IS THIS GOODBYE? [19]
“Siya? She’s .....
she’s my girlfriend.”
O/////O
Dugdug. Dugdug.
Tell me. Anong dapat kong ireact?
Kilig na kilig ako sa narinig ko. Hindi lubos magsink-in sa utak ko.
Ako? Girlfriend?
Kyaaaaaaaaaaahhhhh!
Parang nagfifiesta ang puso ko sa sobrang saya nito.
Pero naisip ko naman, maybe it’s just Dj’s way to protect me.
Yeah. Ganun lang yun. Wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano Iyah. Isipin mong mabuti, HINDI YUN TOTOO.
<///////3
“What? Siya? Girlfriend mo?”
Halos hindi makapaniwalang sabi ni Kathryn.
Mas lumakas naman ang ingay ng mga press.
Ano bang dapat kong gawin?
Magsasalita ba ako?
‘Oo. Ako girlfriend niya. Bakit? Angal ka? Well sorry Kath, loveteam mo lang siya. Ako? Ako ang tunay na mahal niya. Wag kang ambisyosa.’
Sasabihin ko ba yun? Parang ang taray naman masyado. Hihihihi.
“Oo. Siya ang girlfriend ko.”
Pag-uulit naman ni Dj.
Juskooo. Kotang-kota ako ngayon hah.
Naka-akbay si Dj sakin ng sobrang higpit tas sinasabi pang girlfriend niya ako sa harap ng madaming press at sa harap ni Kathryn. Ako na. Ako na mahaba ang hair. Maghanda na ako sa dami ng death threats na matatanggap ko panigurado.
Hinead to toe naman ako ni Kath.
Aba. Maganda pero mukhang mataray naman pala itong si Kath. Akala ko pwede kong maging bestfriend eh. Tsss. Sayang. Akala ko magkakabestfriend na ako ng artista.
Pero boyfriend na artista? Okayy lang. Hihihihi.
Hindi na makasalita pa si Kath.
“Pakiulit nga yung sinabi mo Daniel John.”
Nagulat si Dj.
Ako nga din nagulat eh.
Boses babae ulit. Medyo parang nasa 30’s na.
Liningon namin.
Babae na nakapamewang.
Wait. Si Mommy Karla? Este Tita pala. Hihihihi.
“MA?”
Gulat na gulat padin si Dj.
“Sino yang sinasabi mong girlfriend?”
Tanong ni Tita Karla na parang galit na din.
“Ma.”
Yun nalang ang nasabi ni Dj.
“Daniel John. Gusto kong pumili ka ngayon. Si Kath o yang babaeng yan. *sabay turo sakin*”
Grabe naman pala si mother-in-law.
“Ma naman.”
Sabi ni Dj.
“Ano Daniel John? Mahirap bang pumili? Gusto mo iexplain ko pa? Si Kath o yang babaeng yan? Kung si Kath, uuwi ka na ngayon din, iiwan ang lahat lahat dito at babalik sa showbiz. Kung yang babaeng yan, then magkalimutan na tayo. Hindi na kita anak. Mananatili ka na dito at hinding-hindi ka na makakabalik pa.”
Napatakip ako ng bibig ko.
Grabeng mga kondisyon yun.
Half of me naniniwalang pipiliin ako ni Dj.
Pero half of me siguradong si Kath ang pipiliin.
Gusto kong maiyak.
Oh wait. Umiiyak na talaga ako.
Is this goodbye?
Eto na ba yung araw na kinakatakot ko?
Eto na ba yung babalik na si Dj sa dati niyang buhay?
Eto na ba yung move on and go on with our lives?
Iniisip ko palang feeling ko mamamatay na ako.
Napatingin ako kay Dj.
Sigurado akong nahihirapan din siyang pumili. May pinagsamahan padin naman kami kahit papano.
Silence.
Biglang nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Dj.
Humarap siya sakin.
“Iyah,
I’m sorry. I’m choosing Kath over you.”
Unti-unting naglakad papalayo sakin si Dj papunta kay Kath.
Bigla akong naiyak pa sobra.
Ang sakit. Ang sakit na mas pinili niya si Kath kaysa sakin.
Alam ko naman eh.
Joke lang talaga yung girlfriend KUNO kanina.
Alam ko naman eh.
Syempre family niya vs. ako.
Syempre family niya.
Ako naman kasi itong si GAGA. Feeling ko naman ako pipiliin niya. ASA PA AKO.
“So paano ba yan. Kung ano man ang meron kayo ng anak ko, piniputol na niya. Wala na. Wag mo nang guluhin ang buhay ng anak ko. Balik sa dati kumbaga.”
Sabi sakin ni Tita Karla.
Yumuko nalang ako.
Masyadong masakit.
Isa itong bangungunot.
Can somebody please save me from this nightmare?
I’m about to die.
“IYAAAAAAAAAAAAHH!”
Bigla naman akong napalingon sa sumigaw na tumatakbo.
Gino?
Bigla niya akong niyakap.
Napayakap nadin ako pabalik.
He is my savior from this nightmare.
“Tss. Malandi lang? Kakabreak niyo lang ni Dj may bago ulit? Ikaw na.”
Narinig kong sabi ni Kathryn.
“Tigilan mo nga siya. Sayo na si Dj diba? Bakit hindi pa kayo umalis? Kelangan maliitin niyo pa siya? Hindi niyo alam kung sino ang minamaliit niyo.”
Pagtatanggol naman ni Gino sakin.
“Gino, tama na.”
Pag-aawat ko naman sakanya.
“Yeahright. Alis na tayo. Let’s go.”
Sabi ulit ni Kathryn.
Tumingin ako kay Dj.
Kitang kita ko sa mata niya na nasasaktan siya. Pero bakit naman siya masasaktan diba? Dapat masaya na siya. Babalik na sa normal ang lahat.
Hayy.
Huling sulyap ko na ba to sakanya?
Hanggang sa TV, poster at picture ko na naman ba siya makikita?
Is it really the end?
Is this really goodbye?
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3
![The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]](https://img.wattpad.com/cover/1340117-64-k622266.jpg)