Untitled [8]

1.5K 15 9
                                    

UNTITLED [8]

  

Eto nga. Pupunta ako sa school para makakuha na ng sched ko.

Sasama ngayon sakin si John. Doon na din daw siya mag-aaral. Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng card.

Pineke ba?

Sa St. Benedict Academy pala siya nag-aral noon at WOW. Tataas ng grade! Nahiya pa akong ipakita sakanya yung naxerox na card ko. Psh.

John E. Ford ang nakasulat na name niya doon.

May folder si John ngayon at birth certificate at kung anu-ano pang papeles ang nandun.

Saan ba talaga niya yun kinuha?

At nandito na nga kami sa school.

Kita mo tong mga babae. Kung makatingin samin, este kay John lang pala, parang matatanggal na mga eyeballs nila.

Nganga face pa! Yun, tulo laway tuloy. Tsss.

Tumingin ako kay John.

Nakangiti ng nakakaloko.

“Bakit ba sila tumitingin sayo ha?”

Natanong ko.

Tinuktok niya ng mahina ang ulo ko.

“Para saan naman yun?”

Nagtaray na ako.

“Hina pala talaga ng kukute mo. Syempre, ang gwapo ko kaya ayan. Mga babae naglalaway sakin.”

Ngumisi siya.

Oo na. Siya na tong gwapo. Mapapastop and stare na lahat sakanya. Tss.

“Ang hangin naman dito. Grabe.”

I said with full of sarcasm in tone.

“Ang sabihin mo mainit.”

Natanong ni John.

“Ha?”

 

“Kasi ang HOT ko na katabi mo.”

Ngumisi siya.

“Wow. Nahiya naman ako sa hot na katabi ko. Kita mo, ang lakas ng hangin. Matangay ka pa ng hangin eh. Psh. Hot hot ka dyan.”

 

Nagulat nalang ako nung inaakbayan niya ako.

Sheys. Ano ba yan. Feeling ko kinikilig ako?

The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon