Forgive [28]

662 7 0
                                    

FORGIVE [28]

DJ’S POV

Nakaset na ulit kami ng presscon. Bukas na kagad.

At eto, walang masyadong imik kami ni Mommy. Magkakausap lang kami tungkol sa mga projects ko ganun.

Nalulungkot nga ako sa mga nangyayari ngayon eh.

Kami nga ni Iyah, hindi naman kami okay ni Mommy.

Hayy.

KINABUKASAN

BAGO ANG PRESSCON

Nasa isang sulok lang ako. Nakanganga. Medyo nanenerbyos.

“Dj?”

Napatingin ako sa tumawag sakin.

Si Mommy.

“Po?”

“Anak, alam ko medyo ang pangit ng oras na to para sabihin ko to pero eto, anak, sorry.”

Napatingin ako sa malayo.

Lumapit si Mommy sakin.

“Anak tama ka. Galit ako sa Daddy mo sa pag-iwan niya satin kaya nagawa ko ang mga bagay na yun. Nilason ko ang utak mo. Niluklok kita sa isang pwestong hindi ako sigurado kung gusto mo nga talaga. Kung masaya ka nga ba sa mga ginagawa mo. Dj anak, I’m sorry.”

Umiiyak si Mommy.

Ayokong nakikitang umiiyak siya.

Naiiyak na nga din ako eh. Aish. Ano ba yan.

Halos lumuhod na si Mommy sa harapan ko.

“Sorry anak. Sana mapatawad mo ako.”

Yinakap ko naman si Mommy.

“Napatawad na kita Ma.”

Tumayo si Mommy sa pagkakaluhod.

“Thank you. Thank you talaga anak. Proud na proud ako dahil nagkaroon ako ng isang tulad mo. At pinasasalamatan ko din na may nakilala kang Iyah sa buhay mo. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka magmamature. Pasensya na pala sa lahat ng nasabi ko tungkol sakanya anak. Pinapayagan na kita sakanya. Tanggap na tanggap ko siya para sayo. At sana dalhin mo siya dito ng mas makilala ko pa siya at para makapagsorry din ako sakanya ng personal.”

At sa sinabing yun ni Mommy, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

Tears of joy.

Sobrang saya ko.

Niyakap ko si Mommy ng sobrang higpit.

“Thanks Ma. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako pinasaya sa araw na ito. I love you Ma.”

“I love you din anak.”

Eto na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

Ang matanggap na din sa wakas ni Mommy si Iyah.

The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon