Mumu? [4]

1.6K 19 3
                                    

MUMU? [4]

IYAH'S POV

Wala talagang utang na loob yang John Ford na yan.

Kung hindi lang sana kasalanan ang pumatay eh kanina ko pa siya pinatay.

Paano ba naman kasi. Naintindihan niya pala yung sinabi ko. 

NAKAKAHIYA! >______<

Tsaka yung poster pa ni Daniel Padilla na ka-look alike niya, sinabi pang pinagnanasaan ko. Ampuu!

Bakit ba kasi ako bumili nun? Ang tanga ko lang din.

Tumigil na siya nung umarte ako na parang naiiyak na.

Baka hindi niyo alam, pang best actress yata ako! x))

Tinawag ko na yung kapatid ko para makatulog na din kami.

"Iyah."

Tawag naman sakin ni John nung pumasok na yung kapatid ko sa kwarto.

"Ano?"

Tanong ko sakanya na mataray ang tono.

"Eh kasi ano, wala ba talagang extrang foam dyan? Matigas eh."

Pagrereklamo niya ng mahinahon.

Aba, ang kapal din ng mukha. Pinatuloy na nga namin. Nagsinungaling pa ako. Hindi ko pa nga siya ganun kakilala tas magrereklamo siya kasi matigas ang tutulugan niya? Kung patayin ko nalang kaya siya?

"Nuxx. Nakikitulog lang diba? Magrereklamo pa! Matulog ka na nga lang."

Pagtataray ko ulit sakanya.

"Tss."

Yun lang ang narinig ko mula sakanya.

Nung nakapikit na ako at matutulog na sana, feeling ko may gumagalaw galaw na something. Takte! Ano ba yun? 

Nakapatay pa kasi yung ilaw. Nakasara yung pintuan. Konting liwanag nalang ang nakikita ko.

Kinapa ko kung nasaan ung cellphone ko ng biglang may nahawakan akong kamay! >______<

Hindi naman pwedeng kamay ng katapid ko to. Nasa left side ko siya at ang cellphone ko ay nasa right side naman!

Juskupo. Mahilig akong manood ng horror pero wag namang ganito. Ayokong makaexperience ng kung anu-anong kababalaghan.

Nanatili lang yung kamay na hawak ko. Mainit naman eh. Medyo basa nga lang. Pasmado siguro. Tsk.

Pero ano ba talaga to?

MUMU?

The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon