ACCEPTANCE [27]
KATH’S POV
PRESSCON
“Nasan na ba si Dj? Magsastart na ang presscon.”
Bahalang-bahala si Tita Karla kung nasaan si Dj ngayon. Pati nga din ako eh. Kung nasaan kasi yun. Tss.
Sinubukan naming tawagan pero hindi ito sumasagot at maya-maya’y pinatay na din ang cellphone ni Dj kaya mas lalo namin itong hindi macontact.
Galit na galit na si Tita Karla.
Nagpaumanhin siya sa mga press na dumalo at sinabi nalang niya na may sakit si DJ kaya hindi matutuloy ngayon.
Nasaan ka na ba kasi Daniel Padilla?
Si Kats naman ang sinubukan kong tawagan.
“Oh Kath, napatawag ka?”
Narinig kong sagot sa kabilang linya.
“Buti nalang sinagot mo. Hayy. Kats, alam mo ba kung nasaan si Dj ngayon?”
Tanong ko.
“Uhh.”
“Ano? Alam mo ba?”
Medyo tumaas ang boses ko. Dala ng pagkainis ko. Uhh? Pero kilala ko si Kats. Kapag ganyan na, alam kong may alam siya.
Di siya nagsalita.
“Hoy Kats, sino yan? Girlfriend mo?”
“Baka naman nanay mo? Hahahahaha. Ano Kats, pinapauwi ka na?”
“Hoy, tumahimik nga kayo!”
Narinig ko sa kabilang linya.
Napatakip ako ng bibig.
Isa si Dj dun. Narinig ko ang boses niya.
“Kats, tell me. Nasaan kayo? Please.”
I sound so desperate.
“Nandito kami sa van.”
“Ano ba Kats? Wag mo nga akong lokohin.”
“Hindi naman kita linoloko eh. Uhh, on the way kami.”
Mahina na ang boses ni Kats.
“Saan kayo pupunta? Please Kats, sabihin mo sakin. I owe you my life if you’ll tell me. Please.”
“Vigan.”
Sobrang hina na pero narinig ko padin.
![](https://img.wattpad.com/cover/1340117-288-k622266.jpg)
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3