A/N: Weekly update nalang po kung kakayanin ko man. xD
THE RIVALS [11]
[IYAH'S POV]
Okayy. Feeling ko ang haba na masyado ng hair ko.
Feeling ko lang naman.
Dinaig ko na din siguro ang bangs ni Mikay.
Ang weird ni John at Gino.
Pinagitnaan kasi nila ako. Jusko. Eh mahilo na ako sakanila. Sabay kung kausapin ako. Like hello?! Makakausap ko ba sila ng sabay? Pwede bang isa-isa lang?
Tsaka kapag din recess o lunch, sabay nila akong yayayaing kumain.
Syempre si John palagi pinipili ko. Or kung minsan din pala eh wala sa kanila, sa mga babae kong kaibigan ako nakikisabay.
Ang awkward din sakin na pansinin si Gino kasi nga alam niyo na, nagtapat siya sakin. Iniwan niya ang girlfriend niya para sakin.
"Iyah, may gagawin ka ba mamaya?"
"Kung di ka busy mamaya, meryenda tayo."
"Sabay tayong uuwi sabi ni Mama ... mo."
"Ipagpapaalam kita sa Mama mo kapag malate kang mauwi kung sasabay ka sakin ng meryenda."
At ayan na naman sila.
Sabay kung magsalita.
Wala na nga akong maintindihan sa tinatalak ng teacher namin.
Last year ko na nga, baka babagsak pa ako ng dahil sa dalawang mokong na to.
Lord, kayo na po ang bahala sakin.
"John, uwi daw tayo kagad sabi ni Mama."
Lie #1.
Ayoko naman ding sumama kay Gino.
UWIAN NA.
"Iyah, sabay ka muna sakin magmeryenda."
Halos nagmamakaawang sabi sakin ni Gino.
"Gino, diba sinabi ko naman na sabi ni Mama, umuwi daw kami kagad ni John."
Medyo inis kong sabi.
"Tinext ko na mama mo, oo daw."
Pinakita naman niya sakin ang text ni Mama at pinayagan nga talaga ako. Bwisit. -.-
Wag na kayong magtaka kung bakit o paano may number si Mama kay Gino.
Kinuha niya sa I.D. ko. -____________-
"Iyah, halikana, umuwi na tayo."
Bigla namang hinigit ni John ang braso ko.
"Wait lang bro. Hindi mo ba narinig yung kanina? Ipapabasa ko din ba sayo yung text ng Mama ni Iyah?"
Ramdam na ramdam ko ang tension sa pagitan nilang dalawa.
"Pake ko."
Hinila naman ako ni John.
Pero hinila din ako ni Gino sa other side.
Pinaghihilaan ako ng dalawang lalake.
Ang haba na talaga ng buhok ko.
"Pare, ano ba, sakin sasama si Iyah."
"Gago ka ba? Sakin siya sasama."
"Bitiwan mo siya."
"Ayoko."
"Sakin siya sasama!"
"Sakin!"
"Bitaw na!"
"Ikaw ang bumitaw!"
Mahihiwalay na ang dalawa kong braso! >__________<
Bigla namang binitawan ni Gino ang pagkakahawak niya sakin at tsaka niya siununtok si John.
"Gago ka!"
"Mas gago ka!"
Tuloy-tuloy lang sila sa pagsuntukan.
Hindi ko sila magawang awatin.
"John! Gino! Tama na! Itigil niyo na yan!"
Patuloy lang ako sa pagsigaw.
Mga walang kwenta naman tong mga tao sa paligid. Hindi man lang tumutulong sa pag-aawat. >________<
"Hoy kayo! Hindi ito laban ni Pacquiao parapanuorin niyo lang. Awatin niyo!"
Tsaka lang nagsigalaw ang mga tao sa paligid nung pinagsalitaan ko na sila.
Walang kwenta lang talaga eh,
"Mr. Ford! Mr. Rosales! In the Guidance Office, NOW!"
Tsaka lang sila tumigil nung dumating na yung Guidance Counselor ng school.
Bago sila sumunod sa Guidance Counselor namin, nagkatinginan muna ang dalawa ng sobrang talim. Sobrang sama ng aura ng dalawa. Para bang nasaniban sila.
~~
Sumama ako sa Guidance Office syempre.
Dahil AKO ang reason kung bakit sila nag-away.
Parang ang ganda ko naman masyado para sabihin yun. xD Pero sa yun ang totoo eh. x))
"Ma'am, siya po ang nauna."
"Kung hindi ka naman kasi epal masyado, hindi ako susuntok."
"Eh uuwi na nga kami ni Iyah eh."
"Napagpaalam ko naman siya eh."
"Eh kahit na."
"Ano mo ba kasi si Iyah hah?"
Biglang napatahimik si John at tumingin sakin.
"Makaasta ka kasi pare parang asawa mo na siya."
"Just because of Iyah nag-aaway kayo? Immature people! Hindi man lang ba pwedeng magparaya nalang yung isa sa inyo? You both say sorry to one another para matapos na. Ang promise not to do this again. Hayy, mga bata talaga ngayon oo."
Galit na sabi ng Guidance Counselor namin.
"Sorry."
Sabay na sabi ni Gino at John sa isa't isa.
"Hindi na ito mauulit pa, pangako."
Sabi ni John at nagshake hands sila.
[JOHN'S POV]
Nagshake hands kami ni Gino.
"Ginagawa ko lang to dahil kay Iyah at para makaalis na tayo dito. Pero hindi ko maipapangako na hindi na kita susuntukin pa."
Bulong ni Gino sakin nung nagyakap kami.
Ako din naman. Ganun din. Ginagawa ko lang yun para kay Iyah.
Pero sana wag na akong suntukin ni Gino. Mababawasan kagwapuhan ko. Dejoke.
Umalis na kami sa Guidance Office at umuwi na.
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3