga mata niya.
“A-ano?”
“Bingi ka? Ang sabi ko Dj mahal kita.”
First time kong umamin sa isang lalaki infairness.
“Ano ba yang pinagsasabi mo Kath? Umayos ka nga. Ako? Mahal mo? Bakit? Paano? Kelan?”
“Matagal na kitang gusto. At unti-unti, minahal na kita. Bakit? Hindi ko alam. Paano? Hindi ko alam. Basta naramdaman ko naman na mahal na pala kita. Na hindi ko kaya kung wala ka.”
“Kath, yung totoo? Nakadrugs ka ba?”
The hell?
Umamin na nga ako tas tatanungin niya kung nakadrugs ako? Hell. Just hell.
Nagsimula ng tumulo ang luha ko.
Ang sakit kaya.
Kung ikaw umamin sa taong mahal mo tas ganyan lang ang sinasabi? Matutuwa ka ba? Syempre hindi. Baliw lang ang matutuwa pag ganyan.
Bigla naman niyang pinunasan ang luha ko.
Tinanggal ko ang kamay niya kahit kinilig naman talaga ako sa ginawa niya. Kasi naman. Nasaktan ako eh.
“Dj, kung hindi mo rin naman ako mahal, wag kang gumawa ng mga bagay na pwedeng magpaasa sakin.”
Sabi ko sakanya tsaka tuluyang lumabas sa kwarto niya at umuwi na.
[A/N: Comment lang sa reader ko na hindi ko pa nadedic'an.]
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3