A/N: I'll try gumawa ng side story for Telyn and Khalil. Basta. After nito, I'll make their LS. So hindi masyadong detailed dito ang lovestory nila. :))
THE BIG REVELATION [13]
[ JOHN'S POV ]
Sht. Nakita na ako ni Khalil.
Wala na akong lusot pa.
Leshe. Paano ba niya alam na nandito ako?
Dahil kaya dun sa dati kong school?
LESHE talaga.
At anong sabi niya? Mag-uusap kami? In private? UTOT NIYA! As if gusto kong makipag-usap. If I know, gusto lang niya akong pabagsakin.
Paano ba naman kasi pang-SECOND lang siya. PSH.
Eh kasalanan ko ba?
Nawala na nga ako, dapat nagdiriwang na siya.
Dapat tinake na niya ang oppurtunity'ng ito para mapasakanya na ang spotlight.
Siguro kakausapin niya ako para sabihin na wag na akong bumalik at dito nalang ako.
Eh mas gusto ko naman talaga dito! Kahit hindi na niya ako kausapin. Psh.
[ KHALIL'S POV ]
Hahahahahahaha.
What the hell lang.
Eh magclassmate nga kami ni Dj. Wagas wagas kung iwasan ako na para bang may malubhang sakit ako na nakakahawa.
Iiwas talaga yan. Kasi alam ko na kung saan siya nagtago.
Ilang segundo nalang, matatapos na ang last subject namin. Pagkatapos nito, kakausapin ko na siya.
10.
9.
8.
7.
6.
5.
4.
3.
2.
1.
RIIINNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGG
And yes. Time na.
"See you tomorrow sweetie."
Sabay ngiti ng pinakamatamis kay Telyn.
Nagroll eyes naman siya sakin.
Ang cute cute niya talaga.
Peste lang kasi si Quen ang crush niya. Eh kasunod ko lang naman si Quen. Bakit hindi pa ako?
Nakita kong nagmadaling lumabas ng classroom si Dj.
Pero hinabol ko naman siya.
Nahigit ko siya sa braso.
"Teka lang!"
Sigaw ko nung nahablot ko na ang braso niya.
"Bitawan mo nga ako."
Galit niyang sabi at pilit tinatanggal ang pagkakahawak ko sakanya.
"Mag-uusap tayo."
Seryoso kong sabi.
"Ehemmm. Excuse me."
Biglang singit nung babae na halos kasa-kasama ni John.
Girlfriend niya kaya?
Infairness, MAGANDA, SEXY.
"Iyah right?"
Paninigurado ko.
Tumango naman siya.
"Kakausapin ko lang si Dj. Wait lang."
"Sinong Dj? Si John? Pansin ko tinatawag mo siyang Dj. Nickname ba niya yun?"
Oo nga pala. John Ford ang alam nilang pangalan niya.
Kinuha lang naman niya sa Daniel JOHN FORD Padilla eh. Ayos din. Wala man lang nakakilala sakanya dito.
Napatingin ako kay Dj.
Ang sama na talaga ng tingin niya sakin.
"Dj ang tawag ko sakanya kasi-----"
Hindi ko na naibuking pa ang loko kasi naman bigla akong hinila sa classroom sabay sabing,
"Mag-uusap na tayo."
Ayaw lang mabuking eh. xD
Yung Iyah naman, nakita kong napaupo nalang sa shed malapit sa classroom namin.
Buti nalang at nakaalis na ang lahat ng tao sa room.
Wala na ding mga tao sa other rooms.
Kami yata pinakahuling nadismissed.
"Ano ba kasing kailangan mo hah?"
Galit na galit na tanong ni Dj.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kamusta lang ako?"
Pang-aasar ko naman.
"Alam ko naman na masaya ka sa pagkawala ko eh."
"Actually, tama ka. Pero mas masaya ako kung malalaman kong PATAY ka na at hindi nagtatago lang. Isa kang duwag Dj."
Nakangisi lang ako.
Pang-asar lang.
"Ano ba kasing kaiblangan mo hah? Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako?"
Hinawakan ako sa kwelyo ni Dj.
"Chill lang bro. Isa-isang tanong lang pwede?"
Tinulak ko siya palayo.
Inayos ko ang damit ko at sinagot siya.
"Ano pang silbi ng mga private investigators? Utak Dj please. Tsaka nandito ako para kamustahin ka. Gusto kong makita ang lagay mo. Alalang-alala sila sayo. Tsaka matutuwa na sana ako sa pagkawala mo eh. Pero mas ikaw parin ang tinutuunan ng pansin. Ikaw padin ang bukambibig ng lahat. Ano to Dj? Gimik mo para mas sumikat? PAKSHET lang! Ano bang meron sayo? Bakit palagi nalang ikaw? Ano hah? SAGOT!"
Hindi na ako nakapagpigil pa.
Nasabi ko na lahat.
Shet. Parang nakakababa yung mga huli kong sinabi.
Parang insecure ako sakanya. Na parang inggit ako sakanya. Ganun ang dating ng mga sinabi ko.
Pero ang nakakainis, tumawa siya.
PAKINSHET.
Ano? Masaya siya dahil sa mga sinabi ko?
Part 2
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3