Back to Normal [20]

805 7 1
                                    

BACK TO NORMAL [20]

DJ’S POV

“Ano Daniel John? Mahirap bang pumili? Gusto mo iexplain ko pa? Si Kath o yang babaeng yan? Kung si Kath, uuwi ka na ngayon din, iiwan ang lahat lahat dito at babalik sa showbiz. Kung yang babaeng yan, then magkalimutan na tayo. Hindi na kita anak. Mananatili ka na dito at hinding-hindi ka na makakabalik pa.”

Ang dali dali ng tanong na yan.

Syempre pipiliin ko si Kath. I can’t afford to lose Mommy. I can’t afford to lose the fortune.

Pero looking at Iyah now, parang ang hirap. Parang mas gugustuhin ko pang iwan ang lahat ng meron ako manatili lang ako dito, makasama ko lang si Iyah.

Umiiyak na siya. At nasasaktan ako sa nakikita ko. Ayokong may umiiyak na babae.

Silence.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

Humarap ako kay Iyah.

“Iyah, I’m sorry. I’m choosing Kath over you.”

Oo. Si Kath. Si Kath ang pinili ko.

Sa Maynila ang tunay kong buhay. Hindi ako dito sa Ilocos Sur.

Unti-unti akong naglakad papalayo kay Iyah papunta kay Kath.

Ang sakit ng ginagawa ko.

Puso ko gustong tumigil sa paglalakad, balikan si Iyah at yakapin siya. Ipaglaban siya kay Mama. Pero etong si utak, eto, sinasabing dapat lumakad ako. Lumakad papunta sa buhay ko.

 “So paano ba yan. Kung ano man ang meron kayo ng anak ko, piniputol na niya. Wala na. Wag mo nang guluhin ang buhay ng anak ko. Balik sa dati kumbaga.”

Sabi ni Mama kay Iyah. Yumuko lang naman siya.

“IYAAAAAAAAAAAAHH!”

Bigla namang sumigaw si Gino hanggang sa tuluyan siyang nakalapit kay Iyah. Yinakap niya ito. Takte. Bakit ang sakit? Gusto ko ako yung nakayakap kay Iyah ngayon.

 “Tss. Malandi lang? Kakabreak niyo lang ni Dj may bago ulit? Ikaw na.”

Sabi ni Kath. Gusto ko siyang sumbatan. Hindi malandi si Iyah. Sa katunayan, siya itong malandi eh. Pshh.

“Tigilan mo nga siya. Sayo na si Dj diba? Bakit hindi pa kayo umalis? Kelangan maliitin niyo pa siya? Hindi niyo alam kung sino ang minamaliit niyo.”

Pagtatanggol naman ni Gino. Pssshh. Ako dapat nagsasabi nun eh. Pero bakit hindi ko masabi? Pipi na ba ako?

“Gino, tama na.”

Sabi naman ni Iyah.

“Yeahright. Alis na tayo. Let’s go.”

Sabi ulit ni Kathryn.

Lumingon ako kay Iyah.

Well I guess this is goodbye.

MANILA

“Buti naman at alam mo kung sino ang dapat piliin DJ. Dahil kung nagkataon na yung babaeng yun at pinili mo, hinding hindi na kita mapapatawad pa.”

“Tsaka bakit ka ba naglayas ha? Bata ka, halos mamatay na kami dito kakaalala sayo.”

“Di ka man lang nagpaalam. Di mo man lang sinabi kung nasaan ka. Kung okay ka lang. Sinabi mo nalang sana na gusto mo ng break anak. Kakausapin natin Manager mo. Hindi yung bigla ka nalang lalayas.”

The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon