A/N: Noted lang po sa mga magbabasa at balak na basahin ang story na ito. "BE OPEN MINDED!" hindi po maiiwasan ang mga salitang hindi angkop sa edad ng karamihan ng mambabasa.. Kung may mali free lang pong mag mensahe..wag lang po akong mumurahin.. Kung may natuwa po..."SALAMAT" nakakataba ng puso... Sabi nga po nila,,," Patnubay ng katabi ang kailangan." joke lang po...hindi naman po kailangan ng katabi^_^ ikaw lang sapat na .(◐∇◐*)
#maraming salamat....*Prologue*
"hindi mo alam Drake....sinong niloko mo... Hayop ka pala eh .. Niloko nyo akong dalawa...manloloko kayo..."-
" Reina.... Reina...please sweety makinig ka naman ohh... Hindi ko alam bakit kami magkatabi ni Althea..sweety...nagising na lang ako na siya ang katabi ko..."-
" G*go ka Drake hindi mo alam pero magkayakap kayo.. G*go ka..."-
" fuck... Dahil akala ko ikaw siya... "-
Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Akala ko noon una ay panaginip lang yun kaya hindi ko muna pinapansin. Pero habang tumatagal ay.....
" aawwww...."- napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang grabeng kirot nito..
Kinalma ko muna ang sarili ko at tuluyan ng bumangon. Nakita ko si Drake na matiim ang pagkakatitig sa akin,, at si Reina na namumula... Matalim ang tingin nito sa akin na parang sinusuri nya akong maigi.. Tumaas baba pa ang mata nya sa katawan ko saka ko nakita kung paano siya umismid..naguluhan naman ako sa kinilos nya..
" beb... May problema ba!?"- i ask ng makalapit na ako sa harap nila.. Pero nagulat ako sa ginawa nito sa akin.
*Pakkkkk...*
Nanigas ako at nahawakan ko na lang ang pisnge ko. Nangilid ang luha sa aking mga mata. For the first time nasaktan nya ako. Sinampal nya ako..
" ikaw ang problema... Hayop kang malandi ka. Akala ko kaibigan kita pero traidor ka pala... Galit ako sayo Althea...galit na galit ako sayo....."-
Sigaw ni Reina sa mukha ko.. Sapo ko naman ang nasaktan kong pisnge at tumingin sa kanya ng naguguluhan.. Saka ko lang napansin na wala ako sa sarili kong kuarto.. Nailibot ko ang mata ko para lang magulat.. Dumako ang mata ko kay Drake,, sa itsura nya,,, sa ayos ko....
Halos wala siyang suot maliban sa towel na nakaikot lang sa hips nya,, kung meron man yun sa loob ay hindi ko na alam. Habang ako ay suot ang polo na gamit lang nya kagabi... Umabot lang yun sa kalahati ng hita ko at halos nakabukas pa ang ilan butones nun... Napakagat labi ako sa sobrang kalituhan na nangyayari sa paligid ko.
" hindi...."-mahina kong usal. Anong nangyari.. Magkasama lang kami ni Reina kagabi..paano akong?
Mabilis akong lumapit kay Reina pero agad din siyang umiwas sa akin... Nasaktan ako sa ginawa nya, pero binalewala ko iyon. Wala ng sasakit pa sa bagay na naiisip sa amin ni Reina.
"god... No... Beb....beb....wala ito... Wala lang ito beb...!"- pinipilit kong magpaliwanag na kahit sarili ko ay naguguluhan na din. Nalilito man ako pero nababatid ko na ang kinagagalit ni Reina..