👉ENJOY READING^_^*Althea*
"Wala na si Reina... Akala ko nga ay magkasama kayong umalis ng kaibigan mo. Dahil nagmamadali ito kanina may mga dala din na gamit. Akala ko nga kasama ka dahil ang dami nyang bagahe. Iniwan nya lang ito sa akin at ibinilin na ibigay ko sa lalaking nagpupunta dito.. Ano bang pangalan... Ah oo yun Drake,, sa kanya ko daw iabot pero hindi naman yun nagpupunta pa. Gusto mo bang ikaw na ang mag-abot,,lagi naman kayo ang magkasama nun diba.." - sabi ng kapitbahay namin na si manay flor.. Mabait ito at katulad namin ay wala na din ibang nakakasama sa bahay na tinitirhan namin,, paupahan kasi ang apartment na tinutuluyan namin ni Reina.. Umiling ako ng iabot nito sa akin ang isang sobre.. Hindi ko yun magagawang iabot kay Drake.. Natatakot ako sa magiging reaksyon nito oras na malaman nito na umalis na si Reina ng hindi man lang nagpapaalam..
" Kayo na lang po manay Flor,,pag pumunta po paki abot na lang sa kanya.. Aalis na po muna ako.."- pagpapaalam ko sa kanya.
===
Tatlong linggo na ang lumipas pero hindi pa din bumabalik si Reina. Ilan beses ko na itong tinatawagan na hindi ko naman macontact. Kahit si Drake ay iniiwasan ko na din dahil natatakot ako sa sasabihin nito sa akin. Kailangan ko munang maibalik si Reina bago ako makaharap sa kanya..
Napapikit ako ng maalala ko kung paano ko pinagtaguan si Drake..ilan beses din yun, mabuti na lang at napapakiusapan ko ang kapitbahay namin na wag sabihin umuuwi ako dito..
Hindi ako sanay sa dilim pero mas nanaisin ko na magtago sa kadiliman ng bahay kesa may liwanag na makikita ko ang sarili ko kung gaano kamiserable at nasasaktan..! Dahan-dahan pa akong pumasok ng pinto para lang magulat na may nabangga pa ako.
" Awwtts"-aray ko naman. Sapo sapo ko pa ang Noo kong nasaktan. Kailan pa nagkaron ng pader sa pinto ko? "shit"-halos mapatalon ako sa gulat ng biglang lumiwanag sa buong silid ko. Lalo akong napasinghap ng malaman ko kung ano...? sino..?
ang nabangga ko...
" D-drake..."- anas ko ng makita ko siya sa harap ko mismo.. Nakatitig ito sa akin habang nakapamulsa ang isa nyang kamay at nakataas naman sa switch ng ilaw ko ang kanan nyang kamay.