Too Late [10]

1.3K 14 1
                                    

TOO LATE [10]

 

 

“Gino, bakit?”

Tanong ko nung huminto na siya sa PAGKAKALADKAD sakin.

“Iyah, may sasabihin kasi ako sayo.”

Halata ang pagkanerbyos sa mga mata niya. Anong meron ba kasi?

“May nagawa ka sigurong kasalanan sakin na hindi ko alam noh?”

 

“Hindi ah.”

 

“Eh bakit ka nanenerbyos?”

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.

“Kasi Iyah,”

 

Mukhang nagdadalawang isip pa siyang ituloy ang sasabihin niya.

Ganun ba yun kabigat o kagrabe?

“Break na kami.”

 

Okayy. So?

Bakit niya sinasabi sakin yan?

“Ahh.”

Yun nalang ang nasabi ko.

“Di mo man lang ba tatanungin kung bakit?”

 

Actually, wala na akong pakialam.

“Bakit nga ba?”

 

“Iyah kasi narealize ko na..”

 

“Na ano?”

 

“Na mahal kita.”

 

SPEECHLESS.

“Kapag kasama ko girlfriend ko, ikaw ang iniisip ko. Nung nakita kita sa Mcdo, akala ko magkakatime na tayo together kaso may kasama ka pala. Lalake pa. Nasaktan ako dun. Lalo pa nung kuhanan ng sched eh nakita ko na naman si John na kasama mo. Ang sweet niyo. Nasasaktan ako. At kagabi, pinag-isipan ko pa talaga to. Iyah, mahal kita.”

Dagdag niya.

Still speechless.

Di masink in sa utak ko ang mga sinabi niya.

Seriously? Si Gino? Mahal ako?

Joke ba to? Bakit ang tagal niyang sabihin na joke lang ito?

“Ano?”

Yun nalang ang lumabas sa bibig ko.

The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon