COOKING LESSON [6]
"Ang mahal naman po ng tilapia niyo."
"Fresh po kasi tsaka mahal ang bili namin dito."
"40 nalang po."
"Gwapo ka bata pero 50 talaga eh. Walang tawad."
"45?"
"50."
"45?"
"Sige na nga."
"Salamat po."
Hayy naku. Wala rin lang naman akong ginawa dito. Tagabitbit lang pala. Psh.
Andito kami sa wet section ng market. Infairness, baha dito. -_____-
"John, madami pa bang bibilhin? Nangangawit na kamay ko. Ang bigat kaya ng mga to. Tsaka gutom na ako."
Pagrereklamo ko.
"Wala na. Medyo sumubra yung bigay ng Mama mo sakin. Gutom na nga din ako eh. Ibili nalang natin ng pagkain itong sobra?"
"Oo. Dun tayo oh. Gutom na talaga ako."
Nagtungo kami sa isang pwesto na nagtitinda ng pang-meryenda.
Wow! Siomai! *u*
Tas carbonara, pizza at lasagna.
Ang sosyal naman dito!
"Ate carbonara, pizza, lasagna at siomai nga po."
Sabi ni John dun sa tindera.
Ano yun? Nagkataon lang ba na pareho kami ng gusto ni John sa pagkain? Wow lang.
"Okay lang ba yung inorder ko para satin?"
Tanong ni John sakin.
"Oo naman. Hindi ko alam na pareho pala tayo ng gustong pagkain."
Sagot ko.
Naghanap na kami ng mauupuan ni John.
Habang hinihintay namin yung order namin, madaming tumitingin-tingin kay John.
Anong meron?
"Ikaw ba tinitignan nila?"
Tanong ko kay John.
"Ganyan talaga ang gwapo eh. Tinitignan ng lahat."
Preskong sagot naman niya.
"Leshe! Sarap mong batukan. Seryoso pwede? Bakit sila nakatingin sayo?"
"Aba malay! Tanungin mo nalang sila."
Nagroll eyes nalang ako sa sira ulong gwapo na yun.
Eh? GWAPO? Susme! Saan nanggaling yun?
Pero bakit pa ako magdedeny. Gwapo naman talaga siya. Mahangin nga lang. Crush ko na nga sana eh.
"Heto na po ang order niyo."
Inilapag naman na nung ale yung order namin.
*nom nom nom nom nom nom*
SARAP! ^______^
"BURRP!"
Opps.
"Haha. Ano ba yan Iyah. Ang takaw takaw mo kasi eh. Haha."
"Hahaha *fake laugh* Atleast ako sexy padin. Eh ikaw? Patpatin! Hmp."
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3