Till The Night Ends [25]

817 17 1
                                    

TILL THE NIGHT ENDS [25]

 

THIRD PERSON’S POV

 

PRESSCON

“Nasan na ba si Dj? Magsastart na ang presscon.”

Bahalang-bahala si Tita Karla kung nasaan si Dj ngayon.

Sinubukan niyang tawagan pero hindi ito sumasagot at maya-maya’y pinatay na din ang cellphone ni Dj kaya mas lalo nila itong hindi macontact.

Galit na galit si Tita Karla.

Nagpaumanhin siya sa mga press na dumalo at sinabi nalang niya na may sakit ang kanyang anak kaya hindi matutuloy ngayon.

Samantala, nagluwas naman si Dj papuntang Ilocos Sur kasama ang mga kabanda niya.

Kinausap niya ang mga ito. At sinabing isikreto lang ito. Lalong lalo na sa kapatid niyang si JC.

Matagal din kasi nila itong pinaghandaan.

Kinausap nila ang Principal ng school nila Iyah na kung sana ay gawing hapon hanggang gabi ang Senior’s Ball nila. Nung una, hindi pumayag ang Principal pero napapayag din nila ito.

DJ’S POV

 

Medyo natraffic kami.

Shit. Kung ako lang talaga si BATMAN eh lilipad na ako. Kaso, hindi nakakalipad si BATMAN eh. Paano ko ba to mapapabilis? Matatapos na ang Senior’s Ball nila Iyah.

Maya-maya’y naging okay na din ang daloy ng trapiko. Kung bakit ba kasi may madidisgrasya pa ngayon. Tss.

Dumaan kami sa backstage ng Convention Center.

“Well that ends our Senior’s Ball. I hope all of you enjoyed.”

Narinig kong sabi ng MC.

Tumakbo naman ako hanggang sa sumigaw ako ng,

“WAITTTTTT!”

“Pasensya na po at late kami. Kami pala ang Parking Five. Kami sana ang tutugtog para sa Senior’s Ball niyo pero natapos na pala.”

Sabi ko.

Gulat na gulat naman ang mga estudyante pero napalitan ng kilig at tuwa ang kanilang mga mata, lalo ang mga kababaihan.

Hinanap ko sa crowd si Iyah.

At ayun siya, gulat na gulat nung makita ako. Nasa tabi naman niya si Gino. Tss.

Nakita ko namang tumayo  si Khalil.

“Look who’s here.”

Sabi niya.

Biglang tumayo din yung isang babae na katabi ni Khalil. Mukhang chix ni Khalil. Inaawat niya ito at parang hiyang-hiya sa ginawa ni Khalil.

The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon