SENIOR’S BALL [24]
DJ’S POV
Kung sinuswerte ka nga naman.
Online si Iyah sa Twitter.
Nagtweet nga ako ng “I miss you” eh. Dapat imemention ko siya pero wag na. Baka mashowbiz. Hirap na.
Nagtambay ako sa interactions ko. Malay mo magtweet sakin.
Pero wala eh. Puro I miss you too Dj.
I love you Daniel.
Buti nagbalik ka na.
Bagay talaga kayo ni Kathryn. KathNiel forever.
Si @bernardokath po ba? Ayieeh. KV talaga ang KathNiel.
Tss. Walang kwenta.
Nagsend nalang ako ng DM kay Iyah.
Pero ang masakit, eto.
“Nandyan naman si Gino eh. Masaya ako sakanya.”
Nakakapag-whatthefck lang yan eh.
Takte. Ang sakit. MASAYA SIYA KAY GINO. Oo, tama ka Dj. Masaya si Iyah kay Gino kaya wag ka ng umasa pa sakanya. Kasalanan ko din naman eh. Iniwan ko siya.
Hayy.
“Buti naman. Sige. May gagawin pa ako.”
Yan nalang ang nareply ko.
Di naman na siya nagreply.
Wala naman talaga akong gagawin eh. Nagdahilan lang ako.
Gusto ko din sanang itanong kung sila na ni Gino.
Ano ba yan.
Bakit palagi nalang akong may kalaban?
Si Khalil dito sa showbiz.
Si Gino sa puso ni Iyah.
Pero buti dito sa showbiz eh panalo ako kay Khalil.
Pero sa puso ni Iyah? WALA. OLATS na OLATS ako. Makapaghingi sana ako ng tips kay Erpats kung paano manligaw eh. Streetwise ba dapat? Date sa rooftop? Harana? Pero paano ko pa magagawa yun?
Hayy naku.
Napatingin ako sa kalendaryo ko.
Biglang may nag-ilaw na bombilya.
*ting*
BRIGHT IDEA!
IYAH’S POV
Nagsukat na ako ng damit ko para sa Senior’s Ball kinabukasan.
Napakasimpleng damit.
Nga pala. Nakapagtataka. Sa Vigan Convention Center na kasi gaganapin ang Senior’s Ball. First time. Sa gym lang kasi naman dinaraos to eh. Ewan ko ba. Asensado na yata school namin ngayon. Sabagay, Khalil Ramos nga diba?
Nag-aaral padin siya yun.
Actually, more like pumuporma kay Telyn. Hihi.
Pero eto, sila yata ang mag-escort para bukas. HIMALA! Hahaha. Ewan ko kung paano napapayag ni Khalil si Telyn na siya ang maging escort niya.
Ako naman, si Gino ang escort ko. Susunduin niya ako bukas.
Nanliligaw padin si Gino pero hindi ko pa sinasagot. Hindi pa ako ready eh.
KINAUMAGAHAN
Pumasok pa kami sa umaga kasi may Thanksgiving Mass pa. After the mass, karamihan saming mga Seniors ay umuwi na para magprepare sa event mamaya. 11 ako nakarating sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Novela Juvenil[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3