KATHRYN BERNARDO [18]
“Mommy, kelangan kong pumunta dun.”
“Hayaan mo’t kakausapin ko ang Tita Karla mo para sabay na tayong nagpa-Ilocos.”
“Kelan Ma? I can no longer wait. Hayaan mo na. Mauna na tayo Ma. Please.”
“Why are you acting like that all of a sudden Chandria? I know loveteam kayo, close friends, napapabalitang MU and all pero don’t you think you’re over acting?”
“Ma, mahal ko siya. Sana maintindihan mo ko.”
“*sigh* Okay then. Pack your things. Kakausapin ko na yung Tito mo to prepare our private jet at para matawagan na niya yung sa Mindoro, Vigan airport.”
“Thanks Mommy.”
IYAH’S POV
Natapos ang titigan portion, biglang ewan. Hayy ewan. Makalimutan na nga lang yun.
KINAUMAGAHAN
Sabay kaming pumasok ni Dj sa pagpasok.
Walang masyadong imikan samin.
Awkward? Hayy.
Pagkadating namin sa school, ang daming mga press.
“Shit.”
Narinig kong bulong ni Dj sa sarili niya.
“Daan nalang tayo sa likod Iyah.”
Sabi niya sakin at minadaling hinawakan yung kamay ko para makaalis na kami.
Dugdug. Dugdug.
Grabe. Parang hinawakan lang ni DJ yung kamay ko ganito na ang epekto? OA na ang heartbeat ko hah.
Dahil sa sobrang kilig ko naman sa holding hands namin ni Dj, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa gate sa likod.
Syet. Sinabi ko bang ‘holding hands’? Maling term yun. =.=
“Fvck.”
Nasabi ulit ni DJ.
Kasi naman. Madami ulit ang mga press sa likod. Bumalik nalang ulit kami sa harap since mas maliit lang ang press dun.
Nung una, medyo natatakasan na namin yung mga press habang papasok. Pero limang hakbang palang,
“NANDUN SIYAAA!”
*click*
*flash*
*click*
Walang tigil ang pagflash ng camera.
“Paksyet.”
Nasabi ulit ni Dj tsaka niya pilit tinatakpan ang aking mukha.
“Hindi ka dapat nila makita para hindi ka madamay.”
Bulong sakin ni DJ.
Kinilig naman daw ako sa bulong. Hihihihi.
At may oras pa talaga akong kiligin no? Hahaha. Dapat eh nagpapanic na ako eh.
“Wait lang po.”
“May konting katanungan lang po kami.”
“Pwede po bang painterview?”
“Bakit ka nagpakalayo-layo?”
Kahit hindi na sinasagot ni Dj yung mga tanong ng press, tanong padin sila ng tanong.
Grabeee. Ganito pala kahirap pag artista ka. Buti nalang di ko na tinuloy ang pangarap kong maging artista. May balak talaga ako eh. Hahahahaha.
Kahit nahihirapan kami sa paglakad palayo ni Dj, pinipilit padin namin.
Pero may isang babaeng halos ka-age lang namin ang nagpumilit makapunta malapit samin.
Halos kasingtangkad ko lang. Kasing payat ko. Kasing morena ko. Pero mas dark padin ang kulay ko. May bagsak na straight na buhok.
“DJ! Waittt!”
Bigla namang napahinto si Dj nung marinig niya yun.
Bigla din namang sumakit ang puso ko.
Kasi yung babaeng yun nagawang patigilin si DJ.
Sino ba kasi yun.
Nilingon ni Dj ang babaeng nasa harapan na namin ngayon.
“Kath?”
Gulat na gulat si Dj.
Sinong Kath ba?
Wait. Kath?
Napalingon nadin ako sa babae.
Kathryn Bernardo?
Kyaaaaah. Tell me. Sobrang swerte ng paaralan ko infairness. Grabe. Ang ganda pala niya sa personal. Starstruck ako sakanya. *U*
“Dj, sino siya?”
Sabay turo ni Kath sakin.
Nagkatinginan naman kami ni Dj.
Ano kaya ang sasabihin niya?
Syempre pangalan ko. Tinatanong lang naman niya kung SINO ako at hindi kung ANO ako kay Dj. Yeah. Syempre name ko ang sasabihin ni Dj.
“Siya? She’s .....
she’s my girlfriend.”
O////O
BINABASA MO ANG
The Missing Daniel Padilla [FIN - REVISED]
Teen Fiction[Daniel Padilla Fanfic] Nawawala si Daniel Padilla! Nasaan na kaya siya? ** Revisions on the Ilokano dialect part and some typo errors. // NOT A KATHNIEL FANFIC. NO HATES PLEASE. :3