BREAK YOUR HEART ONE LAST TIME [29]
IYAH’S POV
Dj calling ..
“Hello?”
“IYAH!”
“Makasigaw wagas. Makabasag eardrums. Oh, bakit?”
“Ang saya saya ko ngayon sobra.”
“Bakit naman?”
“Ayos na kami ni Mommy.”
“Wow. Talaga? Buti naman kung ganun.”
“At eto pa, tanggap ka na ni Mommy para sakin.”
“Ha? Err, paano? Bakit biglaan?”
“Kasi nga, nagkaayos na kami. Ayos na ang lahat Iyah. Sobrang saya ko. At eto rin pala, gustong kang mameet ni Mommy. Kelan ka ba free? Gusto ko sanang dalhin ka dito sa Manila para ipakilalan din kita sa mga kaibigan at mga kapatid ko kay Mommy at kay Daddy.”
“Ano? Uhm, ewan ko. Naku, pakilala? Natatakot ako. Grabe. Paano kung ayaw sakin ng mga kapatid mo? Paano kung ayaw sakin ng Daddy mo? Sabi nga sa article diba, botong boto sila kay Kathryn. Maka-KathNiel yata pamilya mo. Tss. Naku.”
“Hahaha. Ano ka ba Iyah. Syempre, that was all part of the show. Kelangan. Tsaka sigurado naman akong magugustuhan ka nila eh.”
“Ehh basta natatakot padin ako. Tsaka paano kung may makaalam? Eh di sira kayo ni Kathryn. Sira na ang KathNiel. Baka interviewhin pa ako sa The Buzz. Baka maulanan ako ng death threats galing sa mga fans niyo. Patay ako nun.”
“Private yun. Hahayaan ko bang mapahamak ang babaeng mahal ko? Syempre hindi. Mamatay muna ako.”
“Ayy ewan ko sayo. Sige na, gabing-gabi tumatawag ka. Inaantok na kaya ako. Buong araw kaming nagpractice para sa Graduation. Tss.”
“Ganun ba? Pasensya ka na. Busy kasi ako eh. Alam mo naman, sikat ang boyfriend mo.”
“Tss. Sikat nga, wala ka naman ng time sakin.”
“Tampo ka ba? Wag ka na magtampo oh. Bumabawi naman ako eh. Tsaka kong hindi ako magtatrabaho ng mabuti, paano nalang ang magiging mga anak natin? Kawawa na sila pag nagkataon. Gusto ko pa naman ng madaming madaming madaming anak.”
![](https://img.wattpad.com/cover/1340117-288-k622266.jpg)
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3